Chapter 22

133 12 0
                                    

Chapter 22

Pangalawang araw, ay hindi ako sumabay kay Zach. Kumakain pa siya ng nakita kung umalis ako sabi niya na na antayin ko siya pero umiling lang ako at sinabi na okay lang.

Pagkarating ko sa school, nadatnan ko na nandoon na si Ruby. Nakatungo habang nagbabasa ng medyo may kakapalan na libro niya.

Nakangiti akong lumapit at umupo sa katabing upuan niya.

“Good morning,” bati ko sa kanya.

Nagulat siya sa biglaan kong pagsalita. “A-Ah Good morning rin.” Ngumiti siya at kalaunan, ay binati rin ako pabalik.

Bumalik rin siya sa kanyang binabasa, kaya nagkibit balikat na lang ako at kinuha ang notes ko sa bag, at binuklat ito para magreview. Dahil ang first subject namin ay may quiz.

Nang dumating ang prof namin para sa unang klase ay nagpaquiz agad ito. Ganoon din ang pangalawa at pangatlong subject namin sa pang-umagang klase naming iyon; may pa-quiz rin na naganap.

“Hay! Sa wakas, na drained yata ang utak ko roon!” anang isa kung kaklase, na kaklase ko rin sa first hanggang third class.

“Hindi ko alam kung tama ba ang sagot ko isang item? Nagdadalawang isip pa ako sa sagot kung ‘yun, eh.” Anang president naming babae, si Lana.

“Hayaan mo na. At least may sagot.” Tumatawag anang isa ko pangkaklase.

Napailing ako.

Inaayos ko ang mga gamit ko habang nakikinig sa mga pinagsasabi nila tungkol sa quiz sa major subject namin. Kahit ako ay nahirapan din, hindi ko nga alam kung tama rin ba ang mga naisagot ko roon, sa quiz namin kanina. Dahil ang ibang item doon ay wala ako ng nailesson ng terror prof namin, dahil nga late ako ng two weeks, though nanghiram naman ako ng notes ng mga kaklase ko at pati na rin ang kay Ruby.

Tumingin ako kay Ruby na tumayo na at tapos magligpit ng kanyang gamit. Tumayo na rin at sabay na kaming lumabas sa classroom namin. Lunch break na, kaya marami kaming nakakasalubong na mga ibang estudyante rin sa hallway.

“Saan ka?” tanong ko kay Ruby.

“Huh? Sa library ako.” Aniya na tinanguan ko naman.

“Pwede mo ba akong samahan muna, tas sabay na tayo sa library.”

Nag-alinlangan siyang tiningnan ako pero, kapagkuway tumango rin siya ng dahan-dahan.  Ngumiti ako sa kanya. Alam kung hindi pa siya gaanong kakomportable sa akin, dahil dalawang araw pa lang magkakilala kami. Naiintidihan ko naman ‘yon.

“Hindi kasi ako nakapagbaon, promise bukas magdadala na talaga ako.”

“Okay lang.”

Habang pababa kami sa building namin ay may ilang mga kalalakihan ng bumati at nagha-hi sa akin. Bumabati rin ako sa kanila at nahihiyang nginingitian sila, baka sabihin o isipin pa nila ay snob ako. Hindi naman ako gano’n.

Magkaangkla ang braso namin ni Ruby sa isa’t isa ng pumasok kami sa loob ng cafeteria, direstyo agad ang lakad namin sa mga nagtitinda at pumila. Habang nakapila kami sa pinakadulo ay ang nasa harap naman namin ay puro mga lalaki. Sumilip ako kung ano ang nasa menu ngunit hindi ko ito makita, tumingkayad ako ng bahagya para makita ito, ngunit menu lang ang nabasa ko at ang nakikita ko. Matalim kung tiningnan ang likod ng lalaking matangkad na humarang pa lalayo kaya hindi ko na makita ang nakasulat sa board.

“Grr…!”

Napalakas yata ang boses ko dahil nilingon ako ng ilang lalaking nakapila roon, kasama ang lalaki sa harapan namin. Agad naman akong nag piece sign at nahihiya itong nginitian. Narinig ko ang marahan na tawa ni Ruby kaya nilingon ko siya. Tumigil siya ng makitang nakatingin ako sa kanya, ngumuso ako.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now