chapter 36

31.2K 730 63
                                    

Mecaela

Sa matulin na paglipas ng araw ay nararamdaman ko na ang sinasabi nilang pregnancy hormones. Paiba iba ang mood ko, mabilis akong mainis at nagiging mababaw din ang luha ko. Paiba iba din ang gusto kong kainin. Yung mga hindi ko naman dati kinakain ay sarap na sarap akong kainin ngayon. Ang sabi naman ni doctora ay normal lang daw yun sa buntis. 

Noong nakaraang Sabado ay umuwi kami ng Isabela sakay ang helicopter na ginamit nila mamita nang magpunta ng Isabela para mamanhikan. Kasama namin ang dalawang wedding planner na kinuha nya. Tatlong beses na akong nakasakay ng helicopter at mabilis lang ang byahe. Nakakalula at medyo nakakahilo pero mabuti na lang ay hindi ako nasuka.

Maraming pinag usapan tungkol sa kasal namin at tiningnan na rin ang magiging venue ng kasal pati ang simbahan. Mas mukhang excited pa nga si Austin sa kasal namin. Ako naman medyo lang,  kahit simpleng kasal lang ayos na sa akin. Bilang  lang naman ang inimbitahan ko. Yung mga kaibigan kong malalapit sa akin. Sila ate Nely, ate Pepay, ate Cecil at Jio. Pati na rin ang ilang mga kaklase ko na naging malapit na rin sa akin. Umangal pa nga si Austin ng makitang kasama si Jio sa invitation list ko. Pero wala naman syang nagawa ng samaan ko sya ng tingin.

Nalaman ko rin na binigyan din pala nya ng ATM card sila tatay bago kami umalis noon para bumalik ng may Maynila. Ayaw pa nga tanggapin nila tatay at nanay kaya ang tumanggap ang walang hiya kong kapatid. Mukhang close na close na nga sila ni Austin dahil makapal na ang mukhang mag-request ng kung ano ano. Panay naman ang oo ng isa at inimbitahan pa ang kapatid ko na magbakasyon sa Maynila. Inaya din nya sila tatay at nanay pero pagiisipan daw muna nila dahil walang maiiwan sa bahay namin. 

Napahikab ako at pinunasan ang nagluluhang mata. Nakaramdam na ako ng antok mula sa panonood sa malaking flat screen tv na nakasabit sa dingding ng kwarto ko, kwarto namin dahil dito na sya natutulog at halos lahat ng gamit nya ay narito na rin. Inaya nya akong sa kwarto na lang nya matulog sa taas dahil mas malaki nga naman ang kwarto nya at malaki ang kama. Pero hindi ako pumayag. Ano ako bale? Kung sino sino nang babae ang dinala nya dun eh.

Parang bigla akong nainis ng maalala ang mga babaeng dinala nya dito sa bahay nya. Naiinis na nilingon ko sya habang nakaunan ako sa braso nya. Aba, tulog na ah. Pagod yan?

Bumangon ako at pinagmasdan sya. Bahagya pa syang nakanganga at malalim na ang paghinga. Mukhang pagod na pagod nga. Alas nuebe pa lang ng gabi nakatulog na sya agad. Sobrang busy nya kase lately. Bukod sa kumpanya nila ay busy din sya sa pag aasikaso ng kasal namin. Tapos minsan iniistorbo ko sya kapag may gusto akong kainin ay pinabibili ko sa kanya. Wala naman syang reklamo kahit pa minsan sinusungitan ko sya. Ewan ko, sa kanya lang ako talaga masungit. Sabi ni mamita pinaglilihian ko daw sya.

Inabot ko ang remote at pinatay na lang ang tv. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya at maigi syang pinagmamasdan. Ang gwapo talaga ng kapreng to. Sana kung lalaki ang anak ko ay kamukha nya pero wag lang sanang manahin ang ugali nyang pagiging palikero. 

Hmp! Ang tangos tangos ng ilong, ang sarap kagatin! Pinasadahan ko pa ang kabuuan nya ng tingin. Nakasandong puti lang sya na hapit sa bato bato nyang katawan at gray na jagger ang pang ibaba. Dahan dahan kong tinaas ang sando nyang puti at tinitingnan ang mukha nya at baka biglang magising sabihin pa nyang pinagsasamantahahan ko sya.

Napakagat labi ako ng masilayan ko ang abs nyang parang pandesal na magkakadikit. May mga mumunting balahibo pa ito. Dinutdot ko ito ng daliri isa isa. Ang titigas!

Bumaba pa ang mata ko sa ibaba nya. Napalunok ako ng makita ang bukol nya. Kahit hindi sya arouse ay talagang malaki na ang bukol nya. Ipinilig ko ang ulo at kinuyom ang kamay para pigilan ang sarili na daklutin ito. Nahahawa na ako sa kanya sa pagiging mahalay!

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon