Kabanata 13

26 1 0
                                    

Gail's Point of View

"ANG sarap kumain ng meatballs at fried chicken." bulong ko habang nakatingin sa kisame.

Ikalawang araw ko na itong pamamalagi rito sa hospital. I'm bored. Gusto ko ng umuwi tapos magtrabaho sa shop.

"Tapos sundae at pinakamalamig na Coke." muli kong bulong.

I'm craving. Gusto ko ng lumabas at bilhin ang mga ito.

"Ano pa? Ano pa ang gusto mong kainin?"

Kaagad akong napalingon kay Jetty nang magsalita siya. Maybe he just woke up because his voice was a bit hoarse and his eyes are slightly reddish.

"Kanina ka pang gising?" tanong ko.

Magkatabi kaming natutulog dito sa kama ng hospital. Kasya naman kami.

"Kakagising lang." Bumangon siya at kinuha ang cellphone sa paanan ng kama. "Ano pa ang gusto mong kainin, Gaily? I'll order." saad niya habang may pinipindot sa kaniyang cellphone.

"Iyon lang."

"Alright."

Bumangon ako at bumaba sa kama. Lumapit ako sa bintana at tumingin sa ibaba. Nakakalula. Pang-ilang floor ba itong kuwartong kinalalagyan namin? Ang taas.

"Maligo ka na, Gaily, dahil dressing-an natin iyang sugat mo sa ulo."

Hinarap ko si Jetty.

"Teka, ba't maraming dugo ang lumabas sa ulo ko kahapon? Malaki ba ang sugat? Inoperahan ba?" tanong ko at hinawakan ang benda sa aking ulo.

Nakita ko si Jetty na lumapit sa sofa kung saan nakalagay ang bag.

"Nagtanong ako kahapon tungkol diyan. External wound lang daw. Pero kailangan pa nilang e-check ang result ng CT-SCAN sa ulo mo upang makasigurado." sagot niya habang hinahalungkat ang loob ng bag.

Tumango ako. "Paano ako makaligo nito, eh may nakakabit sa akin na dextrose?"

"Ako ang magpapaligo sa iyo."

"Ayoko!"

Nilingon niya ako. "Sinong magpapaligo sa iyo?"

"Ako."

Tumayo siya habang bitbit ang damit at isang plastik. "Kaya mo?" Tinungo niya ang banyo at pumasok doon.

Tiningnan ko ang dextrose. May nakakabit sa akin. Isang kamay lang ang puwede kong maigalaw. Kaya naman pero tiyak na mahihirapan ako.

"Oo!" nakasigaw kong sagot upang marinig ako ni Jetty sa loob ng banyo.

"Halika na. Shower na lang ang gamitin mo para mas madali." sigaw niya galing sa banyo.

Tinanggal ko ang dextrose sa stand at dinala papunta sa banyo. Pumasok ako sa loob. Naabutan ko siyang isinabit ang aking mga damit sa shower curtain.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang dextrose na hawak ko.

"Dahan-dahan ka sa paggalaw rito. The floor is quite slippery. Baka mapunan na naman iyang sugat sa ulo mo." paalala niya habang ikinabit ang dextrose sa pako sa dingding. "May shampoo na riyan at sabon." Hinarap niya ako.

Tumango ako at binuksan ang shower. Ang lamig ng tubig na tumama sa kamay at paa ko.

"Tatanggalin muna natin ang benda." saad niya.

Inilapit ko sa kaniya ang aking ulo habang ang kamay ko ay dinadama ang tulo ng tubig sa shower.

"Maliligo ka lang ba na may suot na damit?"

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now