chapter 11

41.8K 815 29
                                    


Rated SPG 🔞

Mecaela

Bumangon ako at nanlalaki ang matang tiningnan sya. Nakasuot sya ng jagger na grey at sandong puti na hakab na hakab sa kanyang katawan. Napalunok ako ng makita ang kanyang namumutok na mga muscles sa braso.

"A-Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko sir Austin?" Nauutal na tanong ko.

Hindi na rin ako magtatanong kung pa'no sya nakapasok sa kwarto ko kahit naka lock ito. Malamang ginamit nya ang susi. Bahay nya ito eh. Pero kahit na! Hindi sya dapat pasok ng pasok sa kwarto ng may kwarto.

"Dito ako matutulog." Aniya na parang normal lang na dito sya sa kwarto ko matutulog. Inayos pa nya ang dala nyang unan at prenteng humilata. Inilagay pa nya sa ilalim ng ulo nya ang dalawang braso. Lalo tuloy namutok ang mga muscles nya. Nakita ko rin ang kilikili nyang may buhok. Hindi naman kakapalan dahil mukhang tini-trim nya.

Tumikhim ako ng makitang nakangisi sya at nakatingin sa may bandang dibdib ko. Saka ko lang na-realize na wala akong suot na bra. Agad kong pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

"H-Hindi pwede! Dun ka na sa kwarto mo."

"Ayoko! Malungkot dun sa kwarto ko kaya dito na lang ako."

"Hindi nga pwede! Baka nakakalimutan mo, amo kita at kasambahay mo ko." Mariing sabi ko.

Saglit naman syang natigilan sa sinabi ko. Pero kalaunan ay ngumisi din. "Wala akong pakialam basta dito ako matutulog. At saka teka nga, kanina mo pa ko sinusungitan ah." Kumunot noo sya.

"Hindi sa ganun. Nilulugar ko lang po ang sarili ko sir Austin. Hindi kayo pwedeng matulog dito." Pormal na sabi ko.

Nginisihan nya lang ako sabay hablot ng kamay ko at hinila ako. Padapa tuloy akong napadagan sa kanya. Nanlalaki ang matang akmang babangon ako pero pinulupot lang nya ang mga malalaki nyang braso sa aking katawan. Nagmistula tuloy akong preso sa kanyang bisig.

"S-Sir Austin! Pakawalan mo ko!" Protesta ko at pilit nagpupumiglas pero wala ring nangyayari dahil parang bakal ang mga braso nya.

Tumawa lang sya at hinalik halikan ang tuktok ng ulo ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa ginagawa nya. Kumagat labi ako. Hoy Mecaela! Wag kang agad bibigay!

Napasinghap ako ng bumaliktad sya at ako na ang nasa ilalim. Nakadagan na sya sa ibabaw ko. Pakiramdam ko mapipipi ako sa laki nya. Mabuti na lang ay malambot ang kama kaya kahit mabigat sya ay hindi ko gaanong iniinda. Naginit ang mukha ko at parang dumoble pa ang kalabog ng aking dibdib dahil sa posisyon namin.

Napalunok ako ng halos gahibla na lang layo ng mukha namin. Langhap na langhap ko ang mabango nyang hininga. Mapungay ang kanyang mga matang iginala sa buong mukha ko. At walang ano ano'y siniil nya ako ng makapugtong hiningang halik. Malikot ang mga labi nyang humahalik sa akin. Napadaing ako ng bahagya nyang kagatin ang labi ko dahilan para maibuka ko ang aking bibig. Agad naman nyang pinasok ang kanyang dila sa aking bibig at ginalugad. Napahawak ako sa kanyang balikat dahil sa intensidad ng kanyang halik. Tinugon ko na rin ang kanyang mapusok na halik. Tunog na lang ng magkahugpong naming labi ang maririnig sa loob ng kwarto ko.

Napadaing ako ng bumaba ang kanyang labi sa aking leeg at doon ako sinabsib ng halik. Kinagat kagat pa nya ito saka pinaraanan ng dila.

"Ngh sir Austin.." Daing ko ng dumako ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking dibdib at marahang pumisil. Dama ko ang init ng palad nya kahit pa nahaharangan ng manipis na tela.

Umakyat muli ang kanyang halik sa aking labi na akin namang tinugon. Nakakadarang ang bawat halik nya na sinasabayan pa nya ng paghaplos sa aking katawan. Ayaw na ring gumana ng utak ko kung tama ba o mali ang magpaubaya ako sa kanya.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now