Chapter 1

404 43 8
                                    

Chapter 1

Mag-iisang linggo na ng makalabas si mama sa hospital. Pero ako ito, wala sa sariling, parang di na namamalayan ang mga ginagawa ko sa nagdaang mga araw. Everyday all I think is how can I get that half-million for my mama's get operated.

"But you need half-million or so before you can undergo an operation."

I can't forget what the doctor said. Everyday is like a nightmare to me. I can't sleep!

Paano nga ba ako makakatulog? Iisipin ko palang ang bayarin ni mama sa kanyang magiging operasyon ay nanghihina na ako. Saan ko naman kukunin ang ganon kalaking halaga, eh, gastusin palang namin sa pang araw-araw kulang pa. Gamot palang ni mama may kalakihang halaga na.  Hindi sa nag rereklamo ako samahan pa kasi ng upa ng bahay, tubig at kuryente hindi talaga sasapat ang kinikita ko sa pagiging babysitter.

Kasalukuyan akong nakatanaw sa may bintana dito sa kwarto namin ni mama. Malalim na ang gabi at mahimbing nang natutulog si mama. Pero ako ito ngayon di parin makatulog iniisip kung ano at paano ako makakahanap ng trabaho gayong limitado lang ang pwede kung mapasukang trabaho dahil naman ako nakapagtapos ng pag aaral.

Hanggang senior high lang ang natapos ko, gusto ko pa mang-ipagpatuloy ay kailangan ko munang ihinto ito. Mas maganda sana kung nakapagtapos ka ng pag-aaral dahil maraming oportunidad ang naghihintay sa'yo.

Napagpasyahan ko ng matulog matapos ko pang manatili roon ng ilang pang minuto. Tumabi ako kay mama at maingat siyang niyakap para hindi ito magising bago ko ipinikit ang aking mga mata. Kinabukasan nagising akong wala na si mama sa tabi ko, agad akong bumangon para hanapin siya. Natagpuan ko siya sa may kusina at naghahain na ng agahan namin.

Napapakamot ako sa ulong nilapitan siya.

"Ma, di ba sabi ko sayo wag kanang gagawa ng gawaing ganito." pagalit kunwaring sabi sa kanya.

"Oh Ganda? Gising ka na pala?" nakangiti niyang wika sa akin, 'di pinansin ang sinabi ko sa kanya.

Napasimangot ako.

Ganda ang tawag niya sakin simula ng bata pa ako. Nakasanayan ko narin naman kaya kahit minsan na naiilang ako ay hinahayaan ko na lang.

Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

"Good morning, Ganda! Ang aga-aga nakasimangot ka d'yan. Smile."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at medyo hinila 'yun sa makabilang gilid para pumorma ang labi ko nang isang ngiti. Nagpapadyak naman ako sa inis. Napabuntong hininga naman siya, alam niya kasing 'di ko siya titigilan kakasermun.

"Kaya ko pa naman itong gawin hayaan mo na lang ako." saad niya.

"Alam ko naman 'yun, ma pe—"

Hindi na niya ako pinatapos sakin sasabihin.

"Pero... ano? dahil ba sa sakit ko? Ali, okay lang naman ako kaya ko pa naman maggagalaw 'tsaka hindi naman 'to mabigat na bagay, eh. Hayaan mo naman akong makatulong sa iyo, Apo ko, hmm... kahit sa mga gantong bagay nalang. Alam ko na alam mo na kahit hindi mo sabihin sa'kin ay na nahihirapan ka na rin, alam ko 'yun dahil nakikita ko yun. Gabi-gabi lagi kitang nakikitang nakatanaw sa may bintana malalim ang iniisip lalo na nung na ospital ako nitong nakaraang linggo. Alam ko naman na 'yung bayarin sa ospital para sa operasyon ko ang iniisip mo. Nahihirapan narin naman ako lalo na sa sitwasyon mo, Apo. Ikaw na ang gumagawa ng lahat, sa paghahanap buhay para sa pangangailangan natin sa araw-araw, sa upa ng bahay, sa tubig, sa kuryente, at pati na rin sa gamot ko. Nagkautang-utang na nga tayo dahil dito, eh, kaya sa—"

Hindi ko narin siya pinatapos sa pagsasalita at bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit. Ang luhang matagal ko nang pinipigilang tumulo, ay parang may mga sariling isip na basta nalang nagsitulo, na parang agos ng isang ilog. Naramdaman ko ang pagyakap niya rin sa akin, marahang hinahangod ang aking likod. Hindi ko alam na nahihirapan na rin pala siya sa sitwasyon namin, hindi ko man lang ito napasin.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now