chapter 20

37.1K 760 66
                                    

Mecaela

Kagat labing nakayuko akong nakaupo sa sofa habang abot abot ang kaba. Habang prenteng nakaupo naman sa tabi ko si Austin at pilit pa akong inakbayan. Panay piksi ko naman at layo sa kanya. Gusto ko na syang bulwayan kung wala lang ang lola nya sa harap namin na matiim na nakatingin sa amin.

Hinanda ko ang sarili at  tenga ko sa mga masasakit na salita na ibibigay nya sa akin. Hindi ba ganun sa mga teleserye? Galit ang mga mayayaman kapag  nahuling nakikipagrelasyon ang anak o apo nila sa isang kasambahay lang. Iniisip nilang nilalandi ng mga ito ang apo o anak nila at pagkatapos ay palalayasin nila.

Hinawakan ni Austin ang kamay ko. Tinapik ko naman ito at sinamaan sya ng tingin. Kumunot noo lang sya. Heto nga't kabadong kabado na ako at nakatingin sa amin ang lola nya ay nakuha pa nyang humarot.

Tumikhim ang lola nya. "Akala ko kasambahay ka lang ng apo ko iha, mukhang hindi naman ganun ang nakita ko kanina."

Napakagat labi ako at muling yumuko. Heto na. Hindi ko magawang tingnan sya ng diretso dahil nahihiya ako. "K-Kasambahay po talaga ako dito ma'am." Nauutal na sabi ko.

"Pero may relasyon kayo ng apo ko?"

Tumango tango ako at sinubukang tingnan sya ng diretso. Blanko ang mukha nya kaya hindi ko mabasa ang saloobin nya.

"Mamita -- "

Itinaas niya ang kamay para putulin ang anumang sasabihin ni Austin.

"Kelan pa kayo may relasyon?" Tanong uli nya.

"Magdadalawang linggo na ho." Diretsong sabi ko. Pilit kong tinatagan ang loob ko.

"Ibig sabihin nung huling punta ko dito may relasyon na kayo pero hindi nyo man lang sinabi sa akin?"

Muli akong napayuko. "Sorry po ma'am."

"Nilandi ka ba nitong apo ko?"

"Po?" Napatangang nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Mamita ano bang klaseng tanong yan?" Angal ni Austin.

"Bakit hindi ba totoo?" Sikmat ni ma'am Amelia sa kanya.

"Well.. medyo, pero ang importante parehas naming gusto ang isa't isa kaya nga  magkasintahan na kami ngayon."

Napanganga na lang ako sa sinagot ni Austin sa lola nya. Lumapit naman si ma'am Amelia sa kanya at piningot ang tenga nya.

"Aray mamita!"

"Damuho ka, nilandi mo nga ang kasambahay mo. Hindi ka na nahiya! Bente anyos lang yan!"

"Eh ano naman? Atleast hindi sya menor de edad."

"Kahit na! Naghanap ka na lang sana ng kasing edad mo na lalandiin!"

"Ayoko sa kanila, si Mecaela ang gusto ko aww!" Hiyaw nya ng kurutin at paluin pa sya sa braso ni ma'am Amelia. Para naman syang batang hinimas himas ang nasaktang tenga at braso.

Napakagat labi naman ako at napayuko sa sinabi nya. Hindi ko mapigilang kiligin. Ayaw nya sa iba at ako ang gusto nya.

"Bakit? Sigurado ka bang gusto ka nya?" Tanong pa ni ma'am Amelia sabay turo sa akin.

"Oo naman, nakita nyo naman kanina naghalikan kami diba?"

"Malay ko ba kung pinilit mo sya. Baka mamaya tinakot mo sya na hindi mo sya papasuswelduhin kapag hindi sya pumayag makipagrelasyom sayo."

"Mamita naman! Ano ba yang sinasabi nyo? Kakapanood nyo yan ng dramarama sa hapon. Hindi ko pinilit o tinakot si Mecaela, gusto talaga namin ang isa't isa. Tanungin nyo pa sya eh." Tila naiirita nang sabi nya.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now