Chapter 45

118 9 0
                                    

Chapter 45

“Anong sabi ni Max? Ano daw ang nangyari?”

Tanong ko kay Robin. Habang nakaupo kaming dalawa dito sa may waiting bench ng bus terminal, at inaantay na dumating ang bus na sasakyan naming dalawa, paalis patungo sa lugar namin.

Nilahad niya sa akin ang paper cup, na may lamang kape, pagkarating niya galing sa pagbili nito at habang siya, ay humihigop ng sa kanya at umuupo sa tabi ko. Umiling ako pero kinuha ko parin naman sa kanya ang kapeng binibigay niya sa’kin.

Hindi ako makapag-isip ng maayos. Sino bang hindi kung ang bubungad sayong tawag pagkagising mo ay sinugod sa ospital ang iyong lola. Ang isip ko lang ay na kay mama at kung anong nangyari sa kanya, at bakit siya nasugod sa ospital?

Napapikit ako ng mariin ng may pumasok sa isip ko. Agad akong umiling at pinilig ko ang ulo ko para mawala ang isiping ‘yun.

Ang kamay kung nakahawak sa paper cup na may lamang kape, ay bahagyang nanginginig dahil siguro sa pag-aalala at kaba sa mga naiisip kung posibleng nangyari. Nakita yata ‘yun ni Robin kaya kinuha niya sa’kin ang kape at nilapag ito sa pagitan namin.

“Wag kang mag-isip-isip ng kung ano-ano.” Aniya. “Baka mamaya mahimatay ka nalang diyan dahil sa mga iniisip mo. Wag kang mag-alala matibay si Lola Teri… kaya niya ‘yun.”

Nginitian niya ako. Kaya bahagyang nawala ang mga naiisip ko.

“Inumin mo na ‘yang kape mo pampalakas ‘yan ng loob. Baka sakaling gumana sa’yo.”

Tumango ako sa kanya at sinunod ang sinabi niya. Sumimsim ako ng kape kahit hindi naman talaga ako umiinom nito, baka sakaling gumana nga sa’kin ang sinabi niya.

Hindi na nga ako nakapagpaalam kaila manang Koring ng maayos dahil sa pagmamadali ko kaninang umalis ng bahay. Gusto ko na agad kasing makaalis at makapunta na kay mama. Ang sabi ko nalang sa kanila ay sinugod sa ospital si mama at kailangan kung makauwi agad doon, para makita at malaman ko kung anong kalagayan niya.

‘Yung nalang ang sinabi ko para hindi na sila marami pang tanong sa’kin. Naintindihan naman agad ‘yun ni manang Koring at sinabi niyang siya nalang daw ang magsasabi sa mga Torres. Agad akong tumango at nagpasalamat sa kanya bago ako nagmamadaling umalis at sumakay sa motor ni Robin, na nag-aabang na sa’kin sa labas ng gate.

Hindi ko alam kung tulog pa ba ang mga Torres ng umalis ako? Pero alam kung si Zach ay tulog pa ‘yun hanggang sa mga oras na ‘to. Baka nasa kanyang opisina na si Mr. Torres dahil nakita ko pang naghahanda si ate Risa ng isang tasa kape bago ako lumisan doon.

Nang dumating na ang bus na hinihintay namin, inantay lang namin na magsibaba ang mga naunang pasahero nito bago kami kumilos na dalawa at sumakay doon. Pumwesto ako sa may tabi ng bintana at siya naman ay sa tabi ko naupo.

Halos isang araw ang naging byahe namin. Dumating kami sa may port sa amin madaling araw kinabukasan. Wala akong ginawa sa byahe namin kundi ang matulog, dahil nga puyat ako at hindi makatulog ng gabing’yun. Mabuti na rin ‘yun dahil kapag gising ako ay ang isip ko ay lutang at naglalakbay papunta kay mama.

Mabuti nalang kasama ko si Robin. Inaaliw niya ako at hindi hinahayaan ng mag-isip papunta kay mama. Ginigising niya rin ako kapag oras ng kumain at kapag baba na kami at sasakay nanaman ng panibagong bus. Bus pagkatapos ay bus ulit at ang panghuli naming sinakyan bago kami nakarating sa lugar namin ay ang ferry boat.

Pagkarating namin ang una at ang nasa isip ko lang ay ang makapunta na agad kami sa ospital at nang makita ko na si mama. Sumakay agad kami ng jeep na magdadala sa’min sa ospital. Si Robin ay napapailing lang sa’kin pero kita naman sa kanyang mukha na nag-aalala rin siya kay mama at ang pagkasabik na gusto siyang makita.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now