Chapter 20

159 18 0
                                    

Chapter 20

Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon at tugon ko ukol sa sinabi niya.

Matagal ko na itong pangarap, ang makapagtapos ako ng pag–aaral ngunit sa kakulangan sa pera ay kinailangan ko munang ihinto ang pag–aaral at ang pangarap kung iyon. Sa kadahilanan na rin na kailangan kung maghanap ng trabaho para sa pang–araw–araw na pangangailangan namin isama pa panggastos, pambili ng gamot ni mama dahil may kamahalan rin ito, at ngayon naman ay ang isipin kung pera para sa operasyon niya. Kulang na kulang ang pera ko kung isisingit ko pa ito—ang pag–aaral ko. Nakukulangan rin ako sa oras ko kaya, mahirap man at ayukong gawin ay wala akong magagawa kun’di ang iwan ang pangarap kung iyon.

At, ngayon na may nag–aalok na para sa akin, iisponsoran ako para maipagpatuloy ko ang iniwan at hininto kung pangarap. Hindi pa man siguro, pero… tatanggapin ko ba? Kung totoo nga ito?

Wala rin naman akong masyadong ginagawa, bukod sa paghahanda ng makakain ng alaga kung si Sir Zach ay wala na akong ginagawa. Minsan tumutulong ako sa paglilinis ng bahay pero pingbabawalan naman ako nila ate Risa dahil hindi ko naman daw ‘yon gawain.

“Alisha…?”

“Po…” Napaupo ako ng tuwid.

Natawa ng marahan si ma’am Celine. “Relax okay,” Tumango ako. “What I’m saying is, I will going to sponsored your studies, so you can pursue your dreams like you said. I’ve seen base on what you said, how you would like to finish studying, but you just can’t because you needed to find a job, so you can buy your mama’s a medicine. How you sacrifice your own desires dream for your dearest mom. I feel you dear… oh, why are you crying, hija?”

“Po…?” Mabilis kung pinupunasan ang pisngi ko, hindi ko alam na may luha na palang naglalandas sa mukha ko, hindi ko manlang namalayan. Nahihiyang ngumiti kay ma’am Celine, “Sorry po.”

“It’s okay, dear.” Magaan niya akong nginitian. Napansin kong nakaupo na si Mr. Torres sa swivel chair niya. “Actually, not just you whom I’d sponsored, there’s also Kary, manang Koring’s daughter.”

Napatingin ako sa kanya, “Talaga po…?”

“Yes. Actually, itong sinasabi ko ngayon sa’yo dapat ay no’n nakaraan ko pa sana ‘to sasabihin ng magkwentuhan tayo noon sa may garden. But, I kinda forgot it, you know busy with the company.”

“Naiintidan ko po.”

“Okay. Here’s it. You’re going to enroll were my son’s university is. I have a reason, para hanggang doon ay mababantayan’t maaalagaan mo pa rin siya. I mean, you said you two are friends now, right?”

“Opo.”

“So, what do you think hija.”

“Okay lang po ‘yon sa akin.”

“Great! So it’s settled now? Huh? I mean, you can still do what you want to do, as long as you do your job attentively. Hindi naman kita obligado, dahil syempre, kailangan mo rin naman gawin ang school activities mo. Alisha…?”

“Ma’am…?” Nang tingnan ko siya ay bahagya nang nakataas ang kilay nito. “Tuloy po ang pagpasok ko? Ma’am? Makakapag–enroll na po ako?”

“Of course, dear. I tell Rey to accompany you tomorrow there. Or, maybe I can tell to my baby Ry na isabay ka nalang bukas besides doon rin naman ang punta niya, para sabay na kayong dalawa bukas.” Ngumiti ng malapad si ma’am Celine sa akin.

Suminghap ako, “Talaga po… m–marami pong salamat sa inyo ma’am Celine, Mr. Torres.” Naiiyak kong saad sa kanila, bahagya ko pang iniyuko ang aking ulo, bilang paggalang sa kanila at pasasalamat na rin. “Hindi niyo po alam kung gaano niyo po ako napasaya at nabigyan ng pag–asa para sa pangarap kung ito, kahit manlang po dito ay matupad ko. Ito rin po kasi ang pangarap sa akin ni mama eh, ang makapagtapos ng pag–aaral. Pero, wag niyo na pong sabihin kay Sir Zach, nakakahiya po. Sasabay na lang po ako kay Kary bukas, malapit lang naman daw po iyon sa university nila po.”

My Personal YayaWhere stories live. Discover now