Chapter 21

147 17 0
                                    

Chapter 21

“Thank you po ma’am!”

Tumingin ako sa cellphone, kung kakablack pa lang ng screen. Napangiti ako at gusto kung magtitili sa tuwa, kaso naisipan ko rin na wag na lang dahil dama ko ang mga mata ni Sir Zach, na nakatingin sa akin.

“What is it?” Tanong niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya, at nag-approved sign.

“Okay na. Tanggap na ako at makapasok na rin ako sa Monday!” Ngiting-ngiti kung saad sa kanya.

Nandito kami ngayon sa living room, siya ay nanunuod ng parati niyang pinanunuod; basketball. Ako naman ay nakasalampak na nakauso sa carpet, habang inaayos ko ang pagkakasalansan ng mga magazine sa ilalim ng center table nila, at nililinisa’t tinatalgalan ng mga alikabok ang ilang figurines na naka-desplayed roon.

“Excited na ko!” Pumalakpak pa ako na parang bata.

Napailing siya.

“Para kang bata riyan, tigilan mo nga iyan.”

“Grabe ka naman Si–Zach. Hindi ba pwedeng masaya lang.”

“Tss! Nasayin mo na, na Zach lang itatawag mo sa akin, especially if we’re inside the university I don’t want other people know about it.”

“Naiintidihan ko Si–Zach. Zach. Zach. Zach.” Paulit-ulit kung banggit sa pangalan niya. “Oh ayan na…”

“Sa akin ka sasabay…”

“Huh? Hindi na, tsaka kabisado ko na naman na ang daan papunta roon. Magcu-cummute na lang siguro ako.”

“What? No. Pwede ka namang magpahatid sa isa sa mga driver namin diyan.”

“Okay lang naman ako Zach. Ayuko sumabay sa'yo kasi nakita kung sikat ka sa unibersidad, lalo na sa mga babae noh! Baka pagnakita nila tayong magkasama, baka dumugin pa ako ng mga fans mo at masamain pa ng iba eh, mapaaway pa ako. Ke-bago bago ko lang eh.”

“Seriously? Fans?” Tumawa siya.

“Hmm…”

“Ewan ko sa'yo.”

Katahimikan ang sunod na namayani sa aming dalawa.

“Tsaka, pala Zach…” Nagsalita ako pagkaraan ng mahabang katahimikan. Lumingon siya sa akin, tiningnan ko siya direstyo sa mga mata niya.”Sobra-sobra talaga akong nagpapasalamat sa mga magulang mo. Ang babait nila… binigyan nila ako ng pagkakataon na ipagpatuloy at tuparin ang audlot kung pangarap. Maraming salamat sa pamilya niyo Sir Zach, utang na loob ko ito sa inyo.”

“Don’t thank me, I didn’t do anything. Thank my parents instead. Tsaka, wag ka ngang sumeryosu r’yan, hindi ako sanay.”

Tumawa ako, “Magpapasalamat pa rin ako sa iyo, Zach. Kasi kung hindi dahil sa’yo, ay wala akong trabaho, wala ako dito. Wala ka ngang ginagawa pero ikaw pa rin ang dahilan, kaya nangyari ang mga ito, pati ang maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Kita mo?”

“Tss! Oo na…”

“Ang suplado mo talaga.” Nginisian ko siya, na inirapan niya lang ako pabalik.

Tumawa ako.

Tayo na sana ko ng may napansin akong nakaipit sa ilalim ng long sofa sa gilid ko. Kinuha ko iyun at ng makita ko ng tuluyan, ay nakita kung isa iyong picture ng cute na cute na bata na sa tingin ko ay tatlong taon ang edad. Napangiti ako, ang cute. Sa larawan makikita ang baby na kumakain ng chocolate at kalat na ang mantsa nito sa damit ng bata, pati ang mukha ay puro chocolate na rin.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now