chapter 6

39.4K 825 94
                                    

Austin

Nilapag ni Mecaela ang umuusok pang kape sa harap ni Dan.

"Salamat ganda." Ngiting ngiti na wika ni Dan. Nginitian naman sya pabalik ni Mecaela.

Lihim naman akong napaismid. Kinuha naman ni Mecaela ang tasa kong wala ng laman saka tumalikod. Sinundan ko naman sya ng tingin at bumuntong hininga.

"Ang lalim ah." Sabi ni Dan.

Kunot noong nilingon ko sya. Humihigop sya ng kape habang may ngisi sa labi.

"Hmm infairness, masarap magtimpla ng kape si ganda. Kuha nya ang timpla ko."

"Stop calling her ganda. Her name is Mecaela." Ani ko at nagtipa sa keyboard ng laptop.

"Ooh Mecaela pala ang pangalan nya. Maganda, parang sya." Nangingiting turan nya.

Parang hindi ko nagugustuhan na sinasambit nya ang pangalan ng kasambahay ko. Pinatay at sinarado ko ang laptop at sumandal.

"What are you doing here?" Hindi ko naman kasi inaasahan na pupunta ito dito. Basta basta na lang pumupunta na walang abiso. Actually lahat naman ng kaibigan ko ganun, maliban lang kay Pierre na parang kabute. Kaya nga sinabihan ko si Mecaela na wag basta basta magpapasok ng kung sino sino at tawagan agad ako. Pero mabuti na lang nandito ako sa bahay ngayong araw na ito. Baka mamaya bola bolahin nya pa si Mecaela.

Nagkibit balakat muna sya at binaba ang tasa sa saucer. Sumandal sya at dumekwatro. "Pinuntahan kita sa office mo hindi ka daw pumasok sabi ng secretary mo. Kaya pumunta ako dito." Sabay ngiti nya ng nakakaloko.

"Yeah, I don't feel like working today." Walang ganang sagot ko.

"Woah, baka kulang ka lang sa iyot." Sabay tawa nya sa sinabi.

"Gago." Nginisihan ko naman sya.

Napansin kong may tinitingnan sya sa aking likuran. Kaya lumingon ako. Napakunot noo ako dahil kita sa salamin na nag va-vacuum si Mecaela. Napaka sipag talaga nito at masinop. Napangiti ako.

"Sabihin mo nga sa akin pare, saang agency ka kumuha ng maid?" Ani Dan.

Nilingon ko sya na hindi pa rin inaalis ang mata sa aking kasambahay. Parang gusto  kong tusukin ang mata nya. "At bakit?"

"Para doon na rin ako kukuha ng maid. Malay mo makajackpot din ako ng vavavoom na maid na kagaya ni Mecaela." Nakangising sabi nya.

Ginantihan ko naman sya ng ngisi. "Tss."

"Tell me bro, you find her hot no?"

Natigilan ako sa sinabi nya. Parang bigla akong sinilihan sa kinauupuan ko.

"O-Of course not! What are you talking about?" Tigas tanggi ko.

Tumawa naman sya sa reaksyon ko. "Gago! Sa akin ka pa talaga magsisinungaling. Halatado ka." Iiling iling na sabi nya at tiningnan ako ng makahulugan.

Shit! Bakit ko ba nakalimutan na sa apat na mga kaibigan ko ay ito ang mas nakakakilala sa akin dahil halos sabay na kaming lumaki at basa na namin ang bawat galaw ng isa't isa.

Bumuntong hininga ako. "She's only 20 years old."

"Owh really?"

Tumango ako at inikutan sya ng mata.

"O eh ano naman? Nasa legal na edad na ang 20 years old. Hindi ka naman siguro makukulong kung papatulan mo sya."

"But still, I'm too old for her."

"So? 12 years lang ang gap nyo. Si Pierre nga 13 years ang gap nila ni Nika pero hindi naman sya nakulong." Binuntutan pa nya ng tawa ang sinabi.

Parang bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi nya. Nitong mga nakaraang araw kasi  ay kinakastigo ko ang sarili dahil sa pagnanasang umusbong sa akin para kay Mecaela. Gabi gabi akong nag iinit at nagpapahirap pa sa akin na nasa ibaba lang ang kwarto ng babaeng nagpapainit sa akin. Hindi ko na rin magawang makipag sex sa iba dahil madi-disappoint lang sila. Pinipilit kong sinisiksik sa isip ko na bata si Mecaela at hindi ko dapat ito pagnasaan dahil napakawalanghiya ko naman. Nagtatrabaho ng maayos ang babae at dapat ko din syang tratuhin ng maayos. Alam kong napapansin di nya ang palihim kong sulyap sa kanya dahil nahuhuli nya ako at sumisimangot sya.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now