Kabanata 5

28 1 0
                                    

Gail's Point of View

I AM busy arranging the chairs, table and the designs.

Walang okasyon ngayon pero naisipan kong isorpresa siya. Gusto kong isorpresa si Jetty dahil gusto kong malaman niya na hindi lang siya ang nagwo-work sa relasyon naming dalawa. Gusto kong iparamdam sa kaniya na mahal ko siya at na-appreciate ko siya ng sobra.

At isa pa, palagi na lang si Jetty ang may surprised sa akin. Habang ako ay wala man lang nagawa sa kaniya. Kaya gusto kong siya naman ang sosorpresahin ko.

Pumorma ako ng hugis puso gamit ang mga petals ng rose.

Walang trabaho ngayon sa shop kasi Holiday kaya naisipan kong dito sa rooftop gawin ang surprise. He had no idea about this. And hopefully magugustuhan niya ito.

Nakangiti kong pinanood ang gawa ko. Perfect! May hugis puso gamit ang petals ng rose at sa gitna nito ay ang dalawang upuan at mesa. May inilagay rin akong mga scented candles mula sa pinto nitong rooftop papunta sa hugis puso. At ang dadaanan niya ay mga petals ng rose rin. So romantic for the two persons that are in love.

Kinuha ko ang bag na inilagay ko sa pinakagilid sa sahig nitong rooftop at kinuha roon ang cellphone.

Tinawagan ko si Jetty at kaagad niya itong sinagot.

"Jetty!" masayang bungad ko. "Puwede ka bang pumunta rito sa shop natin?"

"Sure. Nandiyan ka na?"

"Oo. Nandito ako sa rooftop. Dumeretso ka rito ha."

"Okay. Pupunta na ako riyan."

"Bilisan mo." Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. "6:30 pm na." Tumingala ako. Sobrang makulimlim ng langit. "At baka uulan ngayon. Bilisan mo."

"Opo, Ma'am. Nakasakay na po ako ng kotse. Papunta na ako riyan."

"Thank you. I love you. Mag-iingat ka."

"I love you more." tugon niya.

Pinatay ko ang tawag. Ibinalik ko ang phone sa bag.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Ito ang unang pagkakataon na isorpresa ko siya. Sana lang at magustuhan niya.

Naglakad ako papunta sa mesa at tiningnan ang mga pagkaing nakahanda. Tatlong putahe lamang ang hinanda ko. At ako mismo ang nagluto ng mga ito. I smiled. Nakaka-excite. May mataas na kandila rin akong inilagay sa gitna ng mesa. May red wine at dalawang kopita.

Hinanda ko ang lahat ng ito sa loob ng labing isang oras. From cooking, to preparing the designs and to arranging everything.

Tiningnan ko ang oras. Malapit ng mag-seven. Mukhang malapit na si Jetty.

Bumalik ako sa kinaroroonan ng aking bag. Binuksan ko ito at kinuha roon ang makeup kit. Kailangan kong maglagay ng makeup ngayon para mas maganda at presentableng tingnan.

Naglagay ako ng kaunting foundation sa mukha at red lipstick. Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin. Kontento na ako. Actually, hindi ako masyadong marunong maglagay ng makeup. Ang light makeup lang ang kaya kong gawin.

Inilugay ko ng maayos ang aking buhok. Tumayo ako at inayos ang aking dress. Tiningnan ko ulit ang aking relo. 7:05 pm na. Madilim na rin dito sa rooftop dahil wala namang ilaw rito. Gusto kong sindihan ang mga kandila para magkaroon ng ilaw pero mamaya na lang kung nandito na sa shop si Jetty.

Ang tagal ni Jetty. Sana lang hindi kami maabutan ng ulan. Kumukulog at kumikidlat pa naman.

Naglakad ako papunta sa gilid ng rooftop. Tiningnan ko ang mga sasakyan. Hindi naman masyadong traffic pero ba't ang tagal ni Jetty?

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now