chapter 7

38.8K 841 75
                                    

Mecaela

Hindi ko mapigilan ang minsanang mapangiti habang nasa loob kami ng grocery store. Kinikilig pa rin ako dahil sa mga bago kong damit na binili ni sir Austin. Hindi ko akalain na iti-treat nya ako ng mga mamahaling damit. At hindi lang isa kundi marami pa. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako makakapag suot ng mga branded na damit. Kaya pangako ko pagbubutihan ko pa ang trabaho ko at pagsisilbi sa kanya.

Nasa canned goods na kami at napansin kong panay kuha lang sya ni hindi man lang tiningnan ang expiration date. Kaya ako na mismo ang tumingin. Nang makita ko ang tatlong de lata na ilang buwan na lang ay expired na ay binalik ko ito sa estante at kumuha ng bago na malayo pa ang expiration date. May ilang mga grocery stores kasi na nilalagay lang sa unahan yung mga malapit ng maexpired. Kumunot naman ang noo nya sa ginawa ko.

"May problema ba?" Tanong nya.

"Yung iba nyo po kasing kinuhang de lata malapit nang maexpired kaya pinalitan ko po ng panibago." Nakangiting paliwanag ko.

"Ah ganun ba, sorry. Hindi talaga ako nag go-grocery kaya hindi ko alam. Ichi-check ko na lang next time." Kakamot kamot sa ulong sabi nya.

Napangiti naman ako sa kinilos nya. Nagmukha syang bata sa ginawa nya. Napansin ko rin naman na hindi sya maalam sa pag go-grocery dahil dampot lang sya ng dampot. Nakarating na kami sa mga junk foods section. At talaga nga naman nakakapaglaway ang mga naglalakihang tsitsirya. Kelan ba ako huling kumain ng tsitsirya? Sa sobrang pagtitipid ko hindi ko na maalala. Kagat labing dinampot ko ang tsitsirya. Hindi naman siguro masama kung kukuha ako kahit isa lang.

"Gusto mo ba nyan?"

Napaigtad ako ng marinig ko syang nagsalita sa aking likuran. Nilingon ko sya at nahihiyang tumango.

"Sige kunin mo lahat ng gusto mo. Pero wag masyadong kumain ng tsitsirya ha, maalat yan." Paalala nya.

Nangingiting tumango naman ako. "Salamat po!" Kinuha ko na nga ang mga paborito kong tsitsirya. Tig iisa lang syempre. Nakakahiya naman kung marami ang kukunin ko. Hay! Ang bait bait talaga ni sir Austin! Ang swerte ko sya naging amo ko. Bukod sa gwapo na at mabait. Galante pa!

Ang huli naming pinuntahan ay ang meat section, katabi na rin nito ang mga gulay. Nang akmang dadampot si sir Austin ng karne ay inunahan ko na sya. Baka kasi ano pa madampot nya. Tsinek ko muna ang mga karne bago ito nilagay sa cart. Bale tig dalawang kilo ng baboy, baka at manok. Dalawa lang naman kami sa bahay kaya sapat na yan. Susobra pa nga eh. Siguro sa palengke na lang ako bibili ng isda para sariwa. Kumuha na rin ako ng mga gulay. Yung sobrang mahal ay hindi ko na kinuha, sa palengke ko na bibilhan. Bukod kase sa pang grocery ay nag iiwan din ng pera si sir Austin pamalengke. Sa buong durasyon ng pag go-grocery namin ay itlog lang ata ang tama nyang napili at isang sako ng bigas na parang bulak lang nyang binuhat. Sabagay sa laki ng katawan nya, easy lang sa kanya ang magbuhat ng 50 kg na bigas.

Halos dalawang cart din ang tulak tulak namin. Sa kanya yung mabigat at sa akin naman yung magaan. Tinahak na namin ang counter.

"Nakuha na ba natin ang lahat ng kailangan, wala na ba tayong nakalimutan?" Tanong nya ng nasa counter na kami.

Umiling naman ako. "Wala na po. Sa palengke ko na lang bibilhin ang iba dahil mas sariwa at mura." Sabi ko.

Tumango tango naman sya at namulsa.

Pagkatapos mabayaran at ilagay sa kahon ang mga pinamili ay tinulungan pa kami ng ilang mga staff na buhatin ang mga pinamili at ilagay sa likod ng sasakyan..

"Sir Austin, salamat po uli dito sa mga damit." Nakangiting sabi ko habang nasa sala kami at bitbit ko ang mga paper bag na dadalhin sa kwarto ko.

"Wala yun Mika, deserve mo naman yan." Nakangiti ding wika nya habang nakatingala sa akin.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now