chapter 22

33.4K 729 70
                                    

Mecaela

"Mamita kayo pala. Pasok po kayo." Masiglang bati ko kay mamita ng pagbuksan ko sya ng gate.

Nakangiting pumasok naman sya. Kinuha nya ang supot na bitbit ng driver. Agad ko naman itong kinuha sa kamay nya.

"Masyado ba akong maaga iha?" Tila nahihiyang tanong nya sabay abrisete sa akin.

"Naku hindi naman po mamita. At saka tapos na ako sa mga ginagawa ko" Nakangiting sabi ko habang sabay kaming pumasok pabalik sa bahay.

"Mabuti naman kung ganun. Magpapatulong sana ako sa'yo eh."

"Tungkol po saan?" Kuryosong tanong ko.

"Hindi naman ganun kaseryoso. Magpapatulong lang ako sayo magluto. Alam mo na, mahilig lang kumain si mamita pero hindi marunong magluto." Pahagikgik na sabi nya.

Tumawa naman ako. Akala ko kung ano na. "O sige ho, wala naman na akong gagawin."

"At saka para bonding na rin natin lalo na at wala ang asungot."

Sabay na kaming natawa sa sinabi nya.

Pangatlong araw na ngayon ni Austin sa Cebu at sa Sabado na ang uwi nya. Gabi gabi naman kaming nagbi-video call bago matulog. Naiinis pa nga sya kapag nakakatulog ako habang nag-uusap kami.  Eh kasi naman alas dose na ayaw pang magpatulog. Kaya kinaumagahan tatawag sya at sasabibing naiinis sya kasi tinulugan ko sya. Tinatawanan ko na lang sya. Nasasanay na rin ako sa pagiging isip bata nya minsan.

"Ano iha, tama na ba ang lasa?" Tanong ni mamita habang nakatingin sa reaksyon ng mukha ko.

Nang malasahan kong sakto na sa timpla ay tumango tango ako at nag thumps up sa kanya. Tuwang tuwa naman sya at pumalakpak pa.

"Naku salamat naman! Tatandaan ko lahat ng tinuro mo. Para hindi naman ako mapahiya sa mga amiga ko." Masiglang wika nya.

"Bakit hindi na lang po sa mga kasambahay nyo kayo nagpaturo magluto. Para hindi na po kayo napagod magpunta dito." Ani ko. Naku-curious lang ako dahil talagang pinuntahan pa nya ako dito para magpaturo magluto. Eh nasisiguro ko naman na may kasambahay sya na higit pa sa isa na pwedeng magturo sa kanya.

"Kuh, ayoko dun. Pangit ka bonding mga kasambahay ko. Kung ituring nila ako para ko silang kakagatin. At saka isa pa, gusto ko talaga ikaw ang magturo sa akin parang bonding na rin natin habang wala pa ang asungot kong apo."

Natawa na naman ako sinabi nya. Kunsabagay, noong una ko nga syang nakita ay ganun din ang impression ko sa kanya. Parang mangangain ng tao pero hindi naman pala. Heto nga't nakakatawanan ko pa.

"Alam mo, nakikita ko ang sarili ko sa'yo noong kabataan ko. Maliban nga lang sa hindi ako marunong magluto." Binuntutan pa nya ng tawa ang sinabi.

Naku-curious na naman tuloy ako sa sinabi nya. "Talaga po?"

Tumango tango sya. "Gaya mo ay laking probinsya talaga ako at nakipag sapalaran sa Maynila dahil sa hirap ng buhay. Sinuwerteng nakapasok bilang isang sekretarya sa isang papausbong pa lang na kumpanya at doon ko nakilala ang asawa ko, ang lolo ni Austin." Nakangiting kwento nya. Pero may lambong ng lungkot ang mata nya. "Kaya lang iniwanan na nya ako sampung taon na ang nakakaraan. Kung naabutan mo sya naku, parang si Austin sa kalandian." Sabay tawa nya.

Napangiti naman ako sa maikling kwento nya. Kahit hindi nya sabihin ay nakikita kong sobrang namimiss na nya ang yumaong asawa.

Tumambay pa kami ni mamita sa may verandah at nagkwentuhan pa ng walang humpay. Nag video call pa si Austin para kamustahin na naman ako o tamang sabihin na mangungulit na naman. Pero sila ni mamita ang nagkulitan. As usual pikon na naman sa mga hirit ni mamita. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Bigla ko na namang namiss ang pamilya ko sa probinsya. Namiss ko ang kulitan at asaran nila nanay at tatay at kaming dalawa ng bunso kong kapatid ay natatawa na lang pinapanood sila.

Bago umuwi si mamita ay nangulit pa ito sa akin na pumunta ako sa bahay nya sa susunod na linggo. Wag ko daw isama si Austin at ipapasundo na lang ako sa driver nya. Tumango tango na lang ako kahit hindi sigurado.

["Ano pa sinabi sa'yo ni mamita?"] Tanong ni Austin na nakadapa na sa kama habang nakatitig sa akin sa screen ng cellphone.

Parehas na kaming nasa kama at ngayon ay magkaharap sa screen ng cellphone.

"Wala na, nagkwentuhan lang kami." Sabi ko. Medyo nakakaramdam na ako ng antok dahil bumibigat na ang talukap ng mata ko. Bahagyang syang gumalaw at lumapit sa screen ang matangos nyang ilong. Parang ang sarap kagatin. Ilang sandali pa ay umayos muli ang screen nya. Napansin kong naka hubad baro sya. Pinatong nya ang baba sa unan at muling tumingin sa screen.

["Baka sinisiraan na naman ako ni mamita sayo. Wag kang maniniwala dun."] Bahagyang nakasimangot na sabi nya.

Tumawa naman ako. "Hindi ka na nya kailangan siraan sa akin no. Halos alam ko na lahat ng kalokohan mo." Ani ko sabay irap sa kanya sa screen.

Parang bigla ko syang namiss. Lalo na ang amoy nya. Dalawang araw na lang naman uuwi na sya.

Tuluyan na syang sumimangot. ["Nagbago na ko no."]

"Talaga lang ha?"

["Bakit, hindi ka naniniwala? Humanda ka sa akin pag uwi ko."] Pagbabanta nya.

Nginisihan ko naman sya. "Alam ko na yan. Feeling mo naman matatakot mo ko."

["Alam ko naman hindi ka natatakot, gusto mo pa nga eh."] Sya naman ang ngumisi.

Naginit naman ang pisngi ko. Ngali ngaling patayan ko sya ng cellphone.

["Uy, namumula sya."] Tukso nya sa akin.

"Heh! Hindi kaya!" Tigas tanggi ko sabay irap sa kanya kahit na ba pakiramdam ko ay umuusok na ang balat ko sa mukha dahil sa  pagiinit.

Tumawa naman sya. ["I miss you na babe."] Aniya sa malambing na boses.

Gusto ko rin syang sagutin na namimiss ko na rin sya kaya lang nahihiya ako.

"Malapit ka ng umuwi."

["I know.."] Malalim ang boses na sabi nya habang titig na titig sa akin sa screen.

Napakagat labi naman ako habang tinititigan din ang gwapong mukha nya sa screen. Napansin kong bahagyang kumapal na ang mga buhok nya sa pisngi.

["Babe.."]

"Hmm?"

["SOP tayo."] Aniya na seryoso ang mukha.

"Ano?" Bulalas ko. Baka namali lang ako ng dinig.

["Sabi ko SOP tayo."] Pag ulit nya sa sinabi.

Mas lalong nag init ang mukha ko sa sinabi nya. Kung kaharap ko lang sya ay malamang na sinapok ko sya.

"Heh! Magtigil ka! Inatake ka na naman ng kalibugan mo." Sikmat ko sa kanya at pinandilatan sya ng mata.

Napalabi naman sya. ["Try lang natin babe."] Hirit pa nya.

"Bakit hindi mo pa ba nasusubukan yan?"

["Hindi pa, kaya nga gusto kong i-try natin. Sige na."] Ungot nya.

"Ayoko! Magtigil ka nga kundi papatayin ko na tong video call." Pagbabanta ko sa kanya. Kinikilabutan na kase ako sa sinasabi nya.

Napakamot naman sya ng ulo habang nakasimangot. ["Pag uwi ko talaga ihi lang ang magiging pahinga mo."]

Parang bigla akong na excite na umuwi na sya. Ano ba Mecaela! Nahahawa ka na sa kalibugan ng nobyo mo. Ipinilig pilig ko ang ulo ko at itinuon na lang atensyon sa nobyo kong nag asal bata naman.

Nagtagal pa ng ilang minuto ang video call namin hanggang sa hindi ko na talaga kaya ang antok. Nagpaalam na ako sa kanya bago ko tuluyang pinatay ang vc...

Nagising ako kinaumagahan na parang hinahalukay ang tiyan ko. Kaya agad akong bumangon at tumakbo papasok ng banyo. Dumuwal ako sa inidoro. Halos nailabas ko na yata ang kinain ko kahapon at nakasalampak na rin ako sa sahig habang nakakapit sa inidoro. Iniisip ko tuloy kung ano ang nakain kong hindi maganda kahapon..

*****







[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now