Chapter 4

268 38 4
                                    

Chapter 4

“Ma! Alis na ako, ha?”

Paalam ko sa kanya paglabas ko sa bahay at nakita ko siyang nagdidilig ng kanyang pinakamamahal na halaman.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang noo tsaka mahigpit siyang niyakap, natatawa naman siya paglalambing ko sa kanya.

“Sige na hija, umalis ka na... Mag iingat ka, ah. Magpapaalam ka na ba sa Amo mo?” tanong niya.

kumalas naman ako sa kanya at tsaka naglakad na paalis, kumaway pa ako, siya naman nakita kong pinagpatuloy na ang pagdidilig sa halaman.

Hay...!

Nasabi ko na kasi kagabi kay mama na kinausap ako ni aling nena tungkol nga doon sa trabaho na inalok niya sa ‘kin sa Maynila.

Si aling nena kasi ang nag rerecrute ng mga tao dito sa ‘min na gusto mag trabaho sa Maynila, siya ang sasama sa ‘yo doon maghahatid sa papasukan mong trabaho.

Nagulat siya ng sinabi ko ito sa kanya hindi makapaniwala dahil ang alam niya eh, ayaw ko nga sa maynila magpunta dahil ang sinasabi ko raw eh, marami naman dito trabaho kahit hindi kataasan ang suweldo. Oo nga, sinabi ko ang mga 'yon dati dahil ayaw ko na mapalayo sa kanya tsaka marami naman akong raket noon na nagagawa kong tustusan ang araw-araw na pangngailangan namin.

Dati yon iba na ngayon, lalo pa ngayon na kailangan  namin ng pera para sa agarang pagpapaopera niya. Hindi rin kasi biro ang halaga ng pampaopera sa kanya, milyon eh hindi ko yun kaya, kaya magbabasakali nalang ako ngayon sa trabaho na inalok sa ‘kin ni aling nena.

Nagtaka siya kung bakit ako magmamaynila para doon magtrabaho, pero ipinaliwanag ko sa kanya na kaya ko ito gagawin ay para ito sa kanya para may pambayag nasa pampaopera niya. Umiyak pa nga siya no’n sinabi ko ang reason ko na kesyo daw na lagi nalang siya ang inuuna ko at napapabayaan ko na daw ang sarili ko. Sinabi ko nalang na okay lang naman ako ang mahalaga sa 'kin ay siya at ang kalusugan niya kaya dapat magpagaling siya, huwag siyang susuko sa sakit niya o kahit sa anong nararamdaman niya.

Ako man ay ayaw mahiwalay sa kanya pero ano ang magagawa ko kung para naman ito sa ikabubuti niya ang gagawin ko. Right?

That’s are family matters to me. Siya muna bago ako.

Kaya ngayon araw ay magpapaalam ako sa amo ko na hindi na ako magtatrabaho sa kanila simula ngayon araw.

Pagkarating ko sa bahay nila ay nakita kong naghihintay na si Tammy sa ‘kin, ready to go to her school. Hinanap ko ang magulang niya dahil minsan sabay sabay kaming umaalis, hinahatid pa kami sa eskwelahan.

“Si ma’am at sir ba hanap mo, Ali.” Nakita yata ni aling bebeng na napadaan sa living na nililibot ko ang aking paningin. Tumango ako sa kanya.

“Kanina pa sila umalis, may meeting daw sila ng maaga ngayon kaya hindi na kayo maisasabay.” Sagot niya.

“Ganon po ba.” Tumango siya sa ‘kin tsaka nagpaalam na na may gagawin pa daw siya.

Siguro mamaya ko nalang sasabihin sa kanila. Sa ngayon ihahatid ko muna ang cute na baby na ito sa eskwelahan niya.

“Hey, baby Tammy let’s go na.” tawag pansin ko sa kanya dahil abala siya sa panonood ng barbie na paborito niya.

“Okay.” Sabi niya pero ang mga mata ay nasa pinanuod parin.

Napailing nalang ako.

“Tammy! C’mon.” Tawag ko ulit sa kanya, napakamot na lang siya sa kanyang ulo halatang ayaw pang umalis.

Agad rin naman kaming nakarating sa eskwelahan nag aattendance na nga ang kanilang teacher ng dumating kami buti hindi pa tinatawag ang pangalan niya. Pinapasok siya ng kanilang teacher ako naman ay nag sorry dahil late kami ng dating, sinabi ng teacher na hindi pa naman siya nagsisimula kaya okay lang. Tumango at ngumiti na lang ako sa kanya.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now