Chapter 26

117 14 0
                                    

Chapter 26

“Gosh! Nakita n’yo ba si Cheska kanina…?”

Napalingon ako sa likod ko habang naglalakad kami ni Ruby sa hallway pababa papuntang cafeteria. Nagkatinginan kami ni Ruby.

“Oo. Parang walang pinagbago at mas lalo pang gumanda.” Rinig namin ang usapan ng grupo ng ilang babae sa likod namin, kasabayan rin namin sa pagbaba.

Actually, hindi lang naman sila ang naririnig kung pinagkukwentuhan si Cheska. Kanina buti nalang ay sinagip ako ng tunog ng bell dahil gusto ko na talagang umalis doon, hindi ko lang alam kung paano ang gagawin ko. At may, isang pakiramdam na umusbong at naramdaman ko kanina habang kasama ko sila—‘yun ay hindi ako nababagay na makasama sila. Kung hindi lang kay Zach… at sa tungkulin kung trabaho sa kanya…

Habang paalis ako doon kanina ay hindi nga yata nila namalayan, eh. Kay Hans nalang ako nagpaalam bago ako pumasok sa classroom ko na tinanguan niya lang.

At habang, naglalakad ako papunta sa building namin ay laman ng usapan ng bawat estudyanteng madadaan ko grupo man ng babae o lalaki ay si Cheska. May narinig pa nga akong nagsabi na baka daw magkabalikan si Zach at Cheska ngayon.

Kalat ang usaping ‘yung, baka nga halos lahat ng estudyante sa university na ‘to ay si Cheska ang pinag-uusap, eh—silang dalawa ni Zach. Kahit sa building at classroom namin ay hindi rin nakaligtas ang usapan-usapan. Ang ilang sa kaklase ko babae ay nagpunta pa talaga sa akin pagkapasok ko sa room at pinalibutan ako para lang makasagap ng balita.

Ang dami nilang tanong na nagkakasabay sila at hindi ko na maintindihan at hindi ko na rin maalam kung kanino ako titingin at sino ang una kung sasagutin.

“Anong sinabi sa’yo ni Cheska? Nakita ko siyang nilapitan ka?”

“May nakakita daw na hinalikan ni Cheska si Zach, totoo ba ‘yun, nando’n ka kasama nila diba?

“Kinikilig ako. Bagay na bagay talaga sila, ang sweet…!”

“Ano? magkakabalikan na ba sila…?”

Marami pa silang sinasabi na hindi ko na maintindihan ang iba. Sa huli hindi ko rin sila nasagot dahil pumasok na ang una naming professor. At, pinagpapasalamat ko ‘yun. Hay…

Tsaka, bakit ba ako ang tinatanong nila? As if naman na kapag sinagot ko ang mga tanong nila ay makukuntento na sila, hindi pa rin naman sila makukuntento ro’n at maghahanap pa sila ng ibang matatanungan. Bakit hindi nalang sila direstyo magtanong doon sa dalawa.

Natahimik lang kami ni Ruby na naglalakad pababa at parang walang tengang naglalakad, dahil literal na wala talaga kaming naririnig dahil sa nakasalpak na headset sa aming mga tenga. Tinudo pa ang volume sounds.

Nagtataka kasi ako kung bakit parang walang naririnig itong si Ruby yun naman pala ay may nakasalpak na headset sa tenga niya, kaya ginaya ko rin siya, sinuot ko rin ang bigay na headset sa akin ni ate Risa.

Kung karamihan sa mga estudyante dito ay kinikilig, mangha at pinag-uusapan sila Zach at Cheska, may nakikita pa rin naman akong iilang estudyante na walang pakialam sa paligid nila, halimbawa nalang nitong katabi ko—si Ruby.

Nang makarating sa cafeteria direstyo agad kami sa counter para pumila at makaalis agad at doon nalang kami kakain sa library tulad ng laging gawi namin. Dahil hindi naman araw-araw ay nagbabaon kami. Tulad ngayon wala.

Tinggal ko ang headset sa tenga ko nang tanungin ako ng tindera, sinabi ko ang order ko at nag-antay. Sandwich at juice lang naman ‘yun kaya mabilis lang, nang makuha na namin ang inorder namin ay akmang maglalakad na ako paaalis nang may narinig akong sinabi ng isang estudyante na nakaupo sa table malapit sa amin.

My Personal YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon