Chapter 8

223 26 0
                                    

Chapter 8

Lumipas ang mga araw na ang ginagawa ko lang ay paulit ulit. Tulad ng ipaghahain si sir Zachary ng agahan niya, aasikasuhin ang isusuot niya sa unibersidad nila at paghapunan ganun din ipaghahain siya ng hapunan.

Sanay na ako at nakapag adjust na sa pamumuhay dito sa manila. Hindi ko na kailangan gumising pa ng maaga gaya ng ginagawa ko sa probinsya namin dahil ang oras naman ng klase ng alaga ko na si sir Zachary ay kung hindi alas otso ng umaga, alas nwebe naman.

Kinabisado ko talaga ang time schedule ni sir. Ang oras kung kailan nagigising siya, oras ng bababa siya sa dining room para mag agahan para ipaghanda ko na siya ng breakfast niya bago siya umalis patungo sa unibersidad niya.

Katulad ng mga yaya kung paano nila alagaan ang kanilang mga alagain na mga bata ang kaibahan nga lang hindi na bata ang alagain ko. Dahil hindi naman siya mukhang kailangan ng mag aalaga sa kanya at isa pa mas matanda pa sa ‘kin  to ng dalawa o tatlong taon.

Hindi na nasundan pa ang pag uusap namin ni sir sa labas ng kwatro niya. Dahil bukod sa tuwing umaga lang kami nagkikita – kapag hinandaan ko siya ng agahan niya. Tapos tuwing gabi naman ay late na siya kung umuwi kaya hindi rin kami nagkikita. Isang beses inantay ko siya pero magmamadaling araw na wala pa rin siya, umaga na siya no’n nakauwi at may hangover pa, tss. Alam na at pag wala naman siyang pasok ay umaalis siya. Bukod pa do’n ay walang salita ang namumutawi sa ‘min dalawa.

Nakalipat na rin ako ng kwatro kamakaylan lang sa ibaba katabi ng maids quarter.

Tok! Tok!

Kumatok ako sa pinto ng kwatro ni sir Zachary.

“Sir,” Naghintay ako ng ilang minuto pero wala parin nagbubukas ng pinto. Kumatok ulit ako, dinikit ko pa ang tenga ko para pakinggan ang loob ng kwatro pero wala akong marinig.

Baka tulog pa? sa isiping 'yon ay dahan dahan kong tinulak ang pinto pabukas. Pagbukas ko bumungad sa 'kin ang madilim na silid nangangapa pa ako sa dilim, tinungo ko ang makapal na kurtina na dahilan ng madilim na silid. Hinawi ko ito at tumama sa ‘kin ang sinag ng araw.

Tiningnan ko ang kabuuan ng silid na ngayon ay maliwag na at may buhay dahil sa sinag ng araw na kanina’y matamlay at walang buhay. Pinalibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng silid, pinag halong black at white ang kulay ng silid sa gitna na king size bed na kulay puti, bedside table sa magkabilang gilid nito, sa harap ng kama ay ang 72 inches na TV sa tabi ay may sofa na kulay black sa harap nito ay black carpet at sa ibabaw nito nakalagay ay center table. Samantalang, sa kabilang gilid ng silid ay mayroon mini bar, mini fridge at iba pa. May dalawang pintuan rin doon ang hula ko ang isang pintuan na malapit sa kama ay banyo dahil sa narinig kung tubig roon at sa isa naman na malapit sa TV ay ang walk in closet.

Tinungo ko iyon dahil ito naman talaga ang sagya ko rito, inutusan kasi ako ni Manang Lita na kuhanin ko ang mga damit ni sir na labahin na dahil nga sa weekend today. At tuwing weekend ang araw ng paglalaba nila rito maliban nalang kung importante ang damit na gagamitin sa okasyon o iba pang bagay ay nalabhan nila ‘to agad.

Tss, pati ang lagayan niya ng mga damit ay malawak rin sa laki, sigurado akong ganon din ang banyo ng lalaking ‘to. Parang wala pa nga sa kalahati ang bahay namin dito eh.

Bago pa man ako mawala sa aking iniisip ay kinuha ko na ang nakahiwalay na maruming damit don at agad na lumabas. Hahawakan ko na sana ang doorknob ng pintuan para makalabas na doon ng biglang narinig ko ang baritonong boses ni sir Zachary na nagsalita sa likod ko.

“What are you doing here?” tanong niya.

Napapitlag ako sa gulat at napahigpit ang hawak ko sa lagayan ng maruming damit ni sir. Hindi agad ako nakagalaw at nakasagot sa tanong niya dahil sa gulat.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now