Chapter 47

112 6 0
                                    

Chapter 47

“I have already ready your going to be room here together with your… uh… mama.”

Napanguso si Mr. Fernandez ng sabihin ang huling salitang sinabi niya. Tipid akong ngumiti at tumango matapos kung magpasalamat sa kanya.

Isang araw, matapos ang naging successful operations kay mama. Though, nasa ICU pa ito hanggang sa ngayon para obserbahan pa at sa iba pang test dito. Pero kaninang umaga ang sabi naman sa’min ng doktor niya ay mamaya o ‘di kaya’y bukas ng umaga ay maililipat na ito sa dati nitong silid na inuukupa.

Pagkatapos, naman ng lunch kasama si Tita Rina (Wala si Robin at Zach dahil pumasok ang mga ito) ay inexcuss naman muna ako ni Mr. Fernandez kay Tita Rina para sabihing isasama niya ako sa kanilang bahay para ipakita sa’kin ang magiging kwarto naming dalawa ni mama kapag ito’y na discharge na.

Hindi siya sang-ayon sa gusto kung mangyari na magkasama kami ni mama sa iisang silid lang. Dahil ang gusto niya’y may sari-sarili kaming silid.

Pero may pag-aalinlangan parin ako kay Cheska tungkol sa pagtira namin dito. Teka… alam niya na ba? Sinabi na ba niya kay Cheska?

Napaangat ang tingin ko kay papa na nakangiting binuksan ang isang pintuan, sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, pangalawa sa huling silid na naroon. Excited niyang inimuwestra sa akin ang loob non.

Magtatanong na sana ako sa kanya ng tungkol kay Cheska kung nasabi niya na ba dito, pero naagaw ng atensyon ko ang loob ng silid nang nakaapak na ako sa bukana ng pintuan at kita ko na ang halos kabuuhan noon.

Mula sa aking kinatatayuan, lumingon ako sa aking kanan at nakita kung naroon ang queen size bed, sa taas noon ay may nakasabit na dalawang medyo may kalakihang nature frame at ang isa na maliit naman na frame ay sa baba naman ng dalawa. Sa kaliwa ng kama, hindi kalayuan ay may pinto na sa tingin ko’y ang banyo. Sa kanan naman ng kama, sa may bandang gilid nito, ay ang sliding glass door na tinatakpan ng dalawang malaking pink curtains.

Sa kaliwa ko naman binaling ang paningin ko. Naroon sa tapat lang ng kama ay ang malaking flat screen TV. Sa gilid, sa bandang tabi ng bintana ay naroon naman nakalagay ang vanity mirror. Sa kabila naman, sa tapat lang rin niya ay ang ash gray sofa set, gray carpeted sa ibabaw nito nakalagay naman ang round coffee table.

Sa tabi ng sofa naroon naman ang isa pang pintuan. Naglakad ako palapit at binuksan iyon at napaawang ang labi ko nang makita ang loob non.

Alam ko ng closets iyon pero hindi ko inakalang… I mean, kumpleto na iyon sa gamit. Lahat na yata ay naroon na. Ang dalawang malalaking kabinet na pinagigitnaan ang life sized mirror, ay halos puno sa mga damit na nakalagay na dito. May isang pakurbang sofa rin at sa gitna naman nito nakalagay ang isang parisukat na kabinet.

Nang dinungaw ko ang ibabaw noon ay kita ko sa glass na nakaharang dito ang iilang mamahaling relo, bracelet. Sa gilid sa baba naman ng kabinet ay may mga drawer at nakalagay roon ang set of jewelries! Gosh.

Napangiwi ako. Agad ko iyong isinara at tumuwid ng tayo pagkatapos ay tumikhim.

“Did you like it?” tanong ni papa na sumunod pala sa akin.

Tumango na lamang ako, walang mailabas na salita sa aking bibig.

“Great!” maligaya niyang sambit.

Sa tingin ko’y parang gugustuhin ko pang humanap na lamang ng apartment na matutuluyan. May pag-aalinlangan na nga akong tumira dito dahil kay Cheska at sa tingin ko’y mas tumaas pa ang pag-aalinlangan iyon ng makita ko ang magiging silid ko kung sakali, lalo na ang walk-in-closet ko.

“I just want to spoil my daughter for the years that I am not with you.” Sabi niya ng makababa na kami ng hagdan.

Hinarap ko siya at madamdaming ngumiti sa kanya. Sinuklian niya rin iyon. Naglakad siya palapit sa’kin at masuyo niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now