Kabanata 15

17 1 0
                                    

Gail's Point of View

NAKAHALUMBABA ako sa counter habang nakangiting nakatingin kay Jetty na nagluluto.

“Ang guwapo ng chef ko.” sambit ko.

Nakita kong napangiti siya. Ang guwapo talaga.

“At ang ganda rin ng customer ko.” nakangiti niyang tugon.

“Parang hindi na pagkain ang gusto kong orderin.”

“Bakit? Ano ba ang gusto mong orderin?” tanong niya.

“Ang nagluluto sa pagkain.” pilya kong sagot.

Binitawan niya ang sandok at lumapit sa akin. Itinukod niya ang kaniyang isang siko sa counter at humalumbaba. Magkaharap na kaming dalawa na parehong nakahalumbaba.

“Take out or dine in, Ma'am?” pabulong niyang tanong.

Ngumisi ako. “Dine in muna. Tapos take out mamaya.”

Dinilaan niya ang kaniyang ibabang labi at pagkatapos ay kinagat.

“Kapag kasal na tayo ay papalitan ko ang take out. Hindi na puwede take out.” aniya.

“Bakit? Ano na ba?”

“Make out.” nakangisi niyang sagot.

Ngumisi ako. “Ayoko ng make out. Gusto ko to the highest level.”

“Anong highest level?”

“Make love.” I naughtily answered.

If Mom was here and heard what I've said, I know she would pinched me to death.

Tumitig siya sa akin at pagkatapos ay kinurot ang pisngi ko.

“Wala ka talagang idea kung gaano mo ako pinaharapan diyan sa mga salita mo, Gaily.” saad niya.

Inilagay ko ang aking kamay sa kaniyang batok at inilapit ang mukha ko sa kaniya. His eyeballs are inconsistent. Titingin sa aking mga mata tapos sa labi at balik na naman sa aking mga mata.

“Amoy sunog na ang niluluto mo.” bulong ko.

“Oh shit!” mura niya at dali-daling nilapitan ang kaniyang niluluto.

Tumawa ako. “Ayan kasi. Inuuna pa ako kaysa sa niluto. Ano? Sunog na sunog na?”

“Malapit ng masunog pero makakain pa naman. This is your fault.”

“Paano ko naging kasalanan?” natatawa kong tanong.

“You seduced me.”

“I don't remember that I seduced you. I never did.”

“You did.”

“At kailan, Santillan?”

Pinatay niya ang electric frying pan at humarap sa akin.

“Everyday, my soon to be Mrs. Santillan.”

“Did I? Ba't hindi ko alam na inakit kita.” pinanliliitan ko siya ng mata. “Inakit kita o naakit ka?”

“Both.” simpleng sagot niya.

“Ang ganda at ang sexy ko talaga.” I confidently said. “Imagine, kahit wala akong ginawa ay naakit na ang isang Santillan.”

“Stop it, Gaily. Tayo lang dito. Baka nakalimutan mo.”

“Actually, gutom na talaga ako, Jetty. Pasensiya na.”

Natawa siya at hinarap ulit ang kaniyang mga niluto.

“Luto na ang lahat. Ilalagay ko lang ito sa mga plato.”

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now