Chapter 34

118 10 0
                                    

Chapter 34

“Ali, okay kalang? Kanina ka pa tahimik d’yan ah?”

Tama ba ang pagkakarinig ko? May gusto ba siya sa’kin? Hindi niya naman direkta na sinabi, eh, pero…. Hays! Zach. Ano ba 'tong pakulo mo? Sana hindi tama ang naiisip ko, ayaw ko na magkagulo kami ni Cheska.

Wala ako sa sarili habang naglalakad na kami palabas ng Mall na pinuntahan namin, ang sunod na distinasyon namin ay sa restu na nila Robin ang punta namin. Hindi na kami kumain dito, dahil napagkasunduan na nga na sa restaurant na pinagtatrabauhan ni Robin kami kakain.

Napatingin ako kay Robin ng inakbayan niya ako. “Tahimik mo?” pinisil niya ang pisngi ko.

“Hmm,” reklamo ko.

Pumasok na sila Ruby sa sasakyan ni Leo, kasama doon ay si Aira at Lea, habang ako naman ay sa motor ni Robin sasakyan, dahil hindi na kasya sa sasakyan ni Leo.

Mabilis lang ang naging byahe, ilang minuto lang siguro, ay nakarating na kami sa restaurant na pinagtatrabauhan ni Robin. Tinigil niya ang makina, agad naman akong bumaba at tiningnan ang entrance ng restaurant.

“Wow ang ganda naman dito.” Rinig kung manghang sabi ng mga kasama ko.

Naglakad kami papasok at lalo kaming namangha, pinalibot ko ang tingin ko sa lugar, para kang nasa ibang bansa base sa theme ng restaurant nila. Tingin ko ay para kang nasa isang western country—city. Napaka-comfortable ng lugar, may indoor at kung ayaw mo naman ay pwede ka sa outdoor, pero nandoon ka parin sa loob ng restaurant wala ngalang bubong at malaya mong masisilayan ang kalangitan at mga bituin sa gabi.

Pasok rin siya na tambayan ng mga magkakatropa. Ang ganda ‘yung lang ang masasabi ko.

Outdoor ang napili namin, sakto at maganda ang araw ngayon at maraming bituin sa kalangitan. Nagulat pa kami na hindi lang isa ang sineserve nila ditong pagkain, dahil mamimila ka kung saan mo gustong cuisine. May roon silang, Italian, Mexican, Korean, of course hindi mawawala ang filipino cuisine.

Ang napili namin ay Italian cuisine. Wala naman akong masyadong alam sa Italian food kundi, pizza at lasagna, kaya lasagna nalang ang inorder ko.

“Robin ang ganda pala dito hindi mo sinasabi, kung alam ko lang nama’y ganto palang restaurant na nag-eexist eh, ‘di sana araw araw ako nandito.” Sabi ni Aira habang nginunguya ang kinakain niya.

Pinitik ni Leo ang nuo niya. “Kaya nga eh, hindi na ako magugulat, ang lakas mo pa naman kumain.”

Itong dalawang ‘to. Nangingiti akong umiling at tumingin kay Robin na katabi ko, nagkibit-balikat lang siya sa’kin at sinubukan ako ng hindi pamilyar na pagkain sa’kin.

“Asuss! Sigurado ba kayong magkaibigan lang kayo? Eh kung umasta itong si Robin sa’yo, Ali, eh parang boyfriend mo. ‘tsaka tingin sa inyo ng ilang kaklase natin ay magjowa.” Sabi ni Aira na tinanguan nilang tatlo at nakisama pa sa kanila si Ruby.

Nginiwian ko sila. “Hayaan niyo sila kung ano ang gusto nilang isipan, basta sinabi ko na sa inyo na magkaibigan lang kami nito ni Robin. Wag nyong bigyan ng malisiya ‘yun, dahil wala lang ‘yun sa’min.” Seryuso ko itong sinabi sa kanila.

Natahimik sila roon, tumawa si Robin. “Wag niyo na kasing kulitin, seryuso na siya sunod n’yan galit na ‘yan.” Natatawang sabi ni Robin naiiling. “Kumain nalang tayo.”

“Oo nga… kasi kayo eh…” awkward na sabi ni Lea.

Nagpatuloy kami sa pagkain, naiba ang topic at puro tawanan na ang naganap dahil sa mga sinasabi at biro ni Leo na sinabayan pa ni Robin na isa ring may pagkaloko. Pagkatapos naming kumain ay lumipat kami sa may bandang likod ng restaurant, dahil gusto daw uminom ni Aira saktong may mini bar dito, sumang-ayon rin ang mga kasama ko, kaya lumipat kami ng pwesto.

My Personal YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon