Chapter 23

138 17 0
                                    

Chapter 23

"Smells good..."

Muntik ko ng mabitawan ang hawak kung sandok, ng marinig ko ang boses ni Zach, habang ako'y naghahalo ng niluluto kong ulam para sa baon ko mamaya sa school.

Pinahinaan ko muna ang apoy sa kalan dahil luto naman na, bago ko siya nilingon na ngayon ay naglalakad na palapit sa'kin habang marahang tumatawa sa naging reaksyon ko.

Sinimangutan ko siya at inirapan. May kasalanan pa 'to sa'kin eh!

"What are you cooking?" Tanong niya. Pinaningkitan ko lang siya ng mata at hindi siya sinagot. Tumingin siya sa akin at ng makita niya ang tingin ko sa kanya ay kinagat niya ang loob ng pisngi niya, bago niya tinaas ang kanyang kamay sa pisngi ko at marahang pinisil 'yon. "Cute."

Pumunta ako sa island counter at nilinis ko ang pinaggamitan ko kanina ng pinaglituan ko. Siya naman ay tiningnan ang niluto ko, kumuha siya ng sandok at tinikman 'yun ng hindi man lang nagdadalawang isip na hipan yon, at basta nalang tinikman 'yun.

"Shit!" Sigaw niya.

Napailing ako, nagpipigil ng tawa.

Nabitawan niya ang sandok at nalaglag sa sahig, na naglikha ng munting ingay, may tumalsik pa sa kanyang sabaw galing sa kinuha niya sa sandok. Nakarinig ako ng mga mura sa kanya at sinaman ako ng tingin, na akala mo ay ako ang may kasalanan. Ako pa ang sinisi!

"Alam mo na kasing mainit pa! Basta mo nalang titikman hindi mo ba naisip na hipan mo na ito, kasi po galing apoy...mainit?!" sermon ko sa kanya na may halong sarkastiko.

Imigos siya. "Ang sabihin mo 'yan luto mo ang ayaw magpatikim!" reklamo niya pa.

Suminghap ako.

"Aba't!" sinamaan ko siya ng tingin at gano'n din siya sa akin, nang walang ano-ano'y tinaas ko ang kamay ko at ginawa ko sa kanya ang matagal ko ng gustong gawin sa kanya ay ang batukan siya!

"Anong..." hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin, nakahawak ang magkabilang kamay niya sa kanyang ulong binatukan ko. "Bakit mo 'yon ginawa, huh?!" tanong niya.

Tinalikuran ko siya at pinatay na ng tuluyan ang kalan. Hindi siya pinapansin, na panay pa rin ang reklamo at tanong kung bakit ko ba daw ba ginawa 'yun?!

Ha! Sarkastiko akong tumawa sa isip ko. Hindi niya ba alam na isang linggo akong nagtiis sa school?! Kakaiwas sa mga babaeng humahabol sa akin! Magmula no'n araw na tinawag niya ang pangalan ko sa harap ng building namin, eh. Lagi na ako dinudumog ng mga estudyante, karamihan ay babae, na gustong makipagkaibigan sa akin. Well, in fact ang motive lang naman nila ay makipagkaibigan sa akin para mapalapit sila doon sa tatlong magkakaibigan, na sila Zach.

Mas lalo pa silang naintriga sa akin at lalong gusto akong makilala, ng may isang estudyante ang nakakita daw sa akin na lumabas sa kotse ni Zach. Nagsimula na nila akong tanungin ng kung ano-ano na nun' una ay hindi ko alam kung paano ko ba masasagot ang kanilang mga katanungan.

Ano ang relasyon mo kay Zach? Magkakilala ba kayo ni Zach? May nakakita daw sa'yong bumaba sa kotse ni Zach, totoo ba 'yun? Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Zach? Ikaw ba ang bagong ipinalit ni Zach sa ex niya?

Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Bakit napunta agad sa girlfriend? Ipinalit sa ex ni Zach? Ano ba yun?! God!

Pati ang mga kaklase ko ay hindi rin ako maiwan na hindi nila tanungin. Kaya pag gano'n ay ako nalang ang unang iiwas sa kanila at nagtatago sa library, pero kahit na gano'n ay hindi pa rin maiwasan kaya minsan ay napapalabas ako.

Kaya nun minsa'y may nagtanong ulit sa akin, at saktong napalabas na naman ulit ako sa Library ay nasabi ko na sa kanila ng hindi inasahan at dahil na rin siguro sa sobrang inis ko ay nadala ako. Nasabi ko sa kanila na 'magkakilala kami ni Zach at personal yaya niya ako' bago sila tinalikuran doon na nakanganga at hindi makapaniwala sa sinabi ko sa kanila.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now