chapter 10

41.6K 837 56
                                    

Austin

"Next week pwede na nating tingnan ang lugar para maumpisahan na ang ground breaking. Na kay engineer Sanchez na rin ang blueprint." Ani Lex.

Pero parang hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi nya dahil naglalakbay ang isip ko sa bahay. Partikular sa isang tao. Hindi pa rin ako makapaniwala na nahalikan ko sya kanina. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nasa alapaap. Ramdan ko pa rin ang malambot nyang labi. Pati na rin ang malambot at mabango nyang katawan.

Bumuntong hininga ako at wala sa sariling nilaro laro ng daliri ang labi habang binabalik balikan sa isip ang matamis na halik na aming pinagsaluhan kanina.

"Austin hey!"

Napaigtad ako ng tuktukin ni Lex ang mahogany table ko.

"Ha?" Napakurap kurap ako.

Sya namang buntong hininga nya at sumandal sa upuan habang kinakamot ang sentido ng hawak na ballpen.

"You are not quite yourself today." Anang nya habang matiim na nakatingin sa akin.

Kumamot naman ako ng ulo at umayos ng upo. "Sorry, may iniisip lang ako."

Ngumisi naman sya. "At ano naman yun? Babae?"

Kunot noong tiningnan ko sya. "Pa'no mo nalaman?"

"Tss!" Binato nya ako ng hawak na ballpen. "Yung mukha ko kanina, pangmanyak." Aniya at mas lumawak pa ang ngisi.

Ganun ba ako ka obvious?

"Gago, anong tingin mo sakin manyakis?" Bakit hindi ba? Minukbang mo na nga kanina ang kasambahay mo eh! Napamura ako sa sinagot ng bahagi ng aking isip.

Tumawa naman ang kaibigan ko. "O ano, sinagot ka ba ng konsensya mo."

Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Kung magsalita ka parang hindi ka manyakis ah! Oo nga pala, isa ka lang dakilang kantutero." Ani ko sabay ngisi.

Sya naman ang nagmura at tinadyakan ang mesa ko na ikinatawa ko lang.

Kung babaero ako mas lamang naman ng isang tabo ito. Kabi kabilaan ang babae nya at minsan pinagsasabay pa. Mas lumala pa ang pagiging babaero nya ng mag asawang muli ang papa nya at dun pinatira sa bahay nila ang stepmom nya kasama ang anak nito na lihim nyang pinagnanasaan. Ang loko, umamin nung minsang malasing. Nakita ko na ang step-sister nya. Maganda ito at mukha talagang manika. Kaya itong kaibigan ko nauulol.

Tumayo na sya at niligpit ang folder. Nakangisi lang na pinanood ko sya. Kinunutan lang nya ako ng noo.

"Kita na lang tayo sa bahay ni Pierre sa Sabado. At kung pwede ayusin mo yang mukha mo. Baka akalain ng mga empleyado mo nawawala ka na sa sarili." Aniya bago tumalikod bitbit ang folder at lumabas ng opisina ko.

Natatawang umiling iling na lang ako. Kapag nagagawi na kasi ang usapan sa kanya mabilis itong tumatalilis.

Humugot ako ng malalim na hininga at umayos ng upo. Sinilip ko muna ang oras sa wrist watch ko. Mag a-alas dos pa lang ng hapon. Parang ang tagal umikot ng oras. Gusto ko ng umuwi dahil namimiss ko na si Mecaela.

Ipinilig ko ang ulo at pilit pinalis ang mukha ng magandang kasambahay sa aking isip. Dahil kung patuloy ko syang iisipin buong araw ay wala akong trabahong matatapos. Inabot ko ang folder na naiwan at binuklat ito para pagaralan..

Mecaela

"Nay, kamusta na ho kayo dyan?" Tanong ko sa kabilang linya. Nakaipit ang de keypad kong cellphone sa aking tenga at balikat habang nagpupunas ako ng mga pinggan.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon