chapter 32

33.4K 774 61
                                    

Mecaela

"Mamita?"

Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko si mamita na nakaupo sa kahoy naming sofa habang kumakain ng kakanin. May katabi syang malaking lalaki na medyo hawig ni Austin. Ito siguro yung tinutukoy nyang kapatid na galing ibang bansa.

"Mecaela, andyan na pala kayo!" Bulalas ni mamita at nilunok muna ang nginunguya at tumayo. Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Niyakap ko naman sya pabalik at hinagod hagod ang likod nya. Namiss ko rin si mamita.

"Masaya ako at nakita ka na nitong siraulo kong apo." Ngiting ngiting wika ni mamita at hinimas himas ang braso ko.

"Mamita." Bahagyang angal ni Autisn pero hindi sya pinansin ni mamita.

"Namiss kita iha."

"Namiss ko rin po kayo mamita." Nakangiting sabi ko.

"Ay sya nga pala, kasama ko ang isa ko pang apo. Ang kapatid ni Austin, si Ace." Pagpapakilala nya sa sa lalaking kasama nya.

Agad naman itong tumayo at pinagpag pa ang kamay at lumapit sa amin. "Nice to meet you ate." Sabi nya at nilahad ang palad.

Bahagya akong ngumiwi ng tawagin nya akong ate. Eh halata namang mas matanda sya sa akin. Pero tinanggap ko na rin ang kamay nya.

"Wag mo syang tawaging ate, mas matanda ka sa kanya." Saway ni Austin sa kapatid.

Bahagya naman itong natigilan at pinakatitigan ako. Bahagya naman akong nailang. "Talaga? Akala ko young looking ka lang."

"She's only 20 years old iho." Sabat ni mamita na nakakapit na sa braso ko na parang tatakas ako.

"Really?" Namamanghang sabi nya at binalingan si Austin. "Ang tibay mo kuya ha, talagang bata pa ang dinale mo."

"Gago, kung magsalita ka parang pinilit ko si Mika eh. Baka gusto mong ipaitak kita kay tatay." Pagbabanta nya sa kapatid.

"Nariyan na pala kayo Austin, Mikay." Bati ni nanay paglabas ng kusina na may bitbit na tray na may dalawang tasang tsaa. Kasunod nya si tatay na may dala namang suman.

"Naku pasensya na ho kayo ma'am Amelia, ito lang ho ang meron kami." Nahihiyang sabi ni nanay pagkalapag ng tray sa kahoy naming lamesita.

"Ayos lang Cora, hindi naman kami maselan sa pagkain. Saka masasarap ang mga kakanin mo. At isa pa nga pala mamita na lang din ang itawag nyo sa akin ni Berting. Dahil magiging isang pamilya na rin tayo." Magiliw na sabi ni mamita.

Magiging isang pamilya?

"Naku, nakakahiya naman ho." Ani tatay.

"Kami nga ang dapat mahiya dahil sa ginawa nitong magaling kong apo sa anak nyo. Pasalamat nga kami at natanggap nyo sya."

"Mamita." Pilit ang ngiting pasimpleng sawata ni Austin kay mamita. Ang kapatid naman nya ay wala na sa sala kundi nasa tindahan na pala namin at tumitingin tingin ng mga nakasabit na tsitsirya.

"Mabait naman ho ang apo nyo at matiisin pa ma'am. Hindi rin maarte sa kung ano lang ang meron kami. At nakikita naman naming mag asawa na seryoso sya sa anak namin. Dahil kung hindi, hindi sya tatagal dito kahit tatlumpong minuto. Wala syang reklamo sa kahit anong ipagawa ko sa kanya." Anang itay.

"Naku mabuti naman kung ganoon, kahit namin kasi siraulo minsan tong apo ko eh mabait naman yan at may isang salita. At mahal na mahal nya ang anak nyo. Alam nyo bang muntik nang umiyak yan nung gabing nilayasan sya ni Mecaela? Parang nababaliw na kahahanap dito kay Mecaela. Pati nga ako ay pinagbintangan na tinago sya."

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon