Chapter 17

167 18 0
                                    

Chapter 17

No’ng gabi rin iyon ay dumating si ma’am Celine para makita at kamustahin ang kanyang anak.

“So, Ali. I heard from manang Koring that you and my son’s quit close now.” Tumaas ang kilay ni ma’am Celine sa akin.

Umihip ang pang gabing hangin.

Nandito kami ngayon sa may garden nila.  Magkaharap kaming nakaupo nasa gitna namin ang coffee table. Sumimsim siya ng red wine (na pinakuha niya sa akin kanina) habang ako naman ay nakaupo lang sa tapat niyang upuan.

Tumikhim ako. “Ah, Opo, ma’am Celine. Siya pa nga po ang nag alok na maging magkaibigan kami, eh.”

Nanlaki ang mata ni ma’am umayos rin siya ng upo. Nakuha ko ang buong atensyon niya. “Oh my gosh! Really?”

Mahina akong natawa. “Opo, ma’am Celine.”

Kanina pa kami dito nakaupong dalawa. Pagkatapos niyang kumain ay niyaya niya ako dito kwentuhan ko raw siya tungkol sa anak niya. Nagtatanong siya at sinasagot ko naman ang tanong niya.

Wala namang bago. Narealize ko lang na sa t’wing uuwi siya dito ay imbes na tanungin niya ang anak niya tungkol dito ay ako ang tinanong niya. Naisip ko lang hindi ba sila malapit sa isa’t isa?

Tingin ko kasi hirap si ma’am Celine na i-express ang emosyon niya at napapansin ko rin na gano’n din si sir Zach sa mommy niya. Parang si ma’am Celine ay nangangapa pa sa kung paano makikibagay sa anak niya. At nakikita ko naman na ginagawa niya ang lahat ng kaya niyang ibigay dito.

Bakit hindi ba sila nagkakasama? Bakit parang ang lalayo ng agwat ng emosyon nila sa isa’t  isa? Lalo na ang mag ama.

Ay, ewan. Bakit ko ba ito pinoproblema? halata naman sa kanila, eh, lalo na kay sir Zach at sa daddy niya – si Mr. charlie Torres. Mapapansin mo talaga ang ilangan't hindi komportable nila sa isa’t isa.

“Wow, that’s new though. He never initiate asking for friend, this is new. His friends, he will not be friends if we didn’t introduced them to Zach when they were young.” Ngumiti ng mapait si ma’am Celine. “Mailap siya sa mga tao kung hindi kami ay ayaw niya. Buti nga at nakasundo niya rin ang mga anak ng family friend and business partner namin, eh.”

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako? O Makikinig nalang sa kwento ni ma’am Celine? Hindi ko naman kasi alam ang buong istorya ng pamilya nila. Kaya nakinig na lang ako sa kanya.

Mag iisang oras na yata kami ni ma’am Celine dito na nagkukwentuhan tungkol lang naman sa anak niyang sir Zach. Nang may marinig kaming yabag ng paa na papalapit sa kinaroroonan namin. Kaya sabay kaming napalingon dito ni ma’am. Nakita ko si sir Zach na papalapit sa amin kunot ang kanyang nuo habang naglalakad patungo sa amin.

Tumayo agad ako ng makalapit siya sa amin.

“Hey, mom.” Humalik siya sa pisngi ng kanyang mommy. “Why are you two here? It’s cold.”

“Ah yeah, we’re was about to go inside when you came.” Ngumiti si ma’am at humalik rin sa pisngi ng kanyang anak.

“Ah excuse, ma’am Celine, sir Zach. Sir Zach kumain na po ba kayo? Ihahanda ko po ang dinner niyo.”

“Tsk! How many times do I have to tell you that it’s Zach only, Alisha. Cut the sir!”

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Napatingin ako kay ma’am Celine at nagugulat niyang tiningnan ang anak tapos sa akin. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Bakit kailangan niya pang sabihin ‘yon? Sa harap pa talaga ng kanyang mommy, tsk! Pwede niya naman akong pagsabihan pagwala na ang mommy niya.

My Personal YayaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz