chapter 37

31.8K 719 89
                                    

Kasal

Austin

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan at pinagpapawisan na sa sobrang kaba. Bakit ang tagal nya? Wag naman sanang nagbago ang isip nya at umatras.

"Pare para kang asong hindi maihi dyan. Pumirmi ka nga." Ani Dan na syang tumatayong bestman ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Heto nga't kabadong  kabado na ako panay pa ang buyo nya kanina pa. Kung bakit naman kasi sya pa ang napili kong bestman sa apat kong kaibigan. Oo nga pala, yung dalawa kasi allergic sa harap ng altar na akala mo masusunog. Si Pierre naman ay syempre alalay ng asawa at anak kaya hindi sya pwede.

"O wag mo kong tingnan nang ganyan, nakatingin sa atin si Papa Jesus ma-minus -san ka nya." Dagdag pa nya pero nakangisi.

"Tsk! Dami mong alam." Pabulong kong asik sa kanya.

"Relax ka lang kasi, darating din yun. Parang hindi mo narinig yung sinabi ng wedding organizer kanina. Twenty minutes pa."

"Bakit naman kasi ganun katagal." Inis na inis na sabi ko. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng 20 minutes.

"Masyado ka namang atat, dapat nga namnamin mo na ang natitira mong oras na binata ka." Hirit pa nya.

"Tumahimik ka na nga, iniinis mo lang ako eh." Sikmat ko sa kanya.

Nginisihan lang nya ako ng nakakaloko.

Hinugot ko ang panyo sa bulsa ng slacks at dinampi dampi sa noo kong namamawis na. Inayos ko pa ang kwelyo ng barong. Pilit ko ring pinapakalma ang sarili. Nilibot ko na lang ang mata ko mga bisitang isa isa nang dumating sa loob ng simbahan. Narito na rin si mamita at si Ace pati na rin ang pinsan kong si Joanna at ilang mga kamag anak ko. Kumpleto na rin ang mga kaibigan ko. Nandito na rin ang ilang investor na naging kaibigan ko na rin. Nakita ko na rin sila nanay at tatay pati na rin si Maggie at ang mga kaibigan na inimbitahan ni Mecaela. Napasimangot naman ako ng makita si Jio. Kung hindi lang magagalit sa akin si Mecaela ay tinanggal ko na sya sa listahan ng mga bisita. 

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa lumapit sa akin ang wedding organizer. "Nandyan na po ang bride, magready na po kayo mga sir."

Tumango naman ako at humugot ng malalim na hininga. Kumalabog ang dibdib ko sa excitement. Tinapik tapik naman ako sa balikat ni Dan.

Ilang sandali pa ay nagsimula nang lumakad sa aisle ang mga abay. Hindi ko naman maipaliwanag ang nararamdaman ko, kaba, pagkasabik at sobrang saya. Hanggang sa bumukas na ang malaking pintuan ng simbahan at pumailanlang na ang wedding song. Tumambad si Mecaela na nakasuot ng puting puting wedding dress. At kahit natatabingan ng belo ang mukha nya ay nababanaag ko naman ang kagandahan niya na labis nagpapabaliw sa akin. Akay akay sya ni tatay kahit hirap sa paglalakad. Kumalabog ng husto ang dibdib ko na parang gusto nang kumawala ng puso ko. Hanggang sa bumagsak na ang luha kong kanina pa nagbabanta habang naguumpisa na syang maglakad ng mabagal sa aisle. Hindi na ako makapaghintay na matali sa babaeng to. Halos mapunit na ang pisngi ko sa laki ng ngiti ko ng makalapit na sila ni tatay sa akin. Pinunasan ko naman ang luha ko na nagresulta ng kantyawan sa pangunguna ng mga siraulo kong kaibigan.

"Ingatan mo ang panganay ko iho." Ani itay na may himig pagbabanta sabay abot ng kamay ni Mecaela sa akin.

"Makakaasa po kayo itay." Nakangiting tumatangong sabi ko at kinuha ang kamay ni Mecaela.

Nagsalubong ang mga mata natin at nagngitian kami ng matamis. Tinapik naman ako sa balikat ni Dan bago umalis sa tabi ko at inakay na si itay sa upuan.

"Finally babe, ikakasal na tayo.." Anas ko sa kanya sabay punas muli ng luhang tumakas.

"Wag ka na ngang umiyak, para kang sira dyan."
Tumawa naman sya at inabot ang pisngi ko sabay punas sa luha ko. Ang sarap lang sa tenga ng tawa nya at ang init ng palad nyang dumadampi sa balat ko. Wala na akong mahihiling pa sa araw na to kundi ang matali sa babaeng ito. Sya ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now