Chapter 46

110 7 0
                                    

Chapter 46

Paano…?

‘Yan ang unang tanong na pumasok sa isip ko. Kung paano nangyari na Ama ko si Mr. Fernandez? At paano ring naging anak niya ako? I mean. Imposibleng mangyari ‘yun, diba?

Kasi… maraming posibleng maging dahilan.

Ang layo ng lugar namin sa Manila. Unless, si mama ay nagpunta sa Manila para doon magtrabaho. Ay, oo nga pala nabanggit sa’kin ni Lola Teri noon na halos isang taon rin silang nanirahan sa Manila bago sila muling bumalik dito sa probinsiya at permanente ng nanirahan.

Kung gano’n nagkakilala ba sila ni Mr. Fernandez at ni mama ko ng mga panahong nandito sila sa Manila? Sa kumpanya ba ni Mr. Fernandez nagtrabaho si mama? Pero… may asawa na si Mr. Fernandez noon…

Kumalma na kaming pareho galing sa pag-iyak. Lumayo muna si Zach sa’min saglit para bigyan kaming dalawa ng privacy para makapag-usap. Nang nilingon ko naman kung nasaan siya, nakita ko naman na nakadikit ang cellphone niya sa kanyang taenga at may kausap dito.

“Alisha, anak,” binalik kung muli ang tingin ko kay Mr. Fernandez nang tinawag niya ang pangalan ko, nanghihingi ng atensyon.

Napangiwi pa ako dahil naiilang pa ako sa pagtawag niya sa’kin na “Anak” hindi ako sanay.  Umayos ako sa pagkakaupo at tumikhim.

“Paano po kayo nagkakilala ni mama?” tanong ko, nilingon siya.

“Your mom is my secretary,” panimula na sabi ni Mr. Fernandez sa tabi ko.

Parang nabasa niya ang mga tanong na bumabagabag sa utak ko kani-kanina lang kaya isa-isa niya itong sinagot.

“She applied to my company first as front desk. I see her full efforts to her job, so I decided to choose her as my new secretary. Sakto rin noon na nagresign ‘yun dating kung secretary. To make a story short, I fell in love with your mom. It’s just happened. She’s kind, always smiling, friendly, caring. Naging malapit kami sa isat-isa but I know she limit herself because she knew that I already married and have a family. My wife didn’t know that, I think it’s better if she didn’t know this because I told to myself na mawawala rin itong nararamdaman ko. But, I just thought of that because it didn’t happened, mas lalo lang lumala ang nararamdaman ko sa mama mo.

One day, we have a business trip ilang araw rin kami roon. After a successful deal with my investor, we celebrate, we got drunk and it happened. We just realized it after we woke up in the morning sleeping in one bed and had no clothes on. After what happened to us, she became aloof to me, iniiwasan niya na ako and I felt bad at that she even resigned to my company. She said it was a mistake may asawa’t anak na ako. Nagmamakaawa siya sa’kin na tigilan ko na siya, hayaan na siya at wag ng guluhin pa pero hindi ko sinunod ang gusto niya, until my wife found out about my relationship with your mom.

Nangyari na nga ang kinakatakutan ko. Nagalit siya sa’kin, we fight and while we’re fighting she suddenly lost her consciousness. I rushed her to the hospital, akala ko normal lang na nawalan siya ng malay dahil sa pag-aaway namin. But, I found out that she has a leukemia malala na daw sabi ng doktor. Hindi ko alam ‘yun, hindi niya rin sinabi sa akin ang tungkol sa sakit niya. I lost your mom. Sobra ang pagsisisi ko lalo na ng mawala ang asawa ko. My daughter never talked to me, she’s mad at me. Matagal niya rin akong hindi kinausap, I understand that, bata pa siya noon at nawala na agad sa kanya ang mommy niya.

Pinuntahan ko ang bahay niyo noon pero ang sabi ng kapit-bahay ay wala na sila roon. Nagpunta ako roon para mag-sorry, kumustahin siya at humingi ng tawad sa kanya. Minsan bumabalik muli Ako roon nagbabakasaling makita ko siya muli, pero wala hindi ko na siya nakita. Ako ang punot dulo ng lahat ng nanyari sa buhay ko, sa buhay namin at pinagsisisihan ko ang lahat ng ‘yun.”

My Personal YayaWhere stories live. Discover now