END

44.8K 977 95
                                    

Mecaela

Nakangiting pinagmamasdan ko ang mag ama ko habang natutulog sa reclining sofa. Nakadapa si baby Adelline na pitong buwan na, na nasa dibdib ni Austin na bahagyang nakanganga. Hindi pa sya nakabihis galing opisina. Hinubad lang nya ang sapatos at necktie at si baby Adelline na agad ang hinawakan.

Nilapitan ko sila at kinuha si baby Adelline sa pagkakadapa sa ibabaw nya. Naalimpungatan naman sya at dumilat ng mata.

"Babe."

Nginitian ko sya. "Magbihis ka na kakain na tayo."

Pero parang nananaginip pa yata sya. Hinawakan nya ako sa bewang at pinaupo sa kandungan nya at niyakap nya kami ni baby Adelline. Sumubsob pa sya sa batok ko.

"Huy Austin." Tinapik tapik ko ang braso nya. Mabuti na lang at hindi nagising si Adelline.

Umungol lang sya at bahagyang hinigpitan ang yakap nya. Hinimas himas ko na lang ang malaking braso nya. Mukhang pagod na pagod sya.

"Patayuin mo na ako. Ililipat ko lang sa kuna si baby Adelline para maasikaso na kita."

Niluwagan naman nya ang yakap sa kain hanggang sa hayaan na nya akong tumayo. Hinalikan nya muna sa noo si baby Adelline. Umakyat naman ako sa second floor at dumiretso sa kwarto namin at nilapag sa crib si baby Adelline. Tinapik tapik ko muna ang mataba nyang hita. Bahagya syang gumalaw para mag iba ng posisyon. Nang masiguro kong mahimbing na ang tulog nya ay lumabas na ako.

Wala na sa sala si Austin. Pumunta ako sa kusina at naabutan ko syang nakaupo sa lamesa habang inaasikaso ng kasambahay namin. Pero hindi pa sya kumakain dahil hinihintay pa ako. Umupo ako sa tabi nya.

Sinandukan nya ako ng kanin pero inagaw ko sa kanya ang sandok. "Ako na." Sabi ko at sinandukan ko muna sya bago ang akin.

Tahimik lang kaming kumain pero panaka naka nya akong sinusulyapan at sinasandukan ng kanin at ulam. Ganito naman sya eh kapag galing sa opisina at pagod na pagod.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami ng kwarto. Sabay na rin kaming nagshower. Pero dahil pagod sya ay nagkasya na lang sya sa paghalik halik sa akin at paghipo. Pero kung hindi sya pagod ay malamang mamaya pa kami lalabas ng banyo.

"Marami bang trabaho sa opisina?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap sya sa akin at nakasubsob ang mukha sa dibdib ko. Sinuklay suklay ko ang buhok nya.

Tumango tango naman sya. "I'm so tired babe.." Ungol nya. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Lately kasi ay panay out of town nya kasama si Ace. Tinitrain nya na rin kasi ito para pumalit sa kanya sa kumpanya nila. Balak nya kasing magtayo ng sarili nyang kumpanya.

"Eh di matulog ka na. Papasok ka pa bukas." Malambing na sabi ko.

Umiling naman sya. "Hindi muna ako papasok bukas." Anas nya.

"Bakit?"

"Namimiss ko na kayo ni baby Adelline, dito muna ako sa bahay." Ani nya at humigpit pa ang yakap sa akin.

Napangiti naman ako. Syempre gusto ko rin naman na makasama namin sya ng anak namin. Iniisip ko lang ang trabaho nya baka kailangan sya. Pero may tiwala naman ako sa kanya. Kahit na ba may pagka isip bata sya ay seryoso naman sya sa trabaho.

Sinilip ko ang mukha nya. Nakapikit na sya at malalim na ang paghinga. Nakatulog na nga. Sinilip ko naman si baby Adelline sa kuna. Tulog na tulog na ito at bahagyang nakadapa. Siguradong bukas na ang gising nito.

"Goodnight baby Adelline.. good night babe. I love you.." Anas ko at hinalikan sa ulo si Austin bago ipinikit ang mga mata.

Nagising akong mag isa na lang sa kama. Pupungas pungas na bumangon ako. Wala rin sa crib si baby Adelline. Malamang ay nasa baba na ang mag ama ko. Ang sabi nya kasi ay hindi sya papasok ngayong araw. Niligpit ko muna ang comforter at pinagpagan ang mga unan bago ako pumasok ng banyo para maghilamos at magmumog.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko ang isang kasambahay namin na nagpupunas ng sofa. "Goo morning ate Susan." Bati ko sa kanya.

"Ay good morning ma'am. Gising na po pala kayo." Nakangiting bati nya. Kahit anong sabi kong wag na akong tawaging ma'am ay hindi naman nila ako sinusunod. Yun daw kasi ang utos ni Austin.

"Kumain na ba kayo nila manang?"

"Opo ma'am, sila sir po at si baby Adelline nasa labas nagpapaaraw." Aniya.

Tumango naman ako. "Sige pupuntahan ko lang sila."

Siguradong hindi pa rin nag aalmusal si Austin at hinihintay ako. Nangingiting lumabas ako ng bahay at nakita ko nga sila sa garden. Buhat buhat nya si baby Adelline habang kinakausap ito. Ang anak ko naman ay humahagikgik pa na nakatingin sa kanya na akala mo naiintindihan ang sinasabi ng ama. Nang makita ako ni baby Adelline ay nagkakawag kawag ang mga braso nito kaya napalingon si Austin. Ngumiti sya ng makita ako. Lumapit ako sa kanila at hinalik halikan sa pisngi si baby Adelline.

"Good morning babe." Bati ni Austin sabay hapit sa bewang ko at hinalikan ako sa labi.

"Kanina pa kayo dito sa labas? Dapat ginising mo ko."

"Ang sarap ng tulog mo eh kaya hindi na kita ginising. At saka gusto na ring lumabas ng cute na batang to." Aniya at pinanggigilan pa ng halik si baby Adelline na tumitili na kakahagikgik.

Ang sarap lang pakinggan ng malulutong nitong hagikgik. Ang sarap nilang pagmasdan. Kahit siguro buong araw ay hindi ako magsasawang panuorin lang sila.

Napatili ako ng ako naman ang panggigilan nyang halik halikan. Hindi naman ako makapalag dahil hapit hapit nya ako sa bewang. Di ko rin naman sya maitulak dahil buhat nya si baby Adelline.

"Ano ba Austin! Hindi ako si baby Adelline." Natatawang sabi ko dahil nakikiliti ako sa patubo nyang balbas na tumutusok sa leeg ko. Paaalalahanan ko sya mamaya na mag ahit.

"Dalawa kayong baby ko hmm.. bango naman ng baby laki ko." Aniya at sinubsob pa ang mukha sa leeg ko at dinig ko pa ang pagsinghot singhot nya.

Ang anak ko naman ay tawa ng tawa sa ginagawa ng ama nya sa akin. Napapalakpak pa ito ng kamay. Nagiinit na rin ang mukha ko dahil nasa garden kami at nakikita kami ng mga dumaraan.

"Tama na ano ka ba." Natatawang tinulak ko na ang mukha nya. Bahagya pang nanunulis ang nguso nya.

Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sa akin. "I love you babe.." Anas nya.

Kinilig naman ako. Ganito naman palagi eh sa tuwing sasabihin nya iyon.

"I love you too.." Anas ko at humawak sa balikat nya at tumingkayad sabay kintal ng halik sa labi nya. Ngumiti naman sya at pinagbunggo pa ang ilong namin. Binalingan din nya si baby Adelline at hinalikan sa pisngi. Sinandig ko naman ang ulo ko sa dibdib nya. Bale dalawa na kami ngayon ni baby Adelline na nasa bisig nya..

*****

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now