Kabanata 20

20 1 0
                                    

Gail's Point of View

NAKATITIG ako sa kalendaryo rito sa aking phone.

Huling linggo na pala itong pananatili namin dito sa Condo.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Inilagay ko ang phone sa mesa. Humawak ako sa aking ulo at tumungo.

Boring.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nito sa mga nagdaang araw. Nagising na lang ako at naramdaman ko ang pakiramdam na boring.

Ang laki ng kasalanan ko kay Jetty. Sa mga nagdaang araw ay sobrang boring ng lahat. Hindi ko sinadya na maramdaman ito. Bigla ko na lang naramdaman.

Bumuntong hininga ako. Naiiyak na ako. Nakakaiyak isipin. Am I not a good girlfriend for feeling this boring thing? I forced myself to drive out this feeling. Pero kahit anong gawin ko ay hindi mawala.

Ilang araw na rin na hindi maganda ang pakikitungo ko kay Jetty. Hindi ko alam kung nararamdaman niya ba iyon o sobrang napaka-understanding niya lang sa akin kaya kahit anong gawin kong masama sa kaniya ay hindi niya na lang pinansin.

Naramdaman kong bigla siyang tumabi sa akin.

“Gaily, let's have a lunch date.”

Hindi ako kumibo. Nakonsensiya ako. Hindi ko alam kung bakit ko naramdaman ito. Wala namang pagkukulang si Jetty sa akin. Ibinigay niya sa akin ang lahat ng makakaya niya. Lahat ng kaniyang oras at atensyon ay ibinigay sa akin. Inaalagaan niya ako to the point na nakalimutan na niyang alagaan ang kaniyang sarili dahil ako ang palagi niyang inuuna. Pati pagmamahal niya ay ramdam na ramdam ko. And this is killing me. Conscience is killing me.

Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa aking likod. “Gaily, what happened? May nangyari ba sa iyo? May masakit ba sa iyo? Ba't nakatungo ka lang?” mahihimigan sa kaniyang boses ang pag-aalala.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya.

“Jetty, may sasabihin ako sa iyo.” mahinang sabi ko.

Ngumiti siya at hinaplos ang aking likod. “What is it?” nakangiti niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin. Is it okay to express to him how I truly feel in our relationship?

“What is it? May problema ba ang Gaily ko? Spill it out.” sobrang lambing ng kaniyang boses nang sabihin niya iyon.

I swallowed my saliva so hard. I took a deep breath. “Jetty, I-I'm b-bored.” bulong ko.

Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko o hindi dahil sa hina ng aking boses.

“You're bored?”

Tumango ako.

“Then let's go outside. Let's unwind. Let's have joyride.”

Nilingon ko siya. Nakangiti lamang siyang nakatingin sa akin.

“Jetty, ibang bored ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano e-explain. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. I'm bored coz I'm bored. I'm not bored in staying here, I'm bored because---”

“Gaily, I know what you meant. Take a deep breath. Inhale and exhale. Maybe you're just confuse.”

Umiling ako. “Jetty, I'm sorry. Hindi ko sinadyang maramdaman ito. Bigla na lang. Nagising na lang ako tapos naramdaman ko itong boredom. I am really sorry.” naiiyak kong ani.

Hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil niya ito nang mahina. “I love you.” may maliit na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. “May pagkukulang ba ako kaya naramdaman mo iyan? Sabihin mo sa akin. I will do everything to fill my shortcomings.”

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now