Kabanata 40

31 1 0
                                    

Gail's Point of View

DUMILAT ako nang maramdaman kong may nanonood sa akin.

Napabangon ako kaagad nang makita ko si Jetty na nakatayo sa harap ng mesa. Tumayo ako at dali-dali siyang niyakap ng mahigpit.

Isang linggo siyang hindi umuwi at isang linggo akong naghihintay sa kaniya rito sa sofa. Araw-araw akong gumawa ng cake na may nakasulat sa ibabaw ng ‘Hi, Daddy’. Ibang cake at ibang flavor. Isang linggong naghihintay rito sa sala ng buong magdamag. Isang linggong naghihintay kung kailan uuwi ang Jetty ko. Isang linggong tahimik na umiiyak dito sa tahimik at madilim na sala. Isang linggong nangungulila sa asawa ko. My Jetty.

Pero ngayong umaga ay nandito siya. Sobrang saya ko dahil umuwi na siya. Pinunasan ko ang aking mga luha.

“I missed you so much, Jetty. Saan ka nagpunta? Saan ka galing? Ba't hindi ka umuwi? Nakakain ka ba ng maayos? Nakatulog ka ba ng maayos? May maayos ka bang natutulugan?” sunod-sunod kong tanong.

He doesn't hugged me back. Ayos lang. Ang importante ay umuwi na siya. Ang importante ay nandito na siya.

“Ano ito?” tanong niya bigla.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Ang alin?”

Itinuro niya ang cake. “That.”

Ngumiti ako at kinuha ang cake. Inilapit ko sa kaniya. “Read it, Jetty.” nakangiti kong sabi.

Kumunot ang kaniyang noo. “Hi, Daddy?”

“Yes.” Kinuha ko ang kaniyang isang kamay at inihawak sa tiyan ko. “Baby ko, nandito na si Daddy. Umuwi na si Daddy. Do you feel his warmth palm?” nakangiti kong sabi.

“W-What‘s the meaning of this?” nagtataka niyang tanong.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng malapad. “Finally, Jetty, I'm pregnant. Magiging magulang na tayo. Magiging Daddy ka na.” masaya kong sagot.

Sumulyap siya sa cake na hawak ko at sa aking tiyan. Nakangiti ko siyang tiningnan. Magiging buo na kami. Magiging isang pamilya na kami.

Tumawa siya nang sarkastiko. “Buntis ka?”

Without minding the way he laughed, I happily nodded.

Tumitig siya sa akin ng seryoso. “Sa akin ba iyan?”

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi. “Huh?”

Anong ibig niyang sabihin sa kaniyang tanong?

“Sa akin ba iyan? Ako ba ang ama ng batang dinadala mo?”

Tumulo ng sunod-sunod ang mga luha ko. “Pinagduduhan mo ako? Pinagdududahan mo ang batang nasa sinapupunan ko ngayon?” hindi makapaniwala kong tanong.

How could he. How dare he. Pinagdududahan niya ang batang hindi pa nga nabuo? Pinagdududahan niya ang batang dugo't laman niya? Pinagdududahan niya ako? Anong akala niya sa akin? Kung kani-kanino na lang nagpapatira? Anong akala niya sa akin, malandi?

“Look. Tuwing gabi kang aalis noon. Tuwing gabi kang aalis papunta riyan sa Mavy-Mavy mo. Tuwing gabi kang umalis noon. Pinapatulog mo lang ako. Akala mo ay hindi ko alam na tahimik kang lalabas sa kuwarto natin at tahimik na aalis? Akala mo kung hindi kita nakita na umalis? Matinong asawa ba ang tawag do'n, Chamika Gail? Matinong asawa ba ang maitatawag ko sa iyo na papatulugin lamang ako tapos aalis ng gabi upang pumunta sa bahay ng ibang lalaki? Akala mo hindi ko alam? Tuwing aalis ka ay sinusundan kita. Kitang-kita ko kung paano ka dali-daling pumasok sa bahay niya. May minamadali lang, Chamika Gail? Huh? Who knows kung ano ang ginawa niyong dalawa sa loob ng bahay niya.”

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now