Chapter 50

131 6 0
                                    

Chapter 50

Napakunot ang noo ko nang tumigil ang sasakyan ni Cheska sa harap nang restaurant na pinagtatrabahuan ni Robin. Tahimik ko siyang nilingon at naabutan ko siyang binuksan ang pintuan sa side niya at lumabas.

Bumuntong hininga muna ako bago lumabas narin.

Tahimik akong sumunod sa kanya papasok sa loob ng restaurant. Ang napili niyang cuisine ay Mexican at doon kami sa loob pumwesto. Pero kita parin namin ang nangyayari sa labas dahil glass wall naman ang salamin.

Pagkaupo namin agad nang may lumapit na waiter at binigyan kami ng tig-isang menu. Kahit na busog pa ako ay nag-order narin ako. Pagkakuha ng waiter sa order namin ay agad na itong umalis at sinabing mag-antay lang kami ng ilang minuto.

Tahimik kaming dalawa pinapakiramdaman ang bawat isa. Habang ganoon kami, nilibot ko muna ang paningin ko sa labas ng glass wall. Kung saan makikita mo ang ibang customer ay masayang kumakain kasama ang kanilang barkada o kapamilya. Nahagip rin ng paningin ko ang ilang couple na tahimik na kumakain, ang iba pa nga'y nagsusubuan at may sariling mundo.

Wala rin sa sarili kung hinanap nang paningin ko si Robin. Hindi ko kasi siya napansin nang pumasok kami dahil sa kasama ko ngayon. Masyado yata akong preoccupied sa mga iniisip kung posibleng mangyari ngayon.

Marahas akong napabaling kay Cheska nang marinig ko siyang tumikhim. Kababa niya lang sa wine glass na hiningi niya kanina bago umalis ang waiter. Napalunok ako at pakiramdam ko may nagbara sa lalamunan ko kaya kinakailangan ko pang uminom ng tubig para mawala ito.

Umayos ako ng upo at kahit kinakabahan ay itinuon ko ang buong atensyon ko sa kanya.

Sa totoo lang, wala talaga akong kaide-ideya sa kung ano ang nasa isip niya kung bakit niya ako gustong makausap. Kinakabahan at napapalunok tuloy ako sa tuwing sumasagi sa isip ko 'yung mga napapanood ko kung minsan mga drama sa telebisyon. Ganitong ganito 'yun, eh. Natatakot tuloy ako pero hindi ko 'yun ipapagalata sa kanya.

Pinilig ko ang ulo ko at pinangalahatian ang basong may lamang tubig sa harapan ko.

Tumikhim siyang muli bago nagsimulang magsalita para sa marami pa niyang sasabihin.

"How's you and Zach?"

Nagulat ako sa tanong niya at hindi agad nakapagreak. Tumikhim ako at sasagutin na sana ang tanong niya nang maunahan niya akong magsalita.

"Never mind that. I can see that you two are happy. Especially, Zach I can see it in his eyes and the way he's staring and smiling at you..." umiling siya. Mapait akong nginitian. "I didn't see that when we're together back then. Although, I see him happy with me but not as happy as I can see when you two are together."

Makikita mo sa mukha ko ang pagkamangha at gulat sa sinabi niya. Ni minsan, kahit sa panaginip ko, hindi ko maimagine na maririnig ko ito mula sa kanya.

"And I admit... you two look good... together." pagpapatuloy niya pa, matapos sumimsim sa wine glass niya.

"I'm sorry..."

Kitang-kita ko rin ang pagkakagulat sa ekspresyon ng kanyang mukha. Umawang ang labi niya at nanlaki ang mga mata niya. Narinig ko rin ang pagsinghap niya, mukhang katulad ko, hindi niya rin inasahan ang sinabi ko.

Tingin ko kasi ay kailangan ko talagang humingi nang 'sorry' sa kanya, hindi lang tungkol sa lalaking dati niya rin minahal, kundi pati narin sa lahat-lahat bilang pormalidad.

Kay Papa na alam kung sobra niyang ikinagalit dahil sa paglilihim nito sa kanya nang matagal na panahon. At malalaman niya, namin, pagkaraan ng ilang buwan na magkapatid pala kaming dalawa. Alam kung sobra niya iyong ikinagulat to the point na hindi niya iyon pinaniwalaan... ayaw niyang paniwalaan... at alam ko rin na lalo pa niyang ikinagalit. Lalo pa't una nang may namuong tensyon sa pagitan naming dalawa na mas lalo lang lumala.

My Personal YayaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant