chapter 28

34.8K 722 132
                                    

Austin

Parang gusto kong palakulin si Dan sa inis. Habang ako dito ay pawis na pawis at halos magpaltos na ang kamay sa kasisibak ng kahoy, sya naman ay prenteng prente na nakaupo sa bangkong mahaba at nakadekwatro pa habang kumakain ng nilagang kamote, nagkukuwentuhan pa sila ni itay habang nagtatawanan.

Napasimangot ako. Letseng Dan na to feeling close!

Pa'no ba ako napunta dito..

one hour ago...

"Alam mo lalaki kahit wala ka ay kaya naming buhayin ang bata sa tyan ni Mecaela. Mahirap lang kami pero napalaki naming mabuti ang anak namin, ang apo pa kaya namin. Kaya hindi ka namin kakailangin sa totoo lang. Kung napipilitan ka lang puwes huwag ka ng mag aksaya ng oras, pwede ka ng umuwi at mamuhay binata." Mariing sabi ni itay.

Naalarma naman ako sa sinabi nya. Aba, hindi ako nagpuyat at hindi ako nagtyagang bumiyahe ng halos siyam na oras para mauwi lang sa wala. Kung uuwi man ako ng Manila ay dapat kasama ko si Mika Bago ako sumagot ay tiningnan ko muna si Mecaela na nakasimangot at panay ang irap sa akin. Alam kong galit pa rin sya sa akin. Gustong gusto ko na nga syang sunggaban ng yakap dahil miss na miss ko na sya. Hindi ko naman magawa dahil bukod sa masama ang tingin nya lagi sa akin ay nakabantay pa si itay.

"Tay, gaya nga ho ng sinabi ko, paninindigan ko ho si Mecaela, pananagutan ko ho ang anak nyo. Yun naman ho talaga ang plano ko eh kung hindi lang ako nilayasan ng anak nyo." Ani ko sabay sulyap kay Mika na ngayon ay matalim na naman ang tingin sa akin.

"Aba'y bakit parang kasalanan pa ng anak ko na nilayasan ka? Kung wala kang ginawa na ikinasama ng loob nya ay hindi ka lalayasan! Lokong to ah! Baka gusto mong bastunin kita!" Nanggagalaiting na namang sabi ni itay.

Napangiwi naman ako at umayos ng upo.

"Tatay, yung puso nyo po." Inalo sya ni Mika at hinimas himas sa dibdib.

"Eh loko kasi tong lalaking to eh! Bakit ba kasi anak, ito pa ang pinatulan mo. Magandang lalaki lang naman at malaki ang katawan pero ubod ng yabang. Mahigit sampung taon pa ang tanda sayo. Mukhang mas mabait pa nga yung kaibigan nya eh."

Sasabat na sana ako ng pandilatan ako ng mata ni Mika. Kaya wala na akong nagawa kundi itikom na lang ang bibig.

"Hayaan nyo na tay, hindi naman ako sasama sa kanya."

Napasinghap naman ako sa sinabi nya. "Babe."

"Bueno lalaki, kung totoo talaga yang sinasabi mo na paninindigan mo ang anak ko puwes, patunayan mo." Wika ni itay.

Napaupo naman ako ng tuwid sa sinabi nya. Syempre gusto ko ring patunayan ang sarili ko sa kanya. Lalo na kay Mecaela.

"Sige ho, ano ho bang kailangan kong gawin?" Determinado kong tanong.

Tumayo si itay at inalalayan ni Mika. "Sumunod ka sa akin." Aniya at humakbang patungong kusina.

Agad naman akong sumunod..

present..

"Loko ka talagang bata ka, puro ka kalokohan." Malutong na halakhak ni itay sa kinukwento ni Dan.

"Bata pa ho kasi ako noon Mang Berting." Tatawa tawang sabi ni Dan.

"Tsk!" Pumalatak naman ako at nanggigigil na hinataw ang palakol sa kahoy. Pero dumaplis lang ito at ang kapirasong natapyas na kahoy ay lumipad patama sa ulo ni Dan.

"Shit!" Napahimas sya ng ulo at masamang tingin na binalingan ako.

Pinakyu ko lang sya.

"Mang Berting mukhang galit ho yata ang manugang nyong hilaw." Dinig kong sumbong nya kay itay.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now