chapter 8

38.4K 799 60
                                    

Mecaela

"Yung ginataang langka.. gusto ko pa." Aniya sabay tawa.

"Ah o-oo! Wait lang, sasandukan kita." Nauutal na sabi ko at natataranta pang kumuha ng mangkok. Wala sa sariling nahawakan ko ang hawakan ng kawali mg walang panapin kaya napahiyaw ako sa init na pumaso sa kamay ko. "Aw!"

"Shit! Ayos ka lang?" Natataranta din syang lumapit sa akin at dinaluhan ako. Kinuha nya ang aking kamay at ininspeksyon.

Lalo namang nagregodon ang puso ko ng hipan hipan pa nya ang daliri kong napaso. Napalunok ako dahil halos isang dangkal na lang ang layo ng aming mukha. Seryoso sya sa pag ihip sa napaso kong daliri. Hindi naman gaanong masakit ang paso at nawawala na rin.

"O-Okay na, hindi naman masyadong msakit." Ani ko at hinatak na ang kamay.

Napakunot noo naman sya. Bakas pa rin ang pagalala sa kanyang mukha. "Sigurado ka?

Tumango naman ako. "O-Oo, nadikit lang ng kaunti pero hindi naman ganoon kasakit. Mawawala rin ito. Ah teka, sasandukan na kita." 

Hindi naman sya natinag sa kinatatayuan at nakatitig lang sa akin. Ako na ang dumistansya sa kanya baka mapaso pa ako ulit. Lalo na't hindi pa rin tumitigil sa mabilis na pagtibok ang puso ko. Sinandukan ko ng ginataang langka ang mangkok na hawak at pinatong sa counter.

Nilingon ko sya. Nakatitig pa rin sya na akala mo'y namatanda. "Ah, kakain ka na ba? Ipagsasandok na kita."

Bumuntong hininga naman sya at hinimas pa ang panga. "Sabay na tayo."

"Ah sige, pero hahatiran ko muna ng ginataang langka sila ate Nely at ate Pepay."  Ani ko. "Pero kung gutom ka na, pwedeng mauna ka na. Ipaghahain muna kita."

"No, sige na hatiran mo na sila. Ako na lang maghahain para sa atin."

Napakagat labi naman ako. Bakit parang kinikilig ako? "S-Sige, ikaw ang bahala." 

Kumuha ako ng dalawang disposable tupperware at sinandukan na ito. Nagmadali na rin akong ihatid ito sa dalawang kaibigan kong kasambahay.

"Naku, salamat dito Mikay. Miss na miss ko na rin kumain nito." Tuwang tuwang sabi ni ate Nely.

"Walang anuman ate, pakibigay na lang kay ate Pepay yung isa. Kailangan ko na kasing bumalik sa bahay dahil gutom na si sir."

"O sige, ako na lang magbibigay nito. Salamat ulit ha. Hayaan mo, magluluto din ako ng aking specialty at bibigyan din kita." Magiliw na sabi nya.

"Sige ate, aasahan ko yan ha."

Pagbalik ko sa bahay ay naabutan kong may nakahain na sa hapag kainan. May bitbit pa syang nagpapawis sa lamig na pitsel ng juice.

"O andyan ka na pala. Tara kain na." Nakangiting aya nya at pinaghila pa ako ng upuan.

Nakangiting tumango naman ako at umupo. Akmang kukunin ko ang pitsel ng juice ng iiwas nya ito sa akin.

"Ako na, stay put ka lang dyan." Aniya at nilagyan ng juice ang baso ko. Hayun na naman ang kilig ko dahil parang pinagsisilbihan nya ako.

Kagat labing tumingala ako sa kanya. "Salamat, umupo ka na rin kaya. Baka nakakalimutan mo ako ang kasambahay." Natatawang sabi ko. Baka mamaya maihi na ako sa kilig eh.

Natawa na lang din sya at umupo na rin sa tabi ko. Hanggang sa kagitnaan ng aming pananghalian ay panaka naka pa rin ang pag aasikaso nya sa akin. Sya ang nagsasandok ng kanin ko at ulam. Kahit anong awat ko ay hindi sya nagpapatinag. Naubos din namin ang sinaing ko pati na rin ang niluto kong ginataang langka. Mas marami pa nga syang nakain kesa sa akin at mukhang sarap na sarap sya.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now