Chapter 30

140 13 0
                                    

Chapter 30

“Robin?”

Gulat kung gagad ng makita si Robin sa usual spots kung saan kami lagi nakaupo ni Ruby sa library.

“…Sabi na nga ba, eh? Ikaw ‘yung nakita ko ng nakaawang araw.” Natutuwa kong sabi. “Bago tayo magkabanggaan kahapon…”

Nag-angat siya ng tingin, natawa pa sa huling sinabi ko. “Ali.” Ngumiti siya at tumayo para kunin ang hawak kung libro at ilapag ito sa lamesa. “Naisip kung magpunta dito sa library, dahil alam kung mahilig kang magbasa. Nagbabasakaling makita ka dito.” Sabi niya ng makaupo kami pareho.

Tumawa ako, “Kilala mo talaga ako, ah?”

“Syempre! Tsaka, hindi ko alam kung saan ka hahanapin eh? Bigla ka nalang nagmamadaling tumakbo, eh. Ito lang ang naisip kung lugar na maaari kitang makita.” Sabi niya.

“Sorry… late na kasi ako sa next subject ko nun’. Sorry talaga…” hingi ko ng paumanhin.

Saktong pagkatapos kasi naming banggitin ang pangalan ng isa’t isa, ay siyang tunog naman ng bell hugyat ng panibagong pagsisimula ulit ng klase. Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin, sa huli ay nagmamadali akong tumakbo para makapasok na sa next ko.

Pagpasok ko nga sa klase kahapon ay agad akong na-guilty sa ginawa kung pag-iwan sa kanya doon. Walang pumapasok sa utak ko, kundi kung paano ko ulit siya makikita sa laki ng university na ‘to, sigurado akong hindi matatapos ang isang araw kung hahapin ko lang siya.

Hindi ko pa naman natanong sa kanya ang course niya o ‘di kaya ang building nila, sa sobrang pagmamadali ko.

Bago ako makatulog kagabi iniisip ko kung kailan ko ulit siya makikita. Na-eexcite ako sa kaalamang makikita ko siya, dahil sa na miss ko talaga siya sa tagal rin naming hindi nagkita. At sa natutuwa ako na may kakilala na ako na taga roon sa pinanggalingan kung lugar.

“Ano ka ba. Wala ‘yun?” ngumiti siya. Sinarado niya ang notes niya at ang librong binabasa niya nang madatnan ko siya kanina. Pagkatapos, ay binigay niya ang buong atensyon niya sa akin.

Umiling ako, natatawa.

“Kumusta ka na? Ang tagal rin na’ting hindi nagkita, ah?” tanong niya.

“Okay lang naman. Ikaw?” tanong ko pabalik.

“Okay lang din.” Tumikhim siya at umayos ng upo. “Nagtataka lang ako kung paano ka napunta dito sa Manila? Alam mo bang halos hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa’yo kagabi. Kasi wala ka namang ditong kakilala, unless…” tumigil siya sa pagsasalita at tumitig sa’kin, nagtatanong ang kanyang mga mata.

Tumango ako sa kanya. Alam ko kung ano ang nasa isip niya kung bakit ako nandito. “Oo. Nagtatrabaho ako dito.” Kumpirma ko sa kanya. “Kilala mo si Aling Nena, diba? ‘yun nag-rerecruite ng mga gustong mag maynila sa atin doon? Siya rin ang nag-recruite sa akin dito.”

Bumuntong hininga siya.

“Kumusta naman ang amo mo? Hindi ka ba nila minamaltrato at inaalila doon? Mabait pa sila…?” tanong niyang may pag-aalala.

Pinitik ko ang kanyang noo, ngumiwi siya. “Ano ka ba? Grabe ka naman! Okay lang ako?” dinipa ko ang magkabilang kamay ko, pinapakita sa kanya na okay lang talaga ako. “Kita mo nga? Pinag-aral pa ako ng amo ko. Mabait sila wag kang mag-alala.” Ngumiti ako sa kanya.

Liban nalang doon sa isa.

Tumango siya, “Mabuti naman kung gano’n.”

“Ikaw ba? Doon ka pa rin ba sa uncle mo nagtatrabaho?” tanong ko naman sa kanya.

My Personal YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon