Kabanata 43

30 2 0
                                    

Jett's Point of View

NAMAMANGHA kong pinanood ang buong bahay ni Lola Tazya. Kung anong estilo no'ng huling pumunta kami rito ay gano'n pa rin hanggang ngayon. Walang pinagbago. Makaluma pa rin.

Magkahawak kamay kaming pumasok ni Gaily sa loob ng bahay. Gano'n din ang disenyo rito. Lahat makaluma.

Yumakap si Gaily sa aking braso. "Nakabalik din tayo rito after a long years." bulong niya.

"Yeah. Pero gano'n pa rin lahat dito. Wala pinagbago."

"Lola ko na iyan eh."

"Gail!"

Matinis at malditang sigaw ni Lola ang siyang nagpaigtad sa asawa ko.

"Bakit po, Lola?"

"Anong sinabi ko sa iyo noon pa? Huwag kang yumakap sa isang lalaki dahil hindi magandang tingnan!"

"My ever conservative Lola." Lumapit si Gaily kay Lola at nanlalambing na yumakap. "Asawa ko na po iyan, 'La. Nakalimutan mo na ba? Ang sabi ni Mommy nga noon na umiyak ka pa raw sa kasal namin." malambing nitong saad.

Ang tanda na ni Lola tingnan. Naging kuba na siya. Her physical changed, but the Lola Tazya I knew hasn't change.

Lumapit ako sa kanila. "Magandang tanghali po, Lola." Dahan-dahan kong kinuha ang kaniyang kamay at nagmano.

"Gano'n ba?!"

Hinalikan ni Gaily ang pisngi ni Lola nang paulit-ulit. "Opo. Asawa ko na iyan. Huwag ka ng magalit diyan. Sinunod ko ang lahat ng pangaral niyo ni Mommy. Walang pagtatalik na mangyayari kung hindi pa kasal."

"Mabuti kung gano'n! Kumusta ang buhay mag-asawa?"

"Maganda. Magkakaroon ka na ng apo sa tuhod."

Tumalikod sila at pumasok sa pinto. Sa naalala ko ay kusina iyon.

Umupo ako sa upuan na yari sa kahoy. Ang tahimik pa rin ng bahay. Hindi ko alam kung may multo na bang naninirahan dito. Sa tagal ba naman ng bahay na ito. Biglang may batang babae na humahangos ang pumasok. Ngumiti siya nang mapatingin siya sa puwesto ko. I smiled back.

"Hi po." Lumapit siya sa akin. "Mano po ako, Kuya Jett."

Nakangiti ko siyang pinamano. "Kilala mo ako?"

Ngumiti siya ng malapad. I saw her teeth in the upper front that has 1 missing. "Ako po ito, Kuya. Si Amelia. Naalala niyo po?"

Kumunot ang noo ko. Amelia? Familiar.

"Nagkita po tayo sa kasal niyo ni Ate. Tapos ako iyong bata na--"

"Ah oo! Naalala ko na. Ikaw ang baby na binantayan namin ng Ate mo noon." ginulo ko ang kaniyang buhok. "Ang laki mo na."

Bumungingis siya.

"Ilang taon ka na? Nag-aaral ka pa ba?"

"10 na po. Grade 3 po ako."

She's 10 years old now. She was 1 year the last time I went here. 9 years na pa lang hindi ako nakabalik dito. Ang tagal na.

"Mag-aral kang mabuti."

"Opo."

"Kain na tayo, Jet--- oh, Amelia?"

Lumingon kaming dalawa sa may pintuan ng kusina.

"Ate Gail!" Tumakbo si Amelia papunta kay Gaily at yumakap ito.

Nakangiti akong lumapit sa kanila.

"Ang laki-laki mo na. Nasaan ang Mama mo?"

After the Sorrow 2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon