chapter 31

35.1K 764 26
                                    

Mecaela

Pasado alas syete na nang umaga ng magising ako. Medyo napahimbing ang tulog ko. 

May ngiti sa labi na bumangon ako at naginat inat. Niligpit ko muna ang higaan ko bago bumaba. Malinis na ang sala at wala nang bakas na may natulog kagabi. Wala na rin akong nakitang tao pero may ingay akong naririnig sa kusina. Malamang ay si nanay. Si tatay naman ay siguradong nasa labas na at nagpapaaraw o nagpapatuka ng manok. Si Maggie naman ay siguradong tulog pa, mamaya pa ang pasok nya sa eskwela. Si Austin kaya?

Pumasok ako ng kusina at naabutan nga si nanay na naghihiwa ng hilaw na langka. "O gising ka na pala anak."

"Magandang umaga po nay." Bati ko sa kanya.

Dumiretso ako ng lababo at nagmumog at naghilamos na rin.

"Sya nga pala, inumin mo na tong gatas mo bago pa tuluyang lumamig. May almusal ka na rin dyan." Sabi ni nanay.

Dumulog naman ako sa hapag kainan kung saan mayroong isang baso ng gatas na may takip at dalawang platong may takip din.

"Nag almusal na po kayo nay?"

"Oo kanina pa, ikaw na lang at si Maggie. Eh alam mo naman yung kapatid mo, mamaya pa yun gigising."

"Eh.. si Austin po nay?"

"Hayun, isinama ng tatay mo sa bukid."

Tumango tango na lang ako. May maliit kasi kaming bukirin na may iba't ibang pananim. Malamang ay may inuutos na naman si tatay sa kanya.

Tinanggal ko ang takip sa baso at ininom ang gatas. Mainit init pa naman. Sunod kong tinanggal ang takip sa mga plato. Bahagya pa akong nagtaka dahil bukod sa sinangag ay hotdog, tocino at itlog ang kasama, hindi tuyo at itlog na maalat na may kamatis na karaniwan naming almusal sa umaga.

"Si Austin ang bumili nyan, sumama sya sa akin sa palengke kanina. Naghahanap pa nga ng bacon, sarado pa naman ang ibang tindahan kaya tocino na lang ang binili.  Binilhan ka na rin nya ng gatas. Sya ang nagprepara nyan bago sumama sa tatay mo sa bukid." Ani nanay habang nangingiti.

Naginit naman ang pisngi ko at parang may kumikiliti sa puso ko dahil sa sinabi ni nanay. Hindi naman bago sa akin ang pagiging maasikaso sa akin ni Austin. Kahit naman sa bahay nya sa Manila ay maasikaso din sya sa akin lalo na pag wala syang pasok. Bigla ko tuloy na miss ang bahay nya.

"Mabait din naman pala ang nobyo mo. Sa nakikita namin ng tatay mo mukhang seryoso naman talaga sya sa'yo. At hindi pa sya maarte. Nakakatuwang bata." Nakangiting wika ni nanay. "At nakikita rin namin na mahal mo sya anak."

Ngumiti ako sa huling sinabi ni nanay bago sumubo ng sinangag na may tocino. Hindi ko naman itatanggi yun na mahal ko sya.

"Kung ano man ang desisyon mo suportado ka namin ng tatay mo." Dagdag pa ni nanay.

"Salamat po nay." Nakangiting sabi ko.

"Walang anuman anak, sige kain ng kain para hindi magutom ang apo ko."

Naging magana naman ako sa pagkain. Sarap na sarap ako sa kinakain hindi dahil sa ulam kundi dahil sa nagluto nito.

Naghuhugas ako ng kamay ng may narinig akong nagtitilian sa labas ng bahay.

"Anak, labasin mo nga muna ang binatang kaibigan ng nobyo mo at baka pinagkukulumpulan na iyon ng mga kapitbahay natin sa tindahan."

Kumunot naman ang noo ko at nagpunas ng kamay. "Sige po."

Lumabas ako ng kusina at dumiretso sa labas kung nasaan ang tindahan namin na ginawan ng extension sa labas ng bahay. Nakita kong nakahubad baro si sir Dan habang nakaupo sa kayuran ng niyog at mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa. Habang pinapanood sya ng ilang mga kapitbahay namin na mga dalaga, ang iba ay may mga anak na na kung kiligin akala mo ay mga naiihi.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ