Chapter 5

273 37 3
                                    

Chapter 5

Pagkauwi ko sa bahay naabutan ko si mama na kausap si tita Rina, mama ni Robin. Pero nang makita nila ako ay nahinto ang kanilang usapan.

“Oh hija, nandito ka na pala, mukhang ginabi ka yata ngayon, ah.” sabi ni tita Rina.

Nagmano ako sa kanilang dalawa.

“Oo, nga po eh, yun bata kasing binabantayan ko ayaw akong pauwiin.” Natawa ako.

“So totoo nga na magpupunta ka sa manila para doon magtrabaho, nakwento kasi sa ‘kin nitong lola mo.”

Tumingin ako kay mama na ngumiti lang sa ‘kin bago ako tumango kay tita. Nagpaalam ako sa kanila na magbihis lang saglit, tinangoan lang nila ako at pinagpatuloy ulit ang naudlot nilang usapan kanina bago ako dumating. Nang lumabas ako ay nabungaran ko ng nagpapaalam na si tita.

“Oh siya, uuwi na ako, mama teri. Ali, may dala akong ulam dyan para sa inyo.” pagpapaalam ni tita.

“Ay, tita Rina saglit lang po may sasabihin po ako sa inyo.” Pigil  ko sa kanya ng palabas na siya ng amin pintuan.

Tumingin siya sa ‘kin  nag aantay ng sasabihin ko, tumingin muna ako kay mama na naghahain na sa hapag.

“Ah, tita, may ipapasuyo po sana ako na kapag umalis na ako rito papuntang manila, ipapasuyo ko po sana si mama na paki tingin tingin para sa ‘kin habang wala po ako dito, kung okay lang po sana sa inyo.”

“Ano ka ba, Ali. Syempre okay lang sa 'kin yun parang pamilya na rin naman kayo sa 'min ng mama teri mo.” Natutuwang sabi ni tita

“Salamat po tita rina.”

“ay teka kailan ba ang alis mo.” Tanong niya pa

“Ang sabi po ni aling nena ay sa makalawa pa daw po, kaya nga may oras pa kami ni mama magbonding bukas eh!” excited kong saad dahil kahit papaano ay may panahon pa kami ni mama na magkasama.

Binigyan rin kasi ako nila ma’am ng pera nun una hindi ko tinanggap pero mapilit sila kaya kahit na ayaw kong tanggapin ay tinanggap ko na pamasahe ko raw iyon. Naisip kong yun nalang ang gamitin ko bukas sa mamamasyal namin ni mama.

“Maganda iyon para naman makapag bonding kayong dalawang mag lola parang despidida na rin yun sa ‘yo.” Tumango ako sa kanya.

“Hay! Nako, kung ako lang rin ang masusunod ikaw ang gusto kong makatuluyan ng anak kong si Robin, pero na isip ko rin na wag nalang…” Sabi bigla ni tita.

“Bakit naman rina hindi?” nakalapit na pala sa 'min si mama pinaliitan ko sa ng mga mata ko ngumiti lang siya sa 'kin pabalik.

“Wag nalang dahil kawawa naman itong si Ali. Papasakitin lang niya ang ulo ng apo mo, may pagkababaero pa naman iyon.” Dismayadong sabi ni tita sa kanyang anak napahilot pa sa kanyang nuo.

Natawa ako sa sinabi ni tita. “ baka po magkita rin kami doon sa manila, tita.” Sabi ko sa kanya

“Hay, naku siguradong maraming mabibiktima yon roon, ikaw Ali ah, pagkita kayo tapos may kasama siyang babae sabihin mo sa ‘kin agad, ah.”

“Opo, tita makaksigurado po kayo dyan.”

“Oh, Sige na alis na ako bye, magandang gabi sa inyo.”

“Magandang gabi rin po.” Sabay namin saad ni mama.

Hinatid namin siya ng tingin at ng hindi na maabot ng dalawang mata namin ay sabay na kaming nagtungo sa hapag at nagsimula ng kumain.

Nang natapos kami ako na ang nagprisintang maghuhugas ng mga pinagkainan namin, hindi na siya nagreklamo at tinulungan na lang ako itong ilagay sa lababo. Sinabi niya nalang na ilalatag niya nalang ang amin hihigaan para pagkatapos ko ay matutulog na kami. Tinanguan ko nalang siya.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now