Chapter 16

153 20 0
                                    

Chapter 16

“Oh my gosh! Oh my gosh!”

Patiling sabi ni Kary. Ang magkabilang kamay niya ay nasa magkabilang pisngi niya at bahagya niya iyong idiniin kaya nagkorteng oblong ang labi niya.

“Kary! Huminahon ka nga,”

“Kary, hinaan mo nga ‘yan boses mo!”

Sabay na saway namin sa kanya ni ate Risa.

Nandito kami ngayon sa silid ko. Nagkukwentuhan ng kung ano ano nagpapaantok lang ba, dahil hindi pa kami makatulog. Dito rin kasi naisipan ng dalawa matulog.

Hanggang sa kalagitnaan ng kwentuhan namin ay sinabi ko na nga sa kanila na nakita ko kaninang umaga si ‘beautiful dimple guy’ at itong si Kary naman ay pumalahaw agad ng kilig at pagka-OA ng reaksyon, kahit hindi ko pa naman nauumpisan ang pagkukwento.

“Oh my gosh, totoo?” hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Kary sa akin, naniniguro.

“Oo nga,” natatawa akong umirap sa kanya.

“Naku, Ali. Marami ka talagang ikukwento sa amin. Aba simulan muna baka abutin pa tayo ng umagahan dito.” Pinagkross niya ang mga braso niya sa harap ng dibdib niya at tinaasan ako ng kilay. “Pero, unahin mo muna 'yun kay beautiful dimple guy.” Kinikilig na aniya niya.

Umayos silang dalawa ng upo sa harapan ko at nakangiting nag aabang sa mga ikukwento ko sa kanila. Tch! 

Tumikhim ako at tingnan muna sila bago nagsimulang magkwento. “Pagkatapos kong maghatid ng gamot sa’yo ay dumeristyo na agad kami sa university ni sir Zach,” panimula ko maagap naman silang nakikinig kaya pinagpatuloy ko ang pagkukwento.

Sinabi ko sa kanilang bago ko makita si ‘beautiful dimple guy' at naki usap muna ako sa manong guard na kung pwede ay pakibigay ang gamot na dala ko kay sir Zach. Pero ang nakuha kong sagot sa manong guard ay bilin ng tatay sa kanyang anak na babae kaya natawa silang dalawa. Sinabi ko rin na napagkamalan pa nga ako ni manong guard na girlfriend ni sir Zach. Kaya tinukso nila ako kay sir Zach lalo na si Kary kung hindi pa nga siya inawat ni ate Risa hindi pa siya titigil kaya natawa ako at pinagpatuloy ang kwento ko.

Nang may marinig kaming nagsalita ni manong guard ay natigil siya sa pagsasalita. No’ng una sabi ko sa kanila na parang narinig ko na ‘yun boses niya pero hindi ko lang alam kung nasaan pero ng makita at makilala ko na yung taong nagsalita ay natulala na ako sa kanya.

Nakakahiya man dahil makailang ulit na niya akong tinatanong kung bakit at ano ang ginagawa ko roon dahil hindi naman daw ako mukhang estudyante roon. No’ng una ay hindi niya ako nakilala pero makalaunan ay nakilala niya rin ako. Ngumiti siya sa akin ng makilala niya ako na dahilan ng pagsilay ko na naman sa dimple niya.

Nang matauhan galing sa pagkatulala ay agad ko rin iniwas ang mukha kong namumula sa kanya. Nang magtanong lang siya ulit ay tsaka ko lang binalik ang tingin ko sa kanya. Sinabi kong ipakikiusapan ko si manong guard na baka pwedeng pakibigay yung gamot kay Zachary Torres.

Nakita ko ang gulat na bumalatay sa mukha niya ng sabihin ko iyon. Pero saglit ko lang iyon nakita; umayos siya ng tayo at tumikhim bago nagtanong ulit kung para saan yun gamot. Sinabi kong para ito sa lagnat ni sir Zach dahil medyo mainit pa siya ng umalis siya sa bahay at nakalimutan kong ibigay sa kanya bago siya umalis.

Tumango naman siya ng maintidihan niya at nagulat ako ng sabihin niyang siya na lang daw ang magbibigay ng gamot kay sir Zach. Nagdalawang isip pa ako kung ibibigay ko ba sa kanya o si manong guard na lang pero napagdesisyunan ko na dito na lang kay ‘beautiful dimple guy' dahil mukhang estudyante rin siya dito dahil parehas sila ni sir Zach ng uniporme. Nang maibigay ko sa kanya ay ibinilin ko pa sa kanya na sabihin kay sir Zach na dalawang beses niya dapat unimin yun gamot pananghalian at breaktime. Sinabi kong apat na oras dapat ang pagitan bago ulit niya ang gamot.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now