Chapter 32

128 9 0
                                    

Chapter 32

“Ako nalang po ang sasama.”

Presinta ko matapos tumanggi ni Kary sa kanyang nanay Koring. Nagpapasama kasi si manang Koring sa kanya sa pamamalengke, kaya lang sabi niya ay may gagawin siyang projects at assignment nila kaya hindi siya pwede.

Si ate Risa kasi ang madalas niyang kasama kapag mamamalengke siya, pero si ate Risa kasi ay may ginagawa, naglalaba, sabado kasi ngayon. Eh, ako ay wala na naman ng masyadong gagawin sa school, isang minor subject nalang naman ‘yun ‘tsaka pwede ko naman ‘yun gawin pagbalik namin.

Tumingin si manang Koring sa’kin. “O Sige, hija. Wala kana bang gagawin?” Tanong niya pa.

“Pwede ko naman po ‘yung gawin mamaya o ‘di kaya mamaya pong gabi bago ako matulog.” Sabi ko.

Tumango siya at sinabihan akong mag-ayos na muna. Sinunod ko siya pagkalabas ko sa aking silid ay sinabihan naman ako ni ate Risa na kunin ko na muna ang labahin si Zach sa kwarto niya, kaya umakyat ako sa ikalawang palapag at nagtungo sa kwarto ni Zach.

Isang katok ko palang ay binuksan niya na ang pintuan. “Akina ang mga labahin mo, para maisabay na ni ate Risa sa paglalaba.” Sabi ko agad.

Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pintu at mwestra sa’kin ang loob. “Ikaw na ang kumuha.” Sabi niya pagkatapos niya akong talikuran at bumalik sa study table niya.

“Sipag ah...” komento ko.

Hindi niya ako pinansin pero narinig ko ang reklamo niya, kaya natawa ako at dumeristo na sa loob ng walking closet niya at kinuha doon sa gilid lang ang marumi niyang damit. Pagkalabas ko at madaanan ko ulit siya ay nakatingin na siya agad sa’kin, na para bang inaabangan niya talaga ang paglabas ko. Hindi ko siya pinansin at dumeristo lang ako sa pintuan niya.

“May lakad ka?” tanong niya bago pa man ako makalabas sa pintuan niya.

Tiningnan ko siya. “Wala. Sasamahan ko lang si manang Koring mamalengke.” Sagot ko.

Lumabas na ako doon dala ang basket laman ang labahin niya, nang tumango siya sa’kin. Dumeristo agad ako sa likod ng bahay para maibigay ito kay ate Risa.

“Paki lagay mo nalang d’yan, Ali.” Sabi ni ate Risa.

Pagkapasok ko ulit sa loob ng bahay ay pumunta ako sa living room para roon nalang antayin si manang Koring. Nag-angat ako ng tingin kay Zach nang makita siyang pababa at papalapit sa’kin.

“Tara…” sabi niya ng makalapit.

“Huh…?” naguluhan ako sa kanya. “Sasama ka?” tanong ko kapagkuwan nang marealize kung ano ang sinasabi niya.

“Boring.” Kibit balikat niyang sagot.

Tumayo na ako ng makita na si manang Koring na naglalakad na papalapit sa amin. Pinauna namin si manang Koring sa paglalakad bago kami.

“Saan ang punta mo, hijo.” Tanong ni manang Koring habang naglalakad kami palabas ng bahay.

“Sasama daw siya sa’tin mamalengke,nay Koring.” Ako ang sumagot.

Nagugulat naman na nilingon ni manang Koring si Zach na ngayon ay masama ang tingin sakin, kinagat ko ang pang ibabang labi ko at lihim na natawa. Sa reaksyon ni manang Koring ay pakiramdam ko ay unang beses palang itong mangyayari—ang anak ng amo namin —hindi man pormal na sinabi niya—ay sasama sa aming mamalengke.

Hindi niya pinansin si manang Koring at siya na ang naunang naglakad sa amin ngayon. “Kotse ko ang gagamitin na’tin.” Sabi niya.

Nang makapasok kami at maiayos ang mga sarili sa kotse ay ‘tsaka palang ito pinaandar ni Zach. Nagpunta kami sa isang supermarket store. Nakasunod lang kami kay manang Koring habang siya ay nagtitingin-tingin sa bibilhin, gano’n din ang ginawa ko, samantalang ang isang katabi ko naman ay parang ngayon palang nakapasok sa ganto, dahil ang ibang product na hindi pamilyar sa kanya ay kinukunotan niya ng nuo.

My Personal Yayaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें