chapter 30

34.6K 781 45
                                    

Mecaela

Halos hindi ako makahinga sa lakas ng kalabog ng dibdib ko. Humigpit pa ang yakap nya sa akin at halos ibaon na ang mukha sa leeg ko. Kumagat labi ako at pumikit para damhin ang init ng yakap nya. Humawak ako sa braso nya at bahagya itong pinisil.

"Please babe.. come back to me. I need you.." Bulong nya sa leeg ko sabay patak ng halik.

Dumilat ako at humugot ng malalim na hininga.

"B-Bakit gising ka pa? Dapat matulog ka na. Puyat ka at pagod. Sigurado bukas marami pang ipapagawa sayo si tatay." Sabi ko at piniling wag sagutin ang sinabi nya.

Nag angat naman sya ng mukha mula sa pagkasubsob at mariing nilapat ang labi sa sentido ko. "Hindi ako makatulog. Iniisip kita. Hindi ako makakatulog hangga't hindi kita nakakausap.. nayayakap ng ganito." Madamdaming sabi nya.

"Naguusap na tayo at nayakap mo na ako, kaya matulog ka na. Masyado ng gabi. Babalik na ko sa kwarto ko." Ani ko at pilit na kumakawala sa yakap nya.

"No, Mika please. Usap muna tayo." Pangungulit nya at hindi ako hinayaang makawala.

Bumuntong hininga ako. Oo nga pala. Sobrang kulit ng kapreng to at siguradong hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto.

"A-Ano bang gusto mong pag usapan natin?" Pilit kong pinatigas ang boses ko.

"About us.."

"Anong about us? Di ba ayaw mo na sa akin dahil buntis na ko? Ayaw mo rin sa pinagbubuntis ko." Sumbat ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha ko. Nanariwa na naman ang sakit sa dibdib ko. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko.

"Hindi totoo yan babe -- oh fuck! This is my fault! I'm sorry. I'm sorry. I'm so sorry. I-I'm really sorry if I made you feel that way baby.."

Kumalas sya sa akin at hinarap ako sa kanya. Kinulong nya ang mukha ko sa kamay nya at maingat na inangat. May lungkot sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang mukha ko. Pinahid ng hinalalaki nya ang luhang lumandas sa pisngi ko.

Napakagat labi ako at tinanggal ang mga kamay nya sa mukha ko at tumalikod. "Sa tingin mo, ganun lang kadali yun? Pagkatapos ng ipinaramdam mo sa akin na parang balewala na ako, sorry mo lang mawawala na ang sakit. Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko nun? Noong nalaman kong buntis ako? Natakot ako. Wala rin naman sa plano ko ang mabuntis. Marami pa akong pangarap para sa pamilya ko. Pero nandun na eh. At umasa ako na matatanggap mo ang pinagbubuntis ko -- "

"Tanggap ko ang pinagbubuntis mo -- "

"Pero hindi yun ang pinaramdam mo sa akin." Humarap ako sa kanya na luhaan ang mukha.

Umangat ang kamay nya at akmang hahawakan ang mukha ko pero mabilis ko yung tinabig. May bumalatay na sakit sa mata nya.

"Ang sakit sakit lang nung sinabi mong wala sa plano mo ang mabuntis ako. P-Pakiramdam ko hindi lang ako ang ni-reject mo pati na rin ang baby sa tiyan ko. P-Pakiramdam ko nun.. wala na akong silbi sayo kase buntis na k-ko.."  Pumipiyok pang sabi ko.

Marahas naman nyang inihilamos ang palad sa mukha. Mabibigat ang hiningang pinapakawalan nya. Namumula na ang kanyang mata at bakas ang pagsisisi sa kanyang mukha. Pinunasan ko namang ang luha sa pisngi ko sabay irap sa kanya.

"I'm sorry babe, nabigla lang ako nun. Hindi ko kasi inaasahan na mabubuntis kita agad agad. Alam ko kasalanan ko. Naging malamig pa ako sa'yo. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko tanggap ang pinagbubuntis mo, ang baby natin. At mas lalong hindi ibig sabihin nun na balewala ka na sa akin.. Alam mo bang halos mabaliw baliw ako pag uwi ko wala ka na sa bahay ko. Hinanap kita sa kung saan saan sa dis oras ng gabi. Alalang alala ako at takot na takot ng sa lahat ng puntahan ko ay hindi kita makita. Pinagmumura pa ako ni mamita kasi nilayasan mo ko. Buti nga daw sa akin dahil tarantado ako. Aminado naman akong tarantado at gago ako eh kasi sinaktan kita. Mabuti na lang natatandaan ko pa ang bahay ng dati mong tinutuluyan, minura mura din ako ng kaibigan mo bago nya binigay sa akin ang eksaktong address mo dito sa Isabela.." Saglit syang tumigil sa pagsasalita ay at mapupungay ang namumula nyang mata na nakatingin sa akin. May sumungaw ng munting luha sa gilid ng kanyang mata. "Babe, kahit pahirapan pa ako ni tatay ayos lang. Tatanggapin ko. Patutunayan ko ang sarili ko sayo. Hihintayin kong mapatawad mo ko. Basta wag mo lang sasabihin na ayaw mo na sa akin kase.. baka tuluyan na akong mabaliw. Mahal na mahal kita Mika.. ikaw at ang magiging baby natin.." Aniya sabay pahid ng luha nyang tumakas sa kanyang pisngi.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now