chapter 4

38.2K 925 142
                                    

Mecaela

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mata ay nakikita ko pa ang kahalayan na nasaksihan ko kagabi. Hindi na rin ako muling lumabas dahil baka ano pang eksena ang maabutan ko sa sala kaya ngayon ay parang  naglakbay ako sa disyerto sa pagkauhaw. Pasado alas singko na rin ako nagising kaya hinanda ko na ang mga lulutuin ko sa almusal. Umuwi na kaya yung babaeng kasama nya kagabi? O nasa kwarto pa nya?

Nagkibit balikat na lang ako at nagtimpla muna ng kape na may gatas..

"Morning."

Napaigtad ako mula sa pagpupunas ng counter ng marinig ang boses ni Sir Austin. Nilingon ko sya na dumiretso ng ref at kumuha ng tubig. Bagong gising ito at t-shirt na puti at jagger lang ang suot. Naipilig ko ang ulo ng akmang bubuhos na naman sa alaala ko ang nangyari kagabi. 

"Morning din po Sir Austin. Nakahanda na po ang almusal nyo."

Tumango tango naman sya habang tumutungga. Pinagpatuloy ko naman ang pagpupunas.

"Sumabay ka na sa akin kumain." Pinal na sabi nya at tumalikod na para dumulog sa hapag kainan. Eh? Yung babaeng kasama nya? Hindi nya aayain? O baka naman maagang umalis.

Itinabi ko ang basahan at sumunod na rin sa hapag.

Kanina pa ako naiilang sa pagsulyap sulyap nya habang kumakain kami. Para bang may gusto syang sabihin. Naku! Baka papagalitan nya ako dahil baka akala nya naninilip ako sa kanila kagabi!

"Mika."

"S-Sir?"

Bumuntong hininga sya habang nakatingin sa akin.

"About last night.."

"S-Sorry po Sir Austin! Hindi ko po sinasadya makita ko kayo kagabi. Nauuhaw po kasi ako kaya lumabas ako hindi ko naman po akalain na makikita kong subo subo nung babaeng kasama nyo yung ano nyo yung ano.. yung.. "

"Yung?"

"Yung ano po, yung ano nyo.." Hindi ko alam kung paano ko sasabibin yung malaking bagay na nasa gitna nya.

Napatingin ako sa kanyang mukha kung saan bakas ang pagkaaliw sa kanyang mga mata habang may pilyong ngiti sa labi. Bigla namang naginit ang pisngi ko at nagbaba ng tingin. Narinig ko naman ang pagtawa nya.

"Actually ako dapat ang humingi ng sorry sa'yo. Naiskandalo ka pa. Lasing lang ako kagabi, medyo wala sa isip ko ang ginagawa ko." Hinging paumanhin nya. 

"Ayos na po yun sir, siguro ano na lang.. sa susunod sa kwarto nyo na lang po gawin yung ganon." Nakayukong sabi ko.

Muli na naman syang tumawa na ikina angat ko ng tingin sa kanya. "Opo." Sabi nya sabay ngisi.

Muli naman akong napayuko sabay kagat labi. Baka sabihin pa nya atribida ako. Ano nga naman pakialam ko kung makipaglampungan sya sa lahat ng parte ng bahay na ito eh bahay nya ito.

"Durog na yung hotdog." Aniya. Tumingin naman ako sa kanya. Nginuso nya ang plato ko kung saan durog durog na nga ang pobreng hotdog dahil hiniwa hiwa ko ito ng kutsara.

"Sorry po." Nahihiyang sabi ko.

Nagkibit balikat naman sya at tinuloy ang pagkain pero naroon pa rin ang pagkaaliw sa kanyang mata.

"Hindi po ba natin aayain kumain yung babaeng kasama nyo kagabi?" Tanong ko.

"Umuwi na sya."

"Ang aga naman po nyang umuwi, hindi ko sya naabutan."

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon