Chapter 24

138 13 0
                                    

Chapter 24

Dumaan ang mga araw at naging mas maugong ang usap-usapan ng pagbabalik ng ex nga ni Zach na si Cheska. Pati tuloy ako ay nakukuryos na kung sino ba talaga itong si Cheska bukod sa ex daw siya ni Zach.

Itong naman kasing ex ay parang walang pakialam sa pagbabalik ng dating niyang naging kasintahan. Parang wala lang sa kanya. Wala rin naman siyang sinasabi sa akin tungkol sa mga usap-usapan sa school.

Well, wala naman sa akin ‘yun kung hindi siya sa akin magsabi, sino ba naman ako, isang hamak lang naman na personal Yaya niya at ‘yung nag-uumpisa namumuong pagkakaibigan sa aming dalawa ay sa tingin ko hindi pa ‘yun sapat para magkwentu siya sa akin ng mga nagyari sa buhay niya bago pa man ako dumating sa bahay nila.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang mga naiisip ko at tumingin nalang sa labas ng bintana ng kotse ni Zach, na nadadaan namin tsaka napabuntong hininga.

Pauwi na kami galing sa school at mukha yatang walang naka-planong lakad ang magkakaibigan ngayon, kaya isinabay ako ni Zach pauwi. Usually, kasi kapag may lakad silang magkakaibigan ng araw na ‘yun after class ay ti-ni-text o sinasabihan ako ni Zach, kapag nagkikita niya ako sa cafeteria, na mauna na umuwi.

And, speaking of magkakaibigan, may isang beses pa ngang si Hans ang naghatid sa akin pauwi ng araw na ‘yun, bukod kasi na nauna na si Zach at si Jake sa kanilang pupuntahan ng araw na ‘yun at na-inform naman na ako ni Zach na may lakad sila, ay sakto naman na papaalis na si Hans ay nakita niya daw ako na naglalakad papuntang sakayan, kaya inalok niya akong ihatid sa bahay nila Zach. Nun’ una todo tanggi pa ako, nang di makayanan ang mga matang nakatingin sa amin, at sa tingin ko rin na ‘di ako titigilan ni Hans ay pumayag na ako.

Syempre, sobrang saya ko ng mga araw na ‘yun kahit na hindi manlang umabot sa kalahating oras na nakasama ko siya ay okay na ‘yun sa ‘kin. Tsaka, kahit hindi ko sabihin o aminin alam ko rin sa sarili ko na gusto ko rin ‘to, na gusto ko rin na mapalapit sa kanya—sa taong natitipuhan ko, kahit sa gano’n paraan manlang. 

At feeling ko sa maikling oras na ‘yun hindi man sa nag-aasume pero parang gano’n na rin ay napalapit na ako sa kanya.

Ang sarap niyang kasama, ang dami naming napagkwentuhan sa kung ano anong bagay na mapag-uusapan namin. No’n una ay nahihiya pa ako pero kalaunan ay naging komportable rin ako sa kanya, though may mga pagkakataon pa rin na naiilang ako sa kanya.

Tumingin ako sa lalaking katabi ko na nagdra-drive, si Zach. Swabe lang siyang nagmamaneho ng kanyang kotse, pauwi na kami sa bahay nila ngayon. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa steering wheel habang ang isa nama’y nakapatong ang braso sa bintana habang marahan hinahaplos ang pang-ibabang labi nito.

Napatigil ako doon sa kanyang labing mamula-mula at basa dahil binasa niya ito gamit ang kanyang dila. Napalunok ako. Ang hugis ng labi niya ay may pagka heart shape. Mas mapula pa yata ang labi niya sa akin, eh.

Mabilis kung binalik ang patingin ko sa harapan ng sasakyan ng mapansin na nakatingin na pala sa ‘kin si Zach, nag init ang pisngi ko. Narinig ko siyang humalakhak. Mas lalong nag init ang pisngi ko.

Kainis nakita niya pa yatang nakatingin ako sa labi niya!

“Hey, Yaya. Why I feel like you want to kiss my lips? Huh?” Ngumisi siya.

“Ha! Anong pinagsasabi mo d’yan? Mag drive kana ngalang. Tsk!”

“Hmm…” malaki pa rin ang ngisi niya habang pinapasok ang kotse niya sa loob ng gate nila. Sumimangot ako. Hindi pa man niya naaayos ang pagpark ay binubuksan ko na ang pinto ng kotse niya para makababa na.  Bago pa man ako makalabas ay may sinabi siyang halos nagpatindig ng balahibo ko. “Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo, I would gladly do it for you.”

My Personal YayaWhere stories live. Discover now