Kabanata 23

17 1 0
                                    

Gail's Point of View

MAHIGPIT na yakap ang ibinigay ni Daddy sa akin.

"I missed my Princess so much."

"I missed you too, Dad." tugon ko.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Where's Mom po?"

"Kitchen. Puntahan natin."

"Sige po."

Nakaakbay si Daddy sa akin habang ako ay nakahawak sa kaniyang likod na tinungo namin ang kusina.

Kararating ko lang dito sa bahay. Ihahatid sana ako ni Jetty pauwi pero hindi ako pumayag. He has parents and I know they missed their only child, too.

"Siya nga pala, Anak, your Mom and I called you, but you're out of reached. Wala bang signal sa Condo niyo?" tanong ni Daddy.

"Kailan po kayo tumawag, Dad?"

"Noong mga nagdaang araw."

"Nasira po ang cellphone ko, Dad."

"Why?"

"Nahulog po sa tubig." sagot ko.

Ayokong sabihin sa kaniya ang totoong dahilan. Labas na ang mga magulang ko roon. Ang problema namin ni Jetty ay problema lang namin. No need for our parents to know.

"Then let's buy a new phone."

"Nah. I don't need it."

"Paano ka tatawagan ni Jett? Paano ka namin makontak?"

"Dad, may telephone naman tayo."

"Ang telephone sa kuwarto mo ay connected sa lahat ng telephone rito sa bahay. Don't tell me kung maglambingan kayo niyang fiancee mo ay ipaparinig mo na lang sa mga taong nandito?"

Inalis ko ang kamay ni Daddy na nakaakbay sa akin. "Puwede ko namang e-personalize iyon." Kumawit ako sa kaniyang braso. "Naisip ko lang na hindi ko kailangan ang cellphone. Mabubuhay ako na wala iyan."

"Kung sabagay. May punto ka."

Bumitaw ako sa pagkakayapos sa kamay ni Daddy. Pumasok ako sa kusina at naabutan si Mommy na kumakain ng manggang hilaw.

"Are you pregnant, Mom?" tanong ko.

Umangat ang kaniyang tingin sa akin.

"Anong sabi mo, Chamika Gail?"

"Are you pregnant? You know... you're eating mango. Kayo lang dalawa ni Daddy dito. May----"

Nanlaki ang mata ko nang makitang ibinato ni Mommy sa akin ang buto ng mangga. Kaagad akong yumuko.

"Aw!" rinig kong daing ni Daddy.

Si Daddy ang natamaan.

"Sorry, Mahal!" sambit ni Mommy at dali-daling lumapit kay Dad.

Kita mo itong si Mommy. Ako ang nag-iisa niyang anak at kakauwi ko lang pero lumilipad na buto naman ng mangga ang ibinungad sa akin. Kay Daddy pa talaga siya nag-alala, eh palagi naman silang magkasama. Partida, sila lang dalawa rito sa bahay niyan.

Naglakad ako palapit sa plato na may lamang hilaw na mangga. Kumuha ako ng isa at kumagat agad. Isinawsaw ko ang mangga sa bagoong na hinanda ni Mommy at kumain ulit.

Nilingon ko ang aking parents nang mapansin ko na biglang tumahimik ang kusina. Naabutan ko silang nakatitig sa akin. Mababasa ko sa uri ng tingin ni Mommy ang pandududa habang kay Daddy naman ay ewan.

"Umamin ka nga, Chamika Gail." seryosong sambit ni Mommy.

Kumagat ulit ako ng mangga. Gusto ko ang manggang ito. Hilaw siya pero hindi maasim. Idagdag mo pa ang bagoong.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now