Chapter 3

284 39 3
                                    

Chapter 3

Maaga akong umalis sa bahay at ngayon ay nakasakay ako sa jeep na maghahatid sa'kin patungo sa pinapasukan kung trabaho.

Bago ako umalis sa bahay kanina ay tulog pa si Mama. Pinagluto ko na lang siya ng agahan bago ako umalis at sinigurado ko na nilagay ko sa makikita niya agad ang kanyang gamot, nag-iwan rin ako ng sticky note na nagsasabi na umalis na ako para paghindi niya ako nakita alam na niyang pumasok na ako.

Wala na rin pala siyang gamot, siguro bibili na lang ako mamamaya paglabas ko galing sa trabaho, didiretso na lang ako sa mercury drugstore para bumili malapit lang naman 'yon doon. Ang problema ko lang ngayon kung saan ako kukuha ng pambili, wala na akong pera rito. Mag aadvance na lang ako mamaya, sana payagan ako, sana...

"Para po," Bumaba na 'ko sa jeep at nilakad at nilagpasan ang dalawa block ng bahay. Pagkarating ko sa lugar na pinapasukan ko ay nagdoor bell na ako, maya maya pa ay bumukas ito at iniluwa ang amo ko.

"Oh, Alisha ang aga mo yata ngayon ah." Ngumiti siya at pinatuloy ako papasok sa loob ng bahay.

Napakamot ako sa gilid ng tenga ko dahil ito talaga ang dahilan kung bakit ako napaaga ng pasok ngayon eh.

"Ah, ma'am good morning po." Bumati muna ako sa kanya at nginitian rin siya.

"Good morning, to you too." She replied.

"Ang totoo po yan ma'am eh, gusto ko po sanang mag advance ngayon kung pwupwede po sana pambili ko po ng gamot ni lola." Hindi na ako nagpaligoy pa at sinabi na ito agad sa kanya habang naglalakad kami sa loob.

Sana bigyan ako please....Naka cross finger na ang daliri ko sa likod ko habang hinihintay ang magiging tugon niya.

Umupo kami sa makabilang sofa, ako sa mahabang sofa at siya sa pang isahan naman.

"Ganon ba..." She said while sipping her coffee.

Tumango ako.

"Okay, ganto na lang antayin mo kami ng husband ko mamaya... Wala pa kasi akong pera rito, is that okay with you." dagdag pa niya.

Nagliwanag naman ang mukha ko sa narinig ko. Thank you po Lord, hangga't maaari kasi ayaw na ayaw ko na nawawalan ng stock ng gamot si Mama, kaya kung minsan kahit meron pang isa o dalawa na gamot siyang stock ay bumubili na ako. Para iwas hassle na rin.

"Thank you po ma'am." I sincerely said.

"Thank you, too, for taking care of my daughter. Alisha." nakangiting niya pang saad sa 'kin pagkatapos ay tumayo na at nagpaalam dahil namataan na namin ang asawa niya na pababa na sa hagdan.

"We gotta go now, Tammy is still asleep in her bedroom... Maybe mayamaya magising na rin 'yon, ikaw na ang bahala sa baby namin, ah." She said while preparing to leave.

"Opo, ma'am, ako na pong bahala kay Tammy. Thank you rin po sa inyo ma'am, sir." Sabi ko ngumiti lang silang dalawa sa 'kin pagkatapos ay lumabas na ng kanilang bahay pero bago 'yon nagbilin muna sila ng ilang bagay.

Hinatid ko pa silang dalawa ng aking tingin hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Ilang minuto pa akong nag stay at nakipagbatian sa dalawang kasambahay doon at tsaka umaakyat sa ikalawang palapag ng bahay para tingnan si Tammy, kung gising na ba. Binuksan ko ang pintuan ng kwatro ng bata at tulad ng sabi ni ma'am ay tulog pa rin ito hanggang ngayon, tiningnan ko ang orasan sa ibabaw lang ng kama nito at nakitang mag-aalas nwebe palang. So I decided na bumaba at mag punta sa kusina para ipaghanda ito ng kanyang agahan, ilang sandali pa, tapos na 'ko at tinutungo na ulit ang kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto pagbukas ko ng pinto nadatnan ko siya gising na at nag-iinat. So cute.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now