Chapter 49

121 5 0
                                    

Chapter 49

Ang sumunod na mga araw ay parang naging mabilis lang sa akin. Siguro gano’n talaga kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay, hindi mo na namamalayan ang oras at panahon.

Lalo pa’t kasama ko na si mama at ang papa ko. Isa nalang talaga ang kulang… ang hiling kung magkasundo kami ni Cheska. Alam kung malabong mangyari ‘yun mas malabo pa yata sa ilog pasig, pero hindi ako nawawalan nang pag-asa na mangyayari rin iyon balang-araw. Hindi man ngayon, malay mo bukas, sa makalawa o sa susunod pa…

Sa ngayon, wala na akong mahihiling pa kundi ang makita ko ang mga mukha ng mga mahalaga at mahal ko sa buhay na nakangiti at masaya.

Nang gabi ring iyon ay na discharge narin si papa sa ospital. Pero nagsuggest ang doktor niya na kailangan niya pa ang magpahinga at iwasan ang mga makakapagpataas ng blood pressure niya. Si mama naman ay ganoon din na discharge narin siya matapos ang dalawang araw na pagkakadischarge ni papa at sa ilang pang-test na ginawa sa kanya upang siguraduhin na okay na talaga siya.

Kahit na may pag-aalinlangan at inaalala ko rin ang magiging reaksyon ni Cheska tungkol sa pagtira namin sa kanilang bahay. Wala naman na akong nagawa nang si papa na ang nagdesisyon at nagsabi na doon na kami tutuloy at titira sa kanila.

Hindi niya ako hinayaang makapaghanap pa ng apartment na marerentahan namin ni mama. Kahit pa nga na sinabi ko sa kanya na inalok sa’kin ni Zach ang condo unit nito para sa aming ni mama. Inilingan niya lang ako at pakiramdam ko ay hindi naman niya sineseryoso ang sinasabi ko. Dahil sa huli siya parin ang nasunod sa gusto niyang mangyari.

Naintindihan ko naman siya na gusto niya lang akong makasama. Pero kasi… si Cheska, eh.

Hindi niya narin ako pinagtrabaho pa kay ma’am Celine, sa pagiging personal yaya ko sa anak nito, kay Zach. Pinatigil niya na ako at ang sabi niya’y magpokus nalang daw ako sa pag-aaral ko. Ang alam ko rin ay kinausap niya ang mag-asawang Torres tungkol sa bagay na ito. Hindi ko lang alam kung ano iyon at wala na rin naman akong balak na alamin pa.

In short, hindi na ako personal yaya ni Zach anymore. But… his girlfriend.

Tungkol naman kay Cheska…

Naging malamig at mailap pa lalo ang naging turing niya sa amin—sa akin. Laging mainit ang kanyang ulo, iritado rin siya sa lahat ng bagay. Naawa nga ako minsan sa mga kasambahay nila, eh, dahil sa kanila niya minsan nabubuntong ang iristasyon niya. May makita lang siyang unting pagkakamali o ‘di kaya’y hindi agad nasunod ang pinag-uutos niya, ay iritado na ito at magagalit na agad.

Halos magtatatlong linggo rin siyang umalis at nawala sa kanilang bahay, simula nang patirahin kami dito ni papa. Lagi ko ring  naaabutan si papa na nakaupo sa pang-isahang sofa at nag-aabang, tuwing gabi kay Cheska sa pag-uwi nito, na bagsak ang mga balikat at bigong bumabalik sa kanyang silid gabi-gabi kakahintay sa pag-uwi nang kanyang anak.

Nandoon ako sa lahat ng gabing iyon, nakatayo sa barandilya ng ikalawang palapag, at pinagmamasdan siya sa ibaba. Nang hindi ko na nakayanan sa panglimang araw ko na pinagmamasdan lang siya, ay binaba ko na siya at nilapitan.

Nang makalapit kitang kita ko ang nilalabanan niyang pagbagsak ng talukap ng kanyang mga mata. Nang mamataan niya ako ay agad siyang umayos ng upo. At parang hindi inaantok ulit na humalukipkip at inaabangan ang pag-uwi ni Cheska.

“Pa, hayaan po muna natin siguro si Cheska,” marahan kung sabi sa kanya. Tila ako pa ang maiiyak sa nakikita kung sitwasyon niya. “Baka kailangan niya po munang mapag-isa at oras sa sarili niya para makapag-isip.”

Nag-angat siya ng tingin sa’kin at mapait akong nginitian.

“Okay,” dahan-dahan niya akong tinanguan.

My Personal YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon