chapter 39

31.9K 747 30
                                    

Austin

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nadarama ko habang tinutulak ang stretcher na lulan ni Mecaela habang namimilipit na sa sakit. Hawak hawak nya ng mahigpit ang kamay ko na parang doon kumukuha ng lakas.

"Austin! Hindi ko na kaya! Sobrang sakit na! Ahh!" Daing nya kasabay ng pagpisil ng mariin sa kamay ko.

Natataranta naman ako sa daing nya. Parang pinipilipit ang puso ko sa imahe nyang hirap na hirap. Hilam ang mukha nya sa luha at halos magdugo na ang labi sa diin ng kagat.

"Nandito na tayo babe! Kaya mo yan! Para sa baby natin ha! Nandito lang ako." Gumagaralgal ang boses na sabi ko. Pakiramdam ko anumang sandali ay bibigay na rin ako. Nanlalambot na ang mga tuhod ko. 

"Sir dito na lang po kayo. Kami na po ang bahala kay misis." Anang lalaking nurse habang tinutulak papasok sa operating room ang stretcher ni Mecaela.

"Sasama ako." Madiin na sabi ko.

"Hindi po pwede sir. Maiwan na lang po kayo dito." Mahinahong sabi ng isa pang nurse na babe.

"Anong hindi pwede? Kailangan ako ng asawa ko sa loob!" Tungayaw ko at nagpupumilit na makapasok sa loob.

"Sir nga ho pwede. Wag na ho kayong magpumilit." Humarang na ang dalawang lalaking nurse.

"Iho, tama na yan. Magiging ayos si Mikay sa loob. Nandoon na si doctora." Mahinahong sabi ni nanay at hinawakan ako sa braso.

"Pero nay, si Mika.. nahihirapan sya." Pumipiyok na sabi ko. Parang sasabog na mg dibdib ko sa sobrang pag alala sa mag ina ko.

"Ayos nga lang sya. Kakayanin nya yan. Malakas si Mikay." Hinila nya ako sa braso at hinila sa waiting chair.

"Kailangan ako ni Mika sa loob nay."

"At bakit ka naman nya kakailanganin sa loob? Ikaw ba ang magpapaanak sa kanya?" Sabat ni mamita na kararating lang kasama si Ace at ang pinsan kong si Joanna.

"Mamita baka pwedeng pakiusapan mo sila na papasukin ako sa loob." Lumapit ako kay mamita. Baka sakaling matulungan nya ako.

"Heh! Magtigil ka! Ipapahiya mo pa ako eh." Asik lang sa akin ni mamita.

"Putangina naman oh! Yung asawa ko don hirap na hirap na! Baka mamaya kung ano pa ang mangyari sa kanya sa loob wala ako sa tabi nya. Baka mahirapan syang ilabas si baby Adelline kaya papasok ako sa loob at walang makakapigil sa akin!" Inis na sabi ko at nilapitan ang pinto ng operating room at akmang bubuksan ng pigilan ako ni Ace at hinila ako palayo doon.

"Kuya huminahon ka nga!"

"Bitiwan mo ko Ace! Sasamain ka sakin!" Banta ko sa kanya sabay piksi ng braso kong hawak nya.

Pinalo palo naman ako ni mamita sa braso ko. "Magtigil ka ngang bata ka. Baka gusto mong ipa sedate kita sa nurse. Nakakahiya ka! Maupo ka nga dyan!" Tinulak pa nya ako sa upuan.

"Mamita.." Mangiyak ngiyak ng sabi ko. Gustong gusto ko na kasing pumasok sa loob.

"Magtigil ka!" Sikmat ni mamita.

Umupo naman sa tabi ko si nanay at tinapik tapik ako sa balikat. "Huminahon ka lang kasi iho. Hindi makakatulong yang pagkataranta mo."

"O heto couz, uminom ka muna ng tubig ng kumalma ka." Ani Joanna at inabutan ako ng isang bote ng mineral water. Inabot ko naman ito at binuksan sabay inom.

Kumalma naman ang mga kalamanan ko pero ang dibdib ko ay malakas pa rin ang kalabog dahil sa kaba. Hindi rin ako mapakali at panay ang lakad paroon at parito sa harap ng operating room.

"Aba'y umupo ka nga! Nahihilo na kami sayo eh!" Sita ni mamita.

"Bakit ang tagal naman nila sa loob." Angal ko habang titig na titig sa pinto ng operating room. Ngali ngaling buksan ko na ito at pumasok.

Mukhang dininig naman ang sentimyento ko at bumukas ang pinto ng operating room. Lumabas si doctora at nagtanggal ng mask. Humarap sya sa amin.

Agad ko naman syang nilapitan. Nagsitayuan din ang mga kasama ko.

"Doc kamusta po ang asawa ko?" Kinakabahang tanong ko.

Ngumiti ang doctora sa akin. "Congrats mister! Safe na nakapanganak ang misis mo. Ang lusog lusog pa ng baby nyo."

Naluha ako sa sinabi nya at tila umaapaw ang saya sa puso ko. "T-Talaga doc? P-Pwede ko na ba silang makita?" Nae-excite at nauutal kong sabi.

"Inaasikaso na sila ng mga nurse ko at ililipat sa kanyang kwarto, doon nyo na lang sya hintayin. Maiwan ko muna kayo." Nakangiting paalam nya sa amin. Tumango tango lang ako.

"Salamat po doc." Saad nila mamita dahil hindi na ako makapagsalita sa sobrang excitement..

Walang pagsidlan ang saya ko ng makita ko ang baby girl ko sa tabi ni Mecaela na mahimbing sa pagtulog. Pinunasan ko ang luha kong lumandas sa pisngi. Sabik na sabik na akong buhatin sya. Nag angat ako ng tingin ng haplusin ni Mecaela ang pisngi ko. Nakangiti sya sa akin. Mas lalo pa syang gumanda sa paningin ko. Hinawakan ko ang kamay nya at hinalik halikan. Napakasaya ko ngayong araw na ito, kung pwede lang na hindi na ito matapos.

"Thank you babe.. I love you." Anas ko sa kanya at dumukwang para halikan sya sa labi.

"I love you too. Wag ka nang umiyak. Namumula na ang mata mo oh.." Aniya at hinaplos ang gilid ng mata ko.

Nangingiting tumango tango na lang ako sabay punas sa luha ko.

"Ay ang cute! Little Mecaela ang peg." Tuwang tuwang sabi ni Joanna na nakasilip kay baby Adelline.

Tumawa naman kami ni Mecaela. Kamukha nga nya ang baby namin. Nakigulo na rin sa amin sila mamita.

"Ganyan na ganyan ang hitsura ni Mikay noong baby pa." Nangingiting sabi ni inay.

"Buti na lang hindi mo kamukha kuya. Ang sagwang tingnan kung kamukha mo sya. Hindi ko ma-imagine na babae ang unang pamangkin ko tapos kamukha mo. Kinikilabutan ako." Hirit ni Ace. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Nagtago naman sya sa likod ni mamita.

"Tama ka Ace, buti na lang talaga hindi kamukha ng kuya mo." Segunda pa ni mamita na binibeybi talk na si baby Adelline.

Napasimangot na lang ako at pasimpleng pinakyu si Ace na ngingisi ngisi lang. May araw ka rin!

Naging magulo at masaya ang kwarto lalo na ng magising si baby Adelline. Mukhang naingayan na sa amin. Lumukso ang puso ko ng magmulat sya ng mata at tumingin sa akin. Ewan ko kung nakakakita na sya. Pero sobrang saya ko. Hindi na ako nakatiis at hinalikan sya sa pisngi. Agad namang tinulak ni Mecaela ang mukha ko.

"Mag ahit ka muna bago mo bugbugin sa halik si baby. Baka magkarushes ang pisngi nya." Sabi nya.

"Sorry." Nagtiis na lang muna ako sa paghaplos at pagtitig kay baby Adelline.

Hanggang sa nagsipagdatingan na rin ang mga kaibigan ko at binati ako. At hindi rin ako nakaligtas sa mga pang aasar nila na buti na lang hindi ko kamukha si baby Adelline. Mga gago talaga. Ang sarap pauwiin.

"O dahan dahan lang iho. I-relax mo lang ang mga braso mo." Ani inay habang inaalalayan akong buhatin si baby Adelline sa unang pagkakataon.

Natatakot ako na kinakabahan na excited. Sobrang liit nya at ang lambot. Natatakot ako na baka mapisa ko sya. Nang mukhang komportable na si baby Adelline sa bisig ko ay hinayaan na ako ni nanay. Hindi ko naman maalis ang mata ko sa kanya. Bahagya syang nakadilat at nakatutok sa akin ang mabibilog nyang mata na nakuha nya kay Mecaela. Malalantik din ang mga pilik nito na parang sa manika. Naluha naman ako sa saya. Ang sarap sa pakiramdam na nasa mga bisig ko sya. Maingat kong nilapat ang labi ko sa noo nya ng hindi sumasayad ang balbas at bigote ko sa balat nya. Pinaalalahanan ko ang sarili ko na mag ahit agad mamaya. Gustong gusto ko na syang pupugin ng halik.

Nag angat naman ako ng tingin kay Mecaela na nakatulog na sa pagod. Nilapitan ko sya at hinaplos ng isa kong kamay ang pisngi nya. Hinawi ko ang buhok nyang tumatabing sa pisngi nya.

I love you babe..

*****

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Donde viven las historias. Descúbrelo ahora