chapter 13

41.9K 824 60
                                    

Mecaela

Ngising akong parang may mabigat na nakadagan sa tiyan ko. Minulat ko ang mata at nakita ang malaking brasong nakapatong sa aking tiyan. Naramdaman ko rin ang mainit na hiningang tumatama sa pisngi ko. Lumingon ako at nakita ko ang mapayapa at mahimbing na natutulog sa tabi ko si sir Austin.

Nag init ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na ganoon ko lang kadaling ibinigay ang sarili sa kanya. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa pagkakabae ko kapag gumagalaw ako. 

Ang laki naman kasi ng talong nya! Buti nga buhay pa ako eh!

Sinilip ko ang oras sa wall clock na nakasabit sa dingding. 4:30 na ng umaga. Hindi na ako makakatulog nito kaya babangon na lang ako. Hihintayin ko munang humupa ng kaunti ang kirot.

Nilingon ko ang lalaking kaulayaw ko kagabi at dahilan kung bakit masakit ang pepe ko. Mahimbing na mahimbing pa rin ang tulog nya at mahinang humihilik pa habang bahagyang nakaawang ang bibig. Infairness hindi naman mabaho ang hininga nya sa umaga. Iba talaga kapag marami kang pambili ng mouthwash. Hindi ko rin naman sya naaamuyan ng kahit anong baho. Halata naman kasing maalaga sa katawan to at may pagkabanidoso.

Napakagat labi ko at malayang pinagmamasdan ang mukha nya. Makakapal ang kilay nya na minsan ay nagsasalubong kapag naiirita sya. Mahahaba din ang pilikmata nya. Nakakatunaw pang tumingin ang mala kape nyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong at may mapula at medyo makapal ang labi. Pangahan din sya na binagayan pa ng kanyang mga balbas na papatubo. Sa itsura nya at sa laki nya halatang may lahi syang banyaga. Gwapo talaga ito kahit saang anggulo tingnan. Maswerte ang mga babaeng binibigyan nito ng pansin at isa na ko dun.

Bumuntong hininga ako. Wala naman kaming relasyon pero heto at magkasama kami sa kama at hubo't hubad pa. Wala rin naman akong naramdamang pagsisisi dahil binigay ko ang sarili ko sa kanya. Ngumiti ako at marahang hinaplos ang kanyang pisnging magaspang dahil sa patubong balbas.

Dahan dahan kong inalis ang braso nya sa aking tiyan. Nahirapan pa akong alisin dahil mabigat. Nang maalis ko na ay dahan dahan akong bumangon. Ramdam ko pa rin ang hapdi pero kaya ko namang tiisin.

Dali dali kong kinuha ang mga damit kong winarak nya pati na rin damit nya at nilagay sa sofang naroon. Agad din akong pumasok ng banyo at mabilis na nagshower. Nabawasan ang kirot at guminhawa ang pakiramdam ko pagkalabas ko ng banyo. Nakatulong ang lamig ng tubig. Nakatapis lang ako ng tuwalya at dali daling kinuha ang uniporme ko. Sa banyo na ako magbibihis. Mahirap na dahil baka biglang magising ang kapre at makita pa kong hubo't hubad. Kahit ba may nangyari na sa amin ay nahihiya pa rin ako.

Nang makabihis na ako ay lumabas ako ng banyo. Tiningnan ko muna sya na ngayon ay yakap yakap na ang unan ko. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso dahil sa imaheng yun. Ngumiti ako at lumabas na ng kwarto tangay tangay ang mga damit kong pinunit nya..

"Babe, magbihis ka mamaya. Susunduin kita ng mga alas tres." Aniya habang nag aagahan kami. Talagang cinareer na nya ang pagtawag ng babe sa akin. 

Mula nang may nangyari sa amin tatlong araw na ang lumipas ay naging sobrang clingy na nya. Tas maya maya ang tawag  kapag nasa opisina sya. At sa kwarto ko na rin sya natutulog. Bagama't hindi na nasundan ang pagtatalik namin dahil iniinda ko pa ang kirot ng pagkababae ko. Mainam naman at hindi sya nangungulit at nagkasya na lang sa pagyakap at paghalik at pagsinghot sa akin. Para syang adik at ako ang droga nya. Tsk! Talagang naisip mo pa yun Mecaela.

Wala naman kaming napaguusapan tungkol sa kung ano ang meron kaming dalawa. Parang sumusunod lang kami sa agos. Hinahayaan ko na lang dahil gusto ko naman at masaya ako sa kung anong matatawag na meron kami.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now