Chapter 33

125 10 0
                                    

Chapter 33

“Who’s that guy?”

Napalingon ako kay Cheska na naglalakad kasunod sa likod ko. Napatingin ako sa likod niya at mukhang kabababa niya lang sa kanilang sasakyan. Nilingon niya kung saan ang motor ni Robin nakaparking, nandoon pa si Robin na nakikipag-usap sa isang lalaki na nag-park din.

Tumingin ako sa kanya, siguro ay nakita niya akong bumaba sa motor ni Robin. Nag-text kasi sa’kin si Robin kanina, saktong paalis na rin naman ako, na naghihintay siya sa labas ng subdivision, sabay na raw kami.

Kaya imbes na kay Zach ako sasabay, ay sumabay ako kay Robin. Sinabi ko nalang kay Zach na mauna na siya at sinabing may dadaan pa ako, syempre hindi siya naniwala doon at sinabing sasamahan niya daw ako pero tumanggi na ako. Dinahilan ko pa na maaga siya dapat sa school dahil may group meeting pa sila ng mga kagrupo niya.

Mas mabuti na ring kay Robin ako sumabay dahil, hindi ko paring makalimutan ‘yong sinabi niya ng nakaraang araw. “I wonder what would your lips taste if I continue what you’d started.” Lihim akong nanginig, na parang natatakot sa isiping gagawin niya nga ang sinabi niya. Ha! Baliw talaga.

“Ali. Una na muna ako, may urgent group meeting lang.” sabi ni Robin nang makalapit sa akin at winagayway ang cellphone niya, para ipakita ang text doon.

“Ah sige…” ngumiti ako sa kanya.

“Kita nalang tayo mamayang lunch.” Sabi niya at tumingin kay Cheska na nakataas ang kilay sa amin. “Ah, Miss una na ako.” Sabi niya kay Cheska na lalong nagpataas sa kilay nito.

“Just go you don’t need to say goodbye. I don’t care about you.” Umirap ni Cheska at hinawi ang buhok niya papunta sa likod.

Nagkamot si Robin ng ulo. “Sinasabi ko lang naman, baka kasi isipin ko, eh, ang rude ko.” Ngumiwi siya.

“Okay. Then go,” iniwestra ni Cheska ang daan.

Tumango naman si Robin sa’kin. “Maganda nga, mataray naman…” bulong ni Robin habang paalis.

“What?!” hindi naiintidihan ni Cheska ang bulong-bulong ni Robin.

“Kaibigan ko pala ‘yun.” Sagot ko sa tanong niya kanina.

“Kaibigan o kaIbigan?” tanong niya na parang nanunuya.

“Hindi. Matagal ko ng kaibigan ‘yun si Robin.” Paliwanag ko.

“Oh well… whatever you say,” sabi niya at naglakad paalis nang mamataan si Zach kasama ang kagrupo nito sa malayong gilid namin, na binabahagian ng handout ng kanilang lider.

“Pagpasensyahan mo na si Cheska gano’n lang talaga ‘yun?” agad akong napalingon kay Hans nang magsalita siya.

Hindi ko manlang namalayan na nasa harapan ko na siya. Kasama niya si Jake na nahuli kung nakatingin sa’kin, tapos ay tumingin naman siya sa likod ni Cheska na papalayo. “Hans. Kayo pala,” ngumiti ako sa kanya at nginitian niya rin ako pabalik. “Jake.” Tawag pansin ko kay Jake na nakatingin sa kawalan.

“Huh…? Sorry,” pinilig niya ang kanyang ulo, kapagkuwan ay umayos sa pagkakatayo. “Hindi mo kasama ‘yung babaeng nakasalamin.” Wala sa sariling tanong niya.

“Huh…?” naguluhan ako.

Narinig kung tumawa si Hans sabay marahang tapik sa balikat ni Jake. Umiling siya sa’kin, at hinawakan niya ang aking braso para maiharap ako sa daaanan. Nagsimula kaming maglakad. Habang kami’y naglalakad ay kwentuhan lang kami kung ano ang maisip namin sa kahit anong bagay. Kadalasan ay si Jake itong madaldal at nakikisabay lang ako pag-alam ko ang sinasabi, kadalasan ay kapag kay Zach napupunta ang usapan.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now