Chapter 48

104 6 0
                                    

Chapter 48

ALISHA

“So, how was it?”

Napaangat ang tingin ko kay Zach na nakataas ang isang kilay sa’kin at malapad na nakangiti, inaantay ang sagot ko sa tanong niya.

“Nakapasa ako sa exam namin kanina.” Malapad rin ang ngiting sabi ko.

“See? Told yah,” sabi niya at pinisil ang ilong ko, may pagmamalaki akong nahimigan sa boses niya.

“Hmm.” Reklamo ko.

“Alisha!” sabay kaming napalingon na dalawa ni Zach sa malakas na boses na tawag ni Jake sa pangalan ko. “Hey, beautiful lady. Long time no see.” Agad niya akong niyakap ng makalapit siya sa amin.

“Yah!” reklamo ni Zach at nakasimangot ang mukhang agad akong hiniwalay sa yakap ng kanyang kaibigan.

Lalo pang sumimangot ang mukha ni Zach ng makita kung sino ang naglalakad palapit sa amin kasunod ni Jake. Si Hans. Agad niya akong inilagay sa kanyang likuran na para bang itinatago niya ako sa kung sino man. Narinig ko pa ang nakakalokong pagtawa ni Jake.

“Dude.” may pagbabanta at maawtoridad na mariing sabi ni Zach kay Hans ng aamba itong lalapit sa’kin.

“Okay, okay,” sabi ni Hans na nakataas pa ang dalawang kamay habang umaatras ito.

“Tsk, tsk, so possessive.” natatawang kumento ni Jake.

Nag-init ang pisngi ko at nahihiyang nag-angat ng tingin sa mga kaibigan ni Zach lalo na kay Hans. Nang nagtama ang paningin namin, maliit ko siyang nginitian. Nilingon naman ako si Zach sa likod niya at naabutan ang ginawa ko, kaya tumikhim siya at pinandilatan ako ng mata niya.

Napanguso ako at tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa aking mga paa.

Habang nasa loob kami ng kanyang sasakyan ni Zach at siya ay minamaniobra ang sasakyan niya patungo sa hospital, ay hindi ko maiwasang hindi tumingin sa magkasalikop na  kamay naming dalawa. Pinamumulahan ako ng pisngi at parang may mga paru-parong nagsisiliparin sa loob ng aking tiyan, kinikilig ako.

Lihim akong napangiti sa isiping iyon.

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang maramdaman ko na naman ang paghalik sa likod ng kamay ko ni Zach. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang magtama ang mata namin at napakagat labi.

“Zach,” sabi ko.

“Yes, baby,” sagot niya na may mabilisang paglingon sakin ‘tas balik agad ang tingin niya sa kalsada, nangingiti.

Pinalobo ko ang bibig ko. “Wala,” binalik ko ang tingin ko sa dinaraanan namin.

“C’mon, what is it? Hmm?” natatawa niyang tanong. Hindi ako sumagot dahil alam kung nagsisimula na siyang asarin ako.

Pagkarating sa parking lot ng hospital ay sabay na kaming bumaba ni Zach sa kanyang sasakyan. Sinamaan niya pa ako ng tingin nang makababa na ako sa side ko at naunahan na siya sa akma niya palang na paghawak sa door handle ng sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan.

Hindi ko alam kung ngingitian ko siya ngingiwian, pero sa huli ay nauwi sa ngiwi ang binigay kung ngiti sa kanya.

Inantay lang namin sila Hans na mai-park ang kanilang mga sasakyan at sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng ospital. Habang nasa loob kami ng elevator tahimik ang dalawa habang si Jake naman ay nagtatanong kung anong nangyari kay papa at bakit naospital ito at ayos na ba ang kalagayan nito.

Nang tumunog ang elevator hudyat na nakarating na kami sa tamang palapag, ay agad na hinawakan ni Zach ang kamay ko at pinagsalikop na naman ito. Nakita kung nakasunod ang mga mata ng kanyang kaibigan sa ginawa niya. Naiiling silang nag-iwas ng tingin at sinundan kami sa paglalakad. Nang-iangat ko naman ang tingin ko sa kanya ay parang wala lang dito ang ginawa niya at hindi siya nahihiya.

My Personal YayaKde žijí příběhy. Začni objevovat