chapter 35

33.8K 678 41
                                    

Mecaela

Sarap na sarap ako sa kinakain kong dried mango. Hindi pa ako nag aalmusal pero nang makita ko ito ay bigla akong naglaway. Ito pa yung dala ni Austin galing Cebu. Habang nagsasanghag ako ay panay ang subo ko ng dried mango. Mamaya lang ay gigising na si Austin. Alas sais pa lang naman ng umaga.

"Babe."

Napaigtad ako ng may magsalita sa likod ko. Lumingon ako.

"O bakit gising ka na? Maaga pa ah." Sabi ko kay Austin na halatang bagong gising at magulo pa ang buhok.

"Nagising ako wala ka sa tabi ko eh. Bakit bumangon ka agad." Namamaos ang boses na sabi nya at lumapit sa akin.

"Malamang para ihanda ang agahan mo." Sabi ko at binalik ang atensyon sa ginagawa. Dumukot ako ng dried mango at sinubo.

"Ang sweet naman ng soon to be misis ko. Misis na misis na talaga." Aniya at yumakap sa bewang ko sabay halik sa pisngi ko. Ang unfair lang, bagong gising sya pero wala akong maamoy na morning breathe.

Napangiti ako sa sinabi nya. "Sabi mo nga soon to be misis mo kaya ginagampanan ko na ang responsibilidad ko." Sabi ko.

"Aga aga pinapakilig mo ko." Malambing na sabi nya at sumubsob pa sa leeg ko. Nangiti na lang ako at hinaplos ng isang kamay ang buhok nya.

"O sige na, balik ka na muna sa kwarto mo. Maaga pa naman matulog ka pa."

"Hindi na ako makakatulog, dito na lang ako."

Bumuntong hininga na lang ako. "Maupo ka na lang dyan at tatapusin ko lang to."

"Ayoko, dito lang ako." Parang batang sabi nya at humigpit pa ang yakap sa akin at mas lalo pang sumubsob sa leeg ko at sininghot singhot pa ako.

Paano ako makagagalaw nito. Bahagya na akong nainis. Ginalaw galaw ko ang braso ko. "Austin maupo ka na nga sabi dun at tatapusin ko lang to."

"Ayoko nga."

"Uupo ka o pupukpukin kita ng syanse?" Pagbabanta ko. Di ko alam pero lately mabilis nang maginit ang ulo ko.

Natigilan naman sya at nag angat ng tingin sa akin. Nang makitang seryoso ako ay agad na syang bumitaw at hinila na lang ang upuan sa may counter at naupo habang parang namamanghang nakatingin sa kin. Nakakainis kasi ang kulit kulit daig pa bata.

Tinuloy ko na lang ang ginagawa habang kumakain ng dried mango.

"Babe hindi ka pa yata nag aalmusal tapos kumakain ka na nyan." Puna nya sa akin.

Nilingon ko naman sya. "Eh ito ang hinahanap ng sikmura ko eh."

"Sabi ko nga." Tumatangong sabi nya.

Nang matapos na akong magluto ay naghain na ako. Sya naman ay nagtimpla ng kape nya at gatas para sa akin. Sabay na rin kaming nag almusal.

"Babe kelan pala ang next check up mo?" Tanong nya sa pagitan ng pag subo.

"Sa susunod na linggo pa." Sabi ko.

Tinanong pa nya ang eksaktong petsa. Sinabi ko naman.

"Anyway, kumuha ako ng kasambahay sa agency."

"Ha? Bakit naman? Kaya ko pa naman kumilos." Kunot noong sabi ko.

"Alam ko, pero syempre hindi ka na pwedeng magpagod at saka para may kasama ka kapag wala ako dito." Malumanay na sabi nya.

May punto naman sya. Sumang ayon na lang ako dahil alam kong kapakanan ko at ng baby namin ang inaalala nya..

"Ano to?" Nagtatakang tanong ko ng iabot nya sa akin ang isang ATM card paglabas nya ng kwarto namin.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now