Chapter 9

218 28 0
                                    

Chapter 9

Sino kaya ang lalaking ‘yon?

Siya na yata ang nakita kung gano’n kagandang lalaki kahit ang kaibigan kung si Robin ay nalamangan niya sa kagandang lalaki. Alam kung gwapo si Robin lalo na pag ngumiti siya napaka charming ng smile niya at mahahawa ka talaga sa ngiting n’yang iyon.

Pero itong lalaking ‘to hindi ko makalimutan lalo ng ngumiti siya sa ‘kin at sinamahan pa ng pagsilay ng dimples niya. Hindi ko alam kung saan ako titingin sa ngiti niyang kay gandang tingnan o sa biloy niyang nagpadagdag pa ng atraksyon niya sa mga babae kapag mapapatingin ka roon, dahil bigla yata akong nalito.

Dahil isa yata ako sa babaeng naatrak sa kanya.

Nakapangalumbaba ako dito sa island counter ng mapakurap kurap ako ng may kamay na kumakaway kaway sa harap ng mukha ko.

“Kary?”

Umupo siya sa harap ko tsaka nakangising aso ng humarap sa ‘kin. “Si beautiful dimple guy na naman ba ang iniisip mo?” Tanong niyang siguro at tila ba nababasa niya ang alam ng isip ko “Hep! Hep! Wag mo ng itanggi, kita kita nakangiti ka mag isa na parang nakikita mo si beautiful dimple guy na nakatayo sa harap mo at nakangiti sa’yo. Tapos ilalahad niya ang kamay niya sa’yo tapos ikaw naman ay aabutin ng dahan dahan habang hindi niyo inaalis ang tingin sa isa’t isa.” Natawa ako ng sinabayan niya pa ito ng acting habang sinasabi niya ito.

Nakwento ko kasi ito sa kanila ni ate Risa ng makita nila ako na ingat na ingat sa flat doll shoes ko na pinupunasan ko.

“Hoy, Ali! Pinupunasan mo naman yan, eh.  Malinis na malinis na yan,ah. Puwede ka na ngang manalamin d’yan, eh.” Saad ni Kary.

“At bakit nakangiti ka mag isa ri’yan. Ang weirdo mo, huh?” Segunda ni ate Risa.

Don ko na nga kinuwento sa kanila ang lalaking may dimple na bumili ng flat doll shoes ko. Pagkatapos ko sa kanilang magkwento, kinikilig kaming tatlo sa encounter ko sa lalaki at pagkatapos din n’yon hindi na nila ako nilubayan ng katyaw sa lalaki.

Isang linggo na matapos ang nangyaring encounter ko sa lalaking ‘yon. Bakit kasi hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya. Tss!

“Aray!”

Hinimas ko ang braso kung hinampas ni kary. “Bakit kasi hindi mo tinatong ang pangalan ni beautiful dimple guy.” Gumaya siya sa ‘kin, pumalumbaba rin siya sa harap ko at sabay kaming bumuntong hininga. “Tuloy hindi mo nalaman ang pangalan ng lalaking like mo.” Pinigyan diin niya pa talaga ang salitang ‘like’ tsaka siya ngumiti sa akin.

Nangunot ang noo ko, sa'n nanggaling yun lalaking like mo? Inaamin kong humahanga ako sa gandang lalaki niya. Okay, I admit may crush nga ako sa lalaking ‘yon pero, like? Hindi ko alam. Lalo pang lumapad ang ngiti niya sa reaksyon ko.

“Kita muna like mo si beautiful dimple guy.” Tinuro niya ang mukha ko. “Oh! Yan mukhang ‘yan, ngumingiti mag isa.” Humalakhak siya.

Pinilig ko naman ang ulo ko at kinagat ang pang ibabang labi para matigil sa pagngiti.

“hoy! Tumigil ka na nga d'yan.”

“tss, indenial, kunwari hindi niya gusto. Pero sa loob lo-"

Tinakpan ko ang bibig niya “Oo na, gusto ko na si beautiful dimple guy.” Umirap ako,nangingiti. Tinanggal niya naman ang kamay kung nakatakip sa bibig niya.

“Sabi na eh.”

“Shh… oo na, wag ka ngang maingay d’yan! Mamaya may makarinig pa sa’yo—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sabay kaming napaupo ng tuwid ni kary ng dumaan sa gilid namin si sir Zachary. Pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasan na manahimik nagngising aso lang siya sa ‘kin.

My Personal YayaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant