Chapter 13

151 18 0
                                    

Chapter 13

“Good morning, Sir Zach.”

Pagpasok ko sa kwarto ni sir Zach kinabukasan nabungaran ko siyang nakaupo sa kama niya, ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa kanyang ulo. Pinipiga ito ng marahan. Tsk! ‘yan na nga ba sinasabi ko, eh. Iinom inom tapos kinabukasan magrereklamo na masakit ang ulo, eh sila rin naman ang may kagagawan n’yon.

“I fucking hate this hangover!”

Tumikhim ako at inilagay ang tray na may lamang agahan ni sir Zach sa bedside table niya. Tumingin ako kay sir Zach at napabungtong hininga na lang ako ng makitang ganon pa rin siya sa ginagawa niya.

“Sir, ito na po yun breakfast mo may gamot na rin po akong inilagay riyan pampawala ng sakit ng ulo niyo.”

Tsaka ako tumalikod para umalis na doon ngunit natigilan ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko.  “Wait….” Binitiwan niya rin naman agad ang palapulsuhan ko ng humarap ako sa kanya.

“How did I end up here?” tanong niya ang kanang kamay niya ay nakatukod sa hita niya habang ang kanyang ulo ay nakapatong doon, nakatingin sa akin.

“Ahm, inalalayan kitang maglakad patungo rito sa kwarto mo.”

Kumunot ang noo niya “How? I mean. What time I went home last night?”

“Quarter to one po."

“And you still awake at that?”

Tumango ako “Yes, sir. Hindi kasi ako makatulog kaya nagbasa muna ako ng libro. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa marinig ko ang tunog ng kotse mo don ko lang nalaman kung anong oras na. Lumabas ako para pagbukasan ka ng pinto at ng makita kong pagewang wegang kang maglakad ay tinulungan na kita.” Paliwanag  ko sa kanya.

Medyo sumakit nga ang braso ko ng dahil doon gusto kung irugtong iyon pero na isip ko ring wag na baka ano pang sabihin niya.

“Sige na sir Zach, kumain kana ng mainom muna yun gamot para kahit papaano mawala ‘yang sakit ng ulo mo. Babalikan ko na lang mamaya yun tray pagtapos ka nang kumain.”

Kinuha ko ang tray na may lamang agahan niya at nilipat mo 'yon sa kama niya. Pagkatapos tumango ako ng bahagya sa kanya tsaka ko kinuha ang labahin niyang mga damit bago ako umalis na roon sa kwarto niya ng tuluyan.

Tinungo ko ang likod bahay nila at ibinigay kay manang Koring at Sonya ang labahin. Si manang Lita kasi ay umalis na at umuwi na ng probinsya ng  kamakaylanlang.

Nang madaan ko si Kary sa may garden na nagtri-trim ng halaman ay ngumisi siya ng makahulugan sa akin. Kasama niya roon si Rey na tinutulungan din siya huminto ako at nilapitan sila roon.

Sumimanot ako sa kanya “Tigilan mo ako Kary ang aga aga!” may inis na sabi ko sa kanya.

Tumawa siya kaya napatingin sa kanya si Rey ng nakakunot ang noo “Bakit ka tumatawa d’yan?”

Tumigil siya sa pagtawa sabay sumimangot ang mukhang pinagpatuloy ang ginagawa. “Wala!” sabay may asik niyang sagot dito.

“Tss, aga aga ang init na ng ulo mo.”

“Wala kang pake.”

Napailing ako itong dalawang ‘to talaga hindi ko pa nakitang hindi nag away kahit isang beses magmula ng magtungo ako sa bahay na ito.

“Magtigil nga kayong dalawa d’yan. Ayusin niyo na lang ang ginagawa niyo, Kary oh!” turo ko sa hindi pantay sa pagtrim niya.

“Yes! Ma’am. Alisha” mapang asar niyang sabi sa akin

“Kita mo ‘yan pag ikaw sa akin lagi kang galit pero sa iba ang bait bait mo.” May inis na sabi ni Rey kay Kary.

“Manahimik ka d’yan! Tsk!”

My Personal YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon